14/04/2026
Nice try Team! Thank you sa support nyo guys! ☝❤
𝗙𝗟𝗔𝗠𝗘𝗦 𝗗𝗢𝗪𝗡.
Sa simula pa lang ng laban, alam naming haharap kami sa mga beteranong koponan. Bilang mga rookie, pribilehiyo para sa amin na makasabay at makipaglaban sa ganitong antas—kaya pinili naming sulitin ang bawat pagkakataon, matuto, at magpatuloy.
Sa gitna ng sunod-sunod na pagkatalo, sa mata ng iba ay kabiguan—pero para sa amin, ibang laban ito kumpara sa nakasanayan. Mas mabigat, mas totoo, at mas puno ng aral. At kahit ganon, hindi kami tumigil.
Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng piniling manatili at sumuporta sa amin sa bawat hakbang. Kayo ang naging lakas namin para magpatuloy.
Maraming salamat sa Fired Up Collective, kay Coach Aggressive, at syempre kay Sir Fuego na isa sa mga unang naniwala sa pangarap namin.
Ang apoy ng Team Fuego ay hindi namamatay—nagpapahinga lang. 🔥
Ma, talo kami. Anong ulam? 🥹