28/09/2025
SARHAN
Song by GIGI DE LANA
Ikaw ang mundo bawat salita
Dito lahat pangako'y nagmula
Pero 'di nagtagal, lahat ay nawala
Dahil ako sayo'y nagkasala
Alaala nating magkasama, ngayon ang lahat ay nabalewala
Kaya ang puso ko ngayo'y nagluluksa
Ngunit bakit muling ako'y pinaasa at tila ba't tayo'y magkakabalikan pa
Ang puso ko'y muling sumigla, nananabik na mayakap ka..
Pano ba tatanggapin, ulit- ulit na sakit
Kung ako ang may sala, bakit magpipilit
Bakit pa ba umaasa, sa bola ay kumakapit
Gayong ikaw naman pala'y may iba ng iniibig
Bakit nasasaktan ulit, ayos na ako "sana"
buong akala ko'y maaâgaw kita
Ngunit sa huli, ang pinili mo ay "siya" , o Kay sakit o Kay saklap
mawawala ka din pala—
Bakit 'di ko maiwasan, pag naririnig, pangalan mo
Ala-alang babalik sa puso at isipan ko,
Ako'y naniwala na pipiliin mo,
dahil ako'y pinaasang "meron pang tayo!"
Kahit na mukhang tanga, ibig pa din ipakita, lahat ng nawala mo
at ang sa'yo na nawala
Bawat kislap nitong mata, bawat bihis na maganda
Iniisip ko pa rin, puso mo ay sa akin pa.
Pero bakit mo nga ba ako'y pinansin pa
gayong sa puso mo'y may'ron palang iba
di nalang sana muli pang nagkita
Wala naman pala tayong dalawa
ngayon lang nagliwanag itong ating "kwento"
GOOD BYE nga pala at 'di dapat "Hello"
naglaho ang LAHAT, mga pangarap ko,
Good bye, goodbye na nga, paalam na sa'yo!
pakiusap ko na huwag na muling buksan,
sobrang sakit ng nararamdaman
Itong ating kwento'y tuluyan ng S A R H A N...
Kailangan ko ng ika'y KALIMUTAN!!
💔❤️❤️💔💔💔
cttoofthissong
This song's lyrics are dedicated to someone who has a big part of my 20's, and up to now is still my ghost who haunted me in the middle of the night👻
Kasi minsan dumadaan pa rin sya sa panaginip ko.
To you, Tuluyan na nating sarhan ang kwentong meron tayo. Focus nalang tayo sa kanya kanya nating buhay!
Salamat dahil nagkaroon ng closure kahit sa kantang ito.
At sa LAHAT ng gusto ng closure, para sa inyo ang kantang ito.
I hope ma LSS din kayo sa kantang ito, gaya ko. 😃✌️
ML Song Lyrics TopFans Coffee & Honey