Barangay Manitoba Unlimited

  • Home
  • Barangay Manitoba Unlimited

Barangay Manitoba Unlimited Barangay Manitoba Unlimited is the local presence of Barangay Canada in the province of Manitoba.

It showcases the various events and activities of the multicultural community in the province.

Kabarangay Kris Ontong, co-founder and editor of Barangay Canada had the privilege of presenting on Friday afternoon at ...
12/07/2025

Kabarangay Kris Ontong, co-founder and editor of Barangay Canada had the privilege of presenting on Friday afternoon at the EngageMB consultation in Winkler, MB — an important discussion on how local media supports democracy throughout Manitoba.

Our kabarangay shared perspectives on the vital role that Filipino and other ethnocultural media play in amplifying community voices, preserving language, and contributing to civic engagement.

The All-Party Committee on Local Journalism is currently hosting consultations across the province to hear directly from rural, northern, and cultural media outlets. Today’s session brought together MLAs from government and opposition parties who are listening to how the province can better support local journalism.

Ang Lapu Lapu Day festival sa Vancouver ay isa sana'ng masayang pagdiriwang ng pagkakaisa ng ating komunidad, ngunit nau...
29/04/2025

Ang Lapu Lapu Day festival sa Vancouver ay isa sana'ng masayang pagdiriwang ng pagkakaisa ng ating komunidad, ngunit nauwi ito sa isang trahedyang hindi natin inakalang mangyayari—na hanggang ngayon ay nagpapabigat pa sa ating damdamin.

Nakikiisa ang Barangay Manitoba Unlimited sa pakikiramay sa mga biktima, sa kanilang pamilya, at sa lahat ng naapektuhan. Taos-puso naming ipinagdarasal kayo sa panahong ito ng matinding dalamhati.
Sa kabila nito, nawa'y patuloy nating matagpuan ang lakas sa isa't isa.

The Lapu Lapu Day festival in Vancouver was meant to bring joy and unity to our community, but it ended in an unimaginable tragedy that has left us shaken and heartbroken.

Barangay Canada stands in solidarity with the victims, their families, and all those affected. We send our deepest condolences and prayers during this time of grief. In the face of sorrow,
may our community continue to find strength in one another.

Happy Easter, dear Kabarangays! 🌸🐣As we celebrate this season of hope and renewal, we wish you all moments of meaningful...
20/04/2025

Happy Easter, dear Kabarangays! 🌸🐣

As we celebrate this season of hope and renewal, we wish you all moments of meaningful reflection, spiritual refreshment, and heartfelt gratitude.

The Barangay Manitoba Team is truly thankful for the blessings we’ve received—and for the chance to explore new culinary experiences! 😋

and craving authentic Thai cuisine, treat your taste buds to TomYum Thai at 233 Regent Ave, and discover why Thailand is lovingly known as Southeast Asia’s Land of Smiles. 😊

🗳️ Federal Elections 2025: Where Do the Major Parties Stand On Environmental Platforms and Priorities❓Dear Kabarangays i...
19/04/2025

🗳️ Federal Elections 2025: Where Do the Major Parties Stand On Environmental Platforms and Priorities❓

Dear Kabarangays in Manitoba, our colleagues from Caring for our Environment for Sustainable Prosperity (CEM) invites everyone to their free non-partisan virtual forum on Earth Day, April 22nd, with the candidates of major federal political parties to shed light on this subject and help provide an informed choice for voters.

Please confirm your attendance here: https://fb.me/21AnkLfpvgTJmBL and refer to the accompanying poster for the Zoom meeting details.

05/04/2025

Ang co-founder ng Barangay Canada na si Kabarangay Kris Ontong ay inanyayahan sa Got Citizenship? Go Vote. campaign ng Elections Canada at ng Immigration Partnership Winnipeg para mag-record ng pampublikong mensahe sa wikang FIlipino para sa federal election ngayong April 28.

Pinarangalan lang nitong Pebrero ng King Charles III Coronation Medal para sa lingkod-komunidad, batid ni Ontong kung gaano kahalaga ang halalan na ’to.

“Dahil sa mga isyu tulad ng trade tensions, pagtaas ng bilihin, problema sa pabahay, at pagbabago ng mga alyansa sa mundo, malaki ang epekto ng eleksyon na ito sa kinabukasan ng pamilya natin, sa ekonomiya, at sa papel ng Canada sa buong mundo. Matagal na tayong nag-aambag bilang Filipino-Canadian —- ngayon naman, panahon na para marinig ang tinig natin!”

The recent snowfall did not dampen the jovial mood at Masagana Flower Farm & Studio in the blissful RM of Richer, Manito...
24/03/2025

The recent snowfall did not dampen the jovial mood at Masagana Flower Farm & Studio in the blissful RM of Richer, Manitoba. Aspiring gardeners from Steinbach and Winnipeg converged at the Studio in the Woods for a seed-starting party that made for a fun-filled afternoon of learning, laughter, and planting floral and vegetable seeds to bloom this spring.

Masagana Flower Farm & Studio is a vibrant, eco-conscious space dedicated to regenerative flower farming, natural dyeing, and creative community workshops. It is best known for The Tinta Experience—a one-day workshop on eco-printing and indigo dyeing using botanicals grown on the farm. Reconnect with nature and explore the fascinating artistry of botanical dyes. Discover all the unique experiences the farm has to offer at https://www.masaganaflowerfarm.com/all-experiences.

Ang Barangay Manitoba ay naghahatid ng isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Pasko sa komunidad Pilipino sa Steinbach ...
08/12/2024

Ang Barangay Manitoba ay naghahatid ng isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Pasko sa komunidad Pilipino sa Steinbach at Southeast Manitoba! Idinaos ng SEMFA - South EastMan Filipino Association ang pinakaaabangan nilang Christmas Party nitong Sabado, ika-7 ng Disyembre sa Pat Porter Active Living Centre.

Sinalubong ang mga panauhin ng makulay na backdrop ng Happyville Photobooth na swak para sa pamaskong souvenir photo. Masigla ang naging daloy ng programa, sa tulong ng tambalan ng mga emcee na sina Peegy Ontong at Lester Quives na napanatili ang pinaghalong saya at pananabik ng mga dumalo na hiling manalo ng mga papremyo gaya ng mga sako ng bigas, isang kitchen mixer, isang smoker, isang snow bike, at dalawang telebisyon.

Siksik naman ang buffet table ng mga patok na lutuing Filipino tulad ng pancit, lechon, pork adobo, beef mechado, bopis, at lumpia, na kinumpleto ng mga Pinoy na panghimagas tulad ng espasol at rice cakes. May hain din na mga lokal na paborito tulad ng pritong manok, spaghetti, Caesar salad, pizza, at mga pastry.

Isa pang highlight ang entertainment na nagtampok ng mga pagtatanghal ng mga mahuhusay na local acts kabilang ang Ella's Band, Lexie O., at ang Northern Hills Band. Kasama sa mga panauhing pandangal sina Provencher MP Ted Falk at kanyang asawang si Irene, Steinbach Mayor Earl Funk at kanyang asawang si Lori, SEMFA founding president Jorie Sawatzky, at Atty. Gary Sarcida ng PKF Lawyers, kasama ang mga galante na sponsors na nag-ambag ng mga papremyo

Nakadagdag sa kagalakan ang kauna-unahang Christmas Caroling Contest. Ang grupong The Cousins ​​ay nakatanggap ng $500 bilang kampeon, habang ang Erikappela at Heartbeats ay nakatanggap naman ng tig-$200 bilang consolation prize.

Nagbigay ng emosyonal na talumpati si SEMFA President Kristine Bristol, na nagpahayag ng pasasalamat sa kanyang pamilya, kapwa opisyal ng SEMFA, mga boluntaryo, sponsor, at lahat ng dumalo. Binigyang-diin din ni Bristol ang kahalagahan ng komunidad at ang kagalakan ng sama-samang pagdiriwang.

Isang matinding tagumpay ang SEMFA Christmas Party nitong taon, sa paghatid ng saya at pagkakaisa sa mga bumubuo ng komunidad Pilipino sa Southeast Manitoba.

  and craving delicious home-style cooking, make your way to Sky-Hy Restaurant on Highway 12 North, near the local airst...
01/12/2024

and craving delicious home-style cooking, make your way to Sky-Hy Restaurant on Highway 12 North, near the local airstrip—it’s a must-visit!

Kick things off with their 16-piece wings, perfectly seasoned in your choice of honey garlic, BBQ, salt and pepper, or lemon pepper. For the main event, sumptuous options to savour are the Cod Fish Dinner, Lasagna Boat, and Vereniki Dinner, all cooked to perfection. Top it off with chocolate cheesecake for the ultimate sweet finish!

Check out their online menu here: https://bit.ly/skyhy-menu.

Ngayong Araw ng Pag-alaala o Remembrance Day, binibigyang-pugay natin ang mga bayani at beterano na nag-alay ng kanilang...
11/11/2024

Ngayong Araw ng Pag-alaala o Remembrance Day, binibigyang-pugay natin ang mga bayani at beterano na nag-alay ng kanilang buhay para sa kapayapaan at kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Para sa ating komunidad ng mga Pilipino dito sa Manitoba, mahalaga ang araw na ito bilang pagpapaalala ng ating pagkakaisa at katatagan bilang isang komunidad. Marami ring kababayan natin ang naglingkod at nagpatuloy sa paglilingkod sa Canada, kaya't sa araw na ito, nagpapasalamat tayo at inaalala ang kanilang sakripisyo. "Lest we forget," o huwag sana nating makalimutan.

On this Remembrance Day, Barangay Canada joins the country in honouring the brave men and women who sacrificed their lives for the freedoms we enjoy today, and we remember their legacy. This day also holds profound significance for the Filipino-Canadian community because of the shared values of resilience, courage, and unity that define us. Many Filipino Canadians, past and present, have also served in the Canadian Armed Forces, contributing to Canada's peace and security. Lest we forget.

🎉 Golden "Tambuli" Awards - 10th Anniversary ng FMAACI 🎉Nobyembre 9 - Ginanap sa Maples Collegiate ang Golden Tambuli Aw...
10/11/2024

🎉 Golden "Tambuli" Awards - 10th Anniversary ng FMAACI 🎉

Nobyembre 9 - Ginanap sa Maples Collegiate ang Golden Tambuli Awards, ang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng pagkatatag ng Filipino Music & Arts Association of Canada Inc. (FMAACI). Napuno ang Judy SIlver Commons ng mga panauhing nakibahagi sa kasiyahan, inspirasyon, at pagkilala sa mga tumulong magtaguyod ng musikang Pinoy at sining dito sa Canada. 🇨🇦🇵🇭

Nagsimula ang gabi sa isang masarap na hapunan kasabay ng multikultural na pagtatanghal mula kina Keri Latimer, Nandita Selvanathan, Christine Mazur, Levy Abad, Elmer Aquino, Jun Llanos, Daniel Tabo-oy Jr., Jeanette Perez, Joyce Colada, RJ Arellano at ang Ukulele Filipino Club. Tampok din ang pagtatanghal nina Topyu at ng D'Neis Siblings.

Sa ikalawang bahagi, ipinamigay ang mga parangal sa mga indibidwal at organisasyong tunay na nagpakita ng malasakit at suporta para sa sining at kulturang Filipino. Kabilang sa mga indibidwal na pinarangalan sina Clarita Ortega-Nazario, Aida Champagne, Paul Kelvin Ong, Joy Lazo at Perla Javate.

Nakatanggap rin ng parangal ang mga kabataang manunugtog na The 12/21 at D Neis Siblings. Kinilala naman ang mga songwriters na sina Levy Abad, Julius Cesar Eugenio at Alfie Vera Mella.

Kabilang sa mga organisasyon na pinarangalan ang Bibak Manitoba, Quezon Province Association of Manitoba, Inc., Filipino Seniors Group of Winnipeg, Philippine Heritage Council of Manitoba, Inc., Philippine-Canadian Centre of Manitoba Inc. at Seven Oaks Education Foundation, Inc.

Nagpupugay ang Barangay Manitoba sa FMAACI sa patuloy ninyong pangangalaga at paglinang sa himig at sining ng Pilipino dito sa Canada. Lubos rin ang aming pasasalamat sa inyong paanyaya sa pagdiriwang na ito, kung saan kinilala rin ang aming pagsuporta sa inyong mahalagang tungkulin sa ating komunidad. Mabuhay! 🎉

Oktubre 19 - Nakipagpulong si Fort Whyte MLA Obby Khan sa mga kinatawan ng komunidad Pilipino sa Winnipeg, bahagi ng kan...
20/10/2024

Oktubre 19 - Nakipagpulong si Fort Whyte MLA Obby Khan sa mga kinatawan ng komunidad Pilipino sa Winnipeg, bahagi ng kanyang pagsisikap na maging pinuno ng Progressive Conservative Party ng Manitoba.

Ginanap ang pagpupulong sa tanggapan ng Philippine-Canadian Centre of Manitoba Inc. kung saan tinugunan ni Khan ang mga tanong tungkol sa paninindigan niya kaugnay sa kaligtasan ng publiko, patakaran sa enerhiya, imigrasyon, pangangalaga sa kalusugan, at ang tumitinding damdaming kontra sa mga migrante.

Happy Thanksgiving, mga kabarangay! Heto na naman ang isang edition ng   tampok ang location ideas para sa Fall photosho...
14/10/2024

Happy Thanksgiving, mga kabarangay! Heto na naman ang isang edition ng tampok ang location ideas para sa Fall photoshoot, kebab resto na may robot waiter, at food takeout para sa mga espesyal na okasyon gaya ngayong Thanksgiving. Tara na!

Address


Website

https://barangaycanada.com/category/barangay-manitoba

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Manitoba Unlimited posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Barangay Manitoba Unlimited:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share

Barangay Canada: Building a Nationwide Village

Barangay Manitoba is the local component of the Barangay Canada Project which aims to document and share the stories of how newcomer communities in rural areas of Canada integrate and thrive in their respective locales. Barangay is a Philippine term for a small village, indicating that the project's focus is on Filipino newcomers initially, but with plans to expand to other ethno-cultural groups. Barangay Manitoba also has a print media presence, as a column in the Manitoba Filipino Journal.

Kris Ontong was selected as the local coordinator and presenter for his active role in the community as past president of the Southeast Manitoba Filipino Association (SEMFA), 2019 Awardee of the National Filipino-Canadian Heritage Month, and Community Service nominee at the 2019 Golden Balangay Awards.