GO Surigao

GO Surigao Everything and Anything Surigao

🌊🌴 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧: 𝗔𝗡 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗥𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗚𝗘𝗠 𝗜𝗡 𝗦𝗨𝗥𝗜𝗚𝗔𝗢 ✨🏖️Tuklasin ang tahimik na ganda ng Cagwait, Surigao del Sur sa SandSc...
29/08/2025

🌊🌴 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧: 𝗔𝗡 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗥𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗚𝗘𝗠 𝗜𝗡 𝗦𝗨𝗥𝗜𝗚𝗔𝗢 ✨🏖️

Tuklasin ang tahimik na ganda ng Cagwait, Surigao del Sur sa SandScape Resort — isang Santorini-inspired escape na may cozy rooms, good food, at a peaceful beach all to yourself. 🌊💙

✅ Perfect for family trips, beach lovers, at relaxation seekers
💬 “Underrated and peaceful!” | “Feels like you booked the whole resort.”

📍 SandScape Resort, Cagwait, Surigao del Sur

Get featured on our page
✉️: [email protected]



Pormal nang binuksan ngayong Agosto 13, 2025 sa Luneta Park ang Batang Surigaonon Youth Trade Fair bilang bahagi ng Ling...
13/08/2025

Pormal nang binuksan ngayong Agosto 13, 2025 sa Luneta Park ang Batang Surigaonon Youth Trade Fair bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2025.

Pinangunahan nina City Councilor Dr. Faith Elumba at SK Federated President Jenelyn Edulzura ang ribbon cutting ceremony bilang suporta sa mga programang pangkabataan ng lokal na pamahalaan.

Labing-apat (14) na kalahok mula sa iba’t ibang barangay at organisasyon ang nagpakita ng kanilang mga produkto. Ang mga magwawagi para sa Best Booth at Highest Sales ay iaanunsyo sa Agosto 16, 2025.

Bukas ang Trade Fair hanggang Agosto 15, 2025 sa Luneta Park at libreng puntahan para sa lahat ng nais sumuporta sa mga kabataang negosyante ng Surigao.

Source: Surigao City PIO/ page



Dumalaw sa opisina ni Mayor Pablo Yves L. Dumlao II ang Regulation, Licensing, and Enforcement Division ng Center for He...
13/08/2025

Dumalaw sa opisina ni Mayor Pablo Yves L. Dumlao II ang Regulation, Licensing, and Enforcement Division ng Center for Health Development (CHD) Caraga, pinangunahan ni Licensing Officer Anna Liza Runez kasama sina Mavic Jingle Montero, Ma. Ferma Liwat, at Trisha Mae Opianga noong Agosto 13, 2025.

Tinalakay sa pagpupulong ang inspeksyon at beripikasyon ng Super Health Centers sa Brgy. Luna at Brgy. Dagong, pati na rin ang iba pang plano at pagpapabuti para sa kalusugan ng mga batang Surigaonon.

Dumalo rin sina City Health Officer Dr. Benjielita Notada, QART Head Catherine Olviz, City Budget Officer Atty. Jeffrey Galido, at mga kinatawan mula sa Super RHUs at Department of Health.

Source: Surigao City PIO/ page



Dumating sa Surigao City ang 17 obispo at pinuno ng simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis ng Iglesia Filipina Independi...
13/08/2025

Dumating sa Surigao City ang 17 obispo at pinuno ng simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa Mindanao para sa apat na araw na semestral conference.

Pinangunahan ni Bishop of Surigao at dating Obispo Maximo Rhee Timbang, tinanggap sila nina Mayor Pablo Yves L. Dumlao II at Vice Mayor Alfonso Casurra sa City Mayor’s Office noong Agosto 13, 2025. Nagpaabot ng pagbati at panalangin ang mga obispo para sa muling pagkahalal ng dalawang opisyal at nangakong susuporta sa pag-unlad ng lungsod.

Nagpasalamat si Mayor Dumlao at nagpahayag ng kahandaang makipagtulungan sa simbahan sa mga programang makakatulong sa mamamayan ng Surigao.

Kasama rin sa pagtanggap si City Budget Officer Atty. Jeffrey Galido.

Source: Surigao City PIO/ page



Nagtipon ngayong Agosto 13, 2025, sa City Gymnasium ang mga kawani ng Surigao City Hall para sa pagbubukas ng 55th Chart...
13/08/2025

Nagtipon ngayong Agosto 13, 2025, sa City Gymnasium ang mga kawani ng Surigao City Hall para sa pagbubukas ng 55th Charter Day Inter-Office Sportsfest 2025.

Pinangunahan nina Vice Mayor Alfonso Casurra, mga Konsehal ng Lungsod, Liga ng mga Barangay President Florenillo Ravelo, SK Federated President Jenelyn Edulzura, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ang programa. Tampok dito ang Mr. and Ms. Sportsfest 2025 mula sa bawat koponan at masiglang line dance contest.

Lalahok ang limang koponan mula sa iba’t ibang opisina ng lungsod sa basketball, volleyball, badminton, darts, chess, tug-of-war, at tradisyunal na larong Pilipino upang palakasin ang samahan, kalusugan, at teamwork ng mga empleyado.

Source: Surigao City PIO/ page



Pormal nang sinimulan ngayong Agosto 12, 2025, sa Surigao City Cultural Center ang ikalawang edisyon ng Batang Surigaono...
13/08/2025

Pormal nang sinimulan ngayong Agosto 12, 2025, sa Surigao City Cultural Center ang ikalawang edisyon ng Batang Surigaonon Brains of Surigao sa pamamagitan ng elimination rounds.

Inorganisa ng Local Youth Development Office–Surigao City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, kalahok dito ang mga mag-aaral mula elementarya, junior at senior high school, at kolehiyo mula sa iba’t ibang panig ng lungsod upang ipakita ang kanilang talino at galing.

Gaganapin ang semifinals at finals sa Agosto 14, 2025, sa City Gymnasium, kung saan pararangalan ang mga kampeon bilang Brains of Surigao ngayong taon.

Source: Surigao City PIO



Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Surigao, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employm...
13/08/2025

Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Surigao, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Skills and Development Office (PESDO) sa pamumuno ni Arciazel L. Lagrama, ang 127 nagtapos sa JobStart Philippines Program 2025 noong Agosto 11, 2025 sa Almont Beach Resort.

Ito ang kauna-unahang batch ng JobStart trainees sa lungsod, na layong palakasin ang kahandaan sa trabaho ng mga Surigaonon, lalo na ng kabataan. Nakapagtapos sila ng 10-araw na soft at core skills training at tumanggap ng ₱4,200 allowance bilang bahagi ng suporta ng programa.

Ipinagkaloob din ang mga espesyal na parangal tulad ng Exemplary JobStart Trainee Award, Consistent Award, at Mr. & Ms. Congeniality Award.

Dumalo sa seremonya sina Konsehal Karl Duane Casurra, Liga ng mga Barangay President at Committee on Labor and Employment Chairperson Florenillo B. Ravelo, DOLE Caraga Regional Director Atty. Jason P. Balais, OIC–Assistant Secretary for EHRD Director Patrick P. Patriwirawan Jr., TSSD Chief Annie C. Tangpos, at DOLE SDN Provincial Head May C. Velonta.

Nagtapos ang programa sa isang mini job fair na nag-ugnay sa mga nagtapos at iba pang naghahanap ng trabaho sa mga potensyal na employer—patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na magbukas ng mas maraming oportunidad para sa disenteng kabuhayan ng mga Surigaonon.

Source: Surigao City PIO/ page



Ipinatupad ng Surigao del Norte Police Provincial Office (SDNPPO) ang mas pinaigting na seguridad ngayong Hulyo 21, 2025...
22/07/2025

Ipinatupad ng Surigao del Norte Police Provincial Office (SDNPPO) ang mas pinaigting na seguridad ngayong Hulyo 21, 2025 sa ginanap na State of the Province Address (SOPA) ni Governor Robert Lyndon S. Barbers sa Provincial Gymnasium. Pinangunahan ni PCol. Warren E. Dablo ang mahigpit na pagbabantay kasama ang mahigit 95 pulis na itinalaga sa paligid ng venue upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dumalo. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng gobernador ang suporta ng mga mamamayan at pinunong lokal, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Surigao del Norte.

