OpinYon Quezonin

  • Home
  • OpinYon Quezonin

OpinYon Quezonin OpinYon is the Philippines' leading advocacy paper. We take a stand. Website: www.opinyon.net

12/07/2025

You can now renew your driver’s license online using just your phone.

The new Online Driver’s License Renewal System (ODLRS) was officially launched by the LTO to cut the hassle of long lines and save you time, money, and effort.

Here’s how you can do it:
1️⃣ Download the “eGovPH” app from the App Store or Google Play
2️⃣ Open the app and tap NGA, then find and click LTO
3️⃣ Tap “Renew Your Driver’s License”
4️⃣ Upload a clear photo of the front and back of your license
5️⃣ Wait 1–3 minutes for the system to verify it
6️⃣ Review your details, then hit Submit
7️⃣ Take a selfie following the app’s photo guidelines

Requirements before you start:
✔️ Online Medical Exam
Inside the portal, click “Telemedicine”
Book an appointment and finish the virtual exam

✔️ Driver’s Enhancement Program (DEP)
Inside the portal, click “ODEP”
Complete the 5-hour online course

✔️ Online Payment
Choose your payment method and pay the renewal fee

Once done, your e-license will show up in the app and is just as valid as the physical one. You can also have the card delivered to you or pick it up at your preferred LTO office.

OpinYonistas, tag a friend who needs to see this.

BABALA: Sensitibong balitaTatay, dedo sa taga ng anakNauwi sa malagim na krimen ang samahan ng isang mag-ama matapos pag...
11/07/2025

BABALA: Sensitibong balita

Tatay, dedo sa taga ng anak

Nauwi sa malagim na krimen ang samahan ng isang mag-ama matapos pagtatagain ng anak ang sarili niyang ama sa San Andres, Quezon nitong nakaraang Huwebes, July 10.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, magkasamang umuwi ang mag-ama galing sa inuman sa Barangay Tala nang biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Walang anu-ano'y biglang inundayan ng saksak ni alyas "Allan" ang kaniyang 60-anyos na ama gamit ang isang itak, dahilan para bumagsak ang biktima sa lupa.

Agad na tumakas ang suspek sa pinangyarihan ng krimen.

Dinala ng mga kaanak ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo sa likod ng krimen at maisampa ang kaukulang kaso laban sa suspek.

Ikinasa na rin ang follow-up operations para sa ikadarakip ng suspek.

(Anna Gob)

11/07/2025

Here’s something to chew on: RICE, not meat or fish, is still the top protein source for most Filipinos, according to the latest National Nutrition Survey by DOST-FNRI. 😲

While rice is part of our staple diet (sino ba naman ang kayang mabusog nang walang kanin?), experts are sounding the alarm: too much rice and too little ulam could be putting our health at risk. 🥴

🔍 Survey highlights:
🔹 Rice now makes up about 50% of the average Pinoy’s daily energy intake 😳
🔹 Many are still lacking enough fruits, vegetables, and proper protein sources like eggs, fish, or beans
🔹 Budget constraints, busy lifestyles, and easy access to less healthy food options are major reasons for our kanin-heavy meals

⚠️ The overconsumption of carbs (like white rice), especially with little physical activity, may lead to:
Obesity
Diabetes
Heart disease
Other lifestyle-related illnesses

According to DOST: It’s not about totally removing rice from your meals—but we need balance. 🥗 Try the Pinggang Pinoy method:
✅ 1/2 plate = veggies + fruits
✅ 1/4 plate = rice/carbs
✅ 1/4 plate = ulam or plant-based proteins

Brown, red, and purple rice types are also healthier options.

OpinYonistas, rice is life nga naman.

TINGNAN: Truck na may lamang balikbayan boxes, naaksidenteMga Quezonin na may inaasahang padala mula abroad, tingnan na ...
10/07/2025

TINGNAN: Truck na may lamang balikbayan boxes, naaksidente

Mga Quezonin na may inaasahang padala mula abroad, tingnan na ninyo kung may nangyari sa padalang balikbayan box ng inyong mahal sa buhay.

Ito'y dahil isang truck na may kargang mga balikbayan box ang naaksidente sa kahabaan ng National Highway sa Atimonan, Quezon nitong Martes, July 8.

Sumambulat ang mga kahon sa gitna ng kalsada matapos ang aksidente.

Gayong nakaselyado pa rin ang mga kahon nang malaglag sa kalsada, may ilang mga indibidwal umano ang nagsamantala at pinagbubuksan ang mga nakakalat na kahon.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nakikilala ang mga kawatan na nagbukas ng mga balikbayan box.

Ang mga residenteng ipinakita sa mga larawan ay boluntaryong tumulong sa paglilinis ng kalat mula sa kalsada.

(Anna Gob/Larawan mula kay Teodoro Gevada/LBC)

TRENDING SA QUEZON: Mayor Mark Alcala at Kathryn Bernardo, biyaheng Australia?Usap-usapan sa social media sina Lucena Ci...
09/07/2025

TRENDING SA QUEZON: Mayor Mark Alcala at Kathryn Bernardo, biyaheng Australia?

Usap-usapan sa social media sina Lucena City Mayor Mark Alcala at ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos umanong makita ang dalawa sa airport.

Sa mga kumakalat na post, parehong naka-all black outfit at naka-face mask ang dalawa.

Ayon sa mga netizen, biyaheng Australia ang dalawa.

Patuloy pa ring nakatikