30/07/2023
WHICH PROPERTY NGA BA, MGA KA INVESTEES?
Opo, nakaka excite po talaga mag invest sa Real Estate. Pero wag po masyado ma excite, para iwas sisi po. Kelangan po natin pagisipan maigi kung alin ba dapat ang kukunin natin.
Anu nga ba ang checklist sa pagpili ng bibilhing property?
iShare ko po itong sarili kong checklist, baka makatulong po sa inyo. ☺️
1. BUDGET
- number 1 po ito. Mag set ng minimum at maximum budget para sa property. And also, consider yung magagastos sa renovation at gagastusin sa pag transfer ng title. 😉
2. PURPOSE
- bakit nga ba kukuha ka ng property? What is your end goal? Papaupahan mo ba ito agad? For passive income. O pure investment lang, tengga lang muna at papataasin ang value over time saka ibenta? Depende po sa goal ninyo sa pagkuha ng property.
3. HOUSE CONDITION
- isa din po ito sa pinakaimportante. Ako po ay nagpapa assess din po sa expert na kilala ko kung ayos pa ba ang kondisyon ng property.
Bakit po? Dahil sobrang taas na po ng presyo ng materyales ngayon. Kung hindi na po maayos ang property, baka mapagastos kayo ng sobra sa pagpapaayos. Kaya maliban po sa price ng property, iconsider din po kung magkano ang magagastos ninyo sa pagpapaayos. Kasi baka mura nga iyong property, for demolition naman o matataga kayo sa price ng pagpapaayos.
4. CLEAN TITLE / legal documents
- unang una po, hindi po ako nakikipag transact sa hindi owner. Maingat lamang po ako 😉
- isa isa kong chine check ang mga documents para malaman kung clean title ito. May post po ako tungkol dito, "CLEAN TITLE NGA BA?" ( Check my page for more info)
5. LOCATION
- kung paupahan po ang goal ninyo, assess the location. Malapit ba sa mga terminal o sakayan? Malapit ba sa mga pamilihan? Ideal kaya ang property para sa rental business?
- Yung location ba ay may future progression plan? May mga itatayong mga establishments? Na sa tingin nyo, in 5 to 10 years, tataas ang value ng lupa/property?
- Trivia: Alam nyo ba na ang Cubao ay liblib at talahiban lang dati? 😂 Sabi po yan ng isang Lola. Legit po yan 😉
Additional helpful info:
- bahain kaya yung lugar? Huwag nyo po ito tanungin sa seller/owner. Isa lamang po isasagot nila "NAKU, HINDI NAGBABAHA DITO" 😅 Try searching the location+news flood. Example: Flood News Hagonoy Bulacan. Makikita po ninyo ung mga news ng mga bagyo at kung binaha ung lugar na target nyo.
- alamin nyo na din po ung reason for selling. If curious kayo. You may not get the true reason, pero at least magka idea kayo.
- sa location, check nyo na din ung nearby establishments, baka may mga piggery o poultry nearby or any establishments that might concern you 😉
May namiss po ba ako sa checklist? Share yours naman ☺️
Please like and follow my page for more topics about Real Estate Investment 😍
Real Estate Investment