
10/11/2024
ANUNSYO LIPEÑO
No Face to Face Classes!
Batay sa abiso ng PAGASA, inaasahan ngayon ang masamang panahon at malakas na hangin na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian, bunsod ng Severe Tropical Storm Nika.
As of 4:00AM, bagama’t wala pang ulan ay bumibilis ang galaw ng ulap. Kung kaya't sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), ipinagbibigay alam na SUSPENDIDO ang FACE TO FACE CLASSES at magsi-shift sa MODULAR/ONLINE DISTANCE LEARNING ang klase sa LAHAT NG ANTAS ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Lipa ngayon (November 11, 2024 / Lunes).
Patuloy po tayong Mag-ingat at Manalangin.