Source: Surigao Del Norte Police Provincial Office/page



WEATHER UPDATE: ‘MATINDING BANTA NG PANAHON SA VISAYAS AT MIMAROPA, INALERTO NG PAGASA’TINGNAN: Naglabas ng Heavy Rainfa...
18/07/2025

WEATHER UPDATE: ‘MATINDING BANTA NG PANAHON SA VISAYAS AT MIMAROPA, INALERTO NG PAGASA’

TINGNAN: Naglabas ng Heavy Rainfall Warning No. 17 ang PAGASA ngayong umaga, 8:00 AM, bunsod ng patuloy na pananalasa ng habagat na pinalalakas ng Bagyong . Kasalukuyang nasa Red Warning Level ang ilang bahagi ng Kanlurang Visayas, Negros, at buong Mainland Palawan, na nangangahulugang may matinding pag-ulan na nagbabanta sa buhay.

RED WARNING: EXTREME DANGER ZONE
Ang mga sumusunod na lugar ay nakararanas o inaasahang makararanas ng matitinding pag-ulan na maaaring magdulot ng malalalim na baha at biglaang pagguho ng lupa:

• Antique
• Negros Oriental
• Mainland Palawan (Puerto Princesa City, Narra, Roxas, Brooke’s Point, Taytay, at iba pa)
• Capiz
• Aklan
• Negros Occidental
• Iloilo
• Guimaras

Ayon sa mga otoridad, inaasahan ang baha kahit sa mga lugar na karaniwang hindi binabaha, at posibleng landslide sa kabundukan na maaaring abutan ang mga hindi nakahanda. Pinapayuhan ang mga residente na agad na lumikas kung kinakailangan at makipag-ugnayan sa lokal na DRRMO.

ORANGE WARNING: DELUBYO SA KAPATAGAN AT KABUNDUKAN
Itinaas naman ang Orange Warning sa mga sumusunod na lugar:

• Siquijor
• Occidental Mindoro
• Northern Palawan (Coron, Busuanga, Cuyo, Culion, Agutaya)

Bagama’t mas mababa ang antas ng babala kumpara sa Red Warning, delikado pa rin ang sitwasyon dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan. Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa baha at landslide, lalo na sa mga low-lying areas.

BANTA NG ULAN SA SUSUNOD NA 2-3 ORAS:
Patuloy rin ang pag-ulan sa:

• Cebu
• Leyte
• Biliran
• Samar
• Eastern Samar
• Southern Leyte

Kasabay nito, walang patid ang buhos ng ulan sa Bohol at mga kalapit na lugar. Pinayuhan ang mga residente roon na huwag nang maghintay ng panibagong babala bago maghanda.

MGA MAHALAGANG PAALALA:
• I-monitor nang tuloy-tuloy ang ulat mula sa PAGASA, LGU, at iba pang awtoridad.
• Maghanda agad — huwag maghintay ng bagong abiso bago kumilos.
• Ilagay sa ligtas na lugar ang mga dokumento, pagkain, gamot, at emergency supplies.
• Iwasan ang mga ilog, bundok, at mabababang lugar.
• Ipanalangin ang kaligtasan ng mga apektado.

Ang tumitinding ulan ay maaaring magdulot ng pinsala sa isang iglap. Sa gitna ng banta ng bagyo at habagat, ang maagap na paghahanda ang susi sa kaligtasan. Maging alerto, maging ligtas.

Photo: PWS/SWS (FACEBOOK)



Isinagawa noong Hulyo 14, 2025 ang unang courtesy meeting ng Solo Parents HUGS Organization sa Sangguniang Panlungsod Se...
16/07/2025

Isinagawa noong Hulyo 14, 2025 ang unang courtesy meeting ng Solo Parents HUGS Organization sa Sangguniang Panlungsod Session Hall.

Sa pangunguna ng kanilang mga opisyal, pormal na ipinakilala ng grupo ang kanilang adhikain at mga plano para sa kapakanan ng mga solo parent sa lungsod. Mainit silang tinanggap nina Bise Alkalde Alfonso S. Casurra at mga miyembro ng SP na nagpahayag ng suporta sa kanilang layunin.

Dumalo rin si Ms. Rya Zen L. Opalia, RSW, Solo Parent Focal Person mula sa CSWDO, bilang patuloy na tagagabay ng organisasyon.

Itinuturing itong makasaysayang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan ng pamahalaan at sektor ng solo parents.

Source: Sanguniang Panlungsod City Government of Surigao/page



Hindi lang sa treats dapat mabilis—sa pagboto rin! 🐶🗳️
12/05/2025

Hindi lang sa treats dapat mabilis—sa pagboto rin! 🐶🗳️

12/05/2025

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Surigao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share