
25/09/2025
โ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐ฃโ
"Pero sino ba talaga ang may hawak ng kapangyarihan? Hindi sila. Tayo."
Ilang daang taon nang lumalaban ang Pilipino para sa kalayaan. Mula sa pananakop ng Espanyol hanggang sa diktadura ng nakaraan, muliโt muli tayong bumangon. Hindi ipinuhunan ng ating mga ninuno ang kanilang dugo at buhay para lang maghirap at manahimik tayo ngayon. Ipinaglaban nila tayo upang ipaalala na ang Pilipino ay marunong tumindig at lumaban.
Ngayon, ibang laban ang kaharap natin. Hindi na dayuhang espada o baril, kundi korapsyon na ninanakaw ang ating kinabukasan, kasakiman na sumisira sa ating dangal, at panlilinlang na nilulunod ang ating pag-asa. Ang akala ng mga nasa kapangyarihan, mananatili tayong tahimik at takot. Ngunit dito sila nagkak**ali.
Ang gobyerno ay hindi trono. Isa itong upuang hiniram lamang sa tiwala ng tao. At kapag winasak nila ang tiwalang iyon, tungkulin nating bawiin at ibalik ang kapangyarihan sa tunay na may-ari, ang sambayanan.
Huwag nating kalimutan, ang dugo ng mga bayani ang tinta ng ating kasaysayan. Simula kina Bonifacio at Rizal hanggang kina Ninoy at mga martir ng EDSA. Iisa ang kanilang sigaw, "hindi alipin ang mga Pilipino." Paulit-ulit na pinatunayan ng kasaysayan na kapag nagkaisa ang bayan, bumabagsak ang pinak**alakas na halimaw.
At ngayon, tayo ang nasa pahina ng kasaysayan. Hindi na sila, kundi tayo.
Kaya eto ang tanong, mananatili ka pa rin bang tahimik, o tatayo ka para ipakita na ang tunay na kapangyarihan ay nasa ating mga k**ay?
Written by: Ryza Dungca
Illustration by: Julliana Doria