19/08/2022
Sec. Erwin Tulfo
PAKIBASA: SINO NGABA ANG PRIYORIDAD MABIGYAN NG CASH ASSISTANCE?
Magandang araw! Ang Educational Assistance, na nasa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, ay para sa mga STUDENT-IN-CRISIS na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin.
Para sa requirements ng paghingi ng Educational Assistance, ang benepisyaryo o ang authorized representative ng benepisyaryo na maglalakad ng assistance ay kailangang magsumite ng kopya ng valid ID. Kailangan din magpresenta ng authorization letter kung ang maglalakad ng papel ay representante ng kliyente. Maaring buksan ang link na sumusunod upang malaman ang requirements sa nasabing Cash Assistance:
https://bit.ly/3K1VTPH
Mga paalala:
- Prayoridad sa gagawing payout ang mga nauna nang humiling ng educational assistance sa pamamagitan ng email.
- Para hindi mauwi sa siksikan at pagdagsa ng mga taong nais makakuha ng benepisyo sa programa, hintayin lang ang text confirmation mula sa DSWD kung kailan, saan, at anu-ano ang maaaring dalhin na mga requirements o dokumento sa araw ng pagtanggap ng assistance.
- Mag email sa: [email protected] upang makakuha ng schedule
- Sa mga hindi naman nakapag-email, maaari namang mag-walk in sa alinmang tanggapan ng DSWD.
- Ang programang ito ay limitado lamang hanggang tatlong (3) anak ng mga benepisyaryong pamilya na nag-aaral mula elementarya hanggang vocational o kolehiyo.
- Maaaring kunin ng guardian ang cash assistance ng mga menor de edad na mga kwalipikadong estudyante sa programa, habang ang mga nasa vocational o kolehiyo, maaari nang direktang makipag-ugnayan sa alinmang tanggapan ng DSWD para sa pagkuha ng educational assistance.
- Once every school year ang pagbibigay ng educational assistance. Ito po ay tulong ng DSWD sa mga student-in-crisis para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa panahon ng krisis o emergency situation.
- Samantala, isinasagawa naman sa mga Field Offices ng Kagawaran ang distribusyon para sa mga nasa probinsya kasabay ang iba pang tulong sa ilalim ng programang AICS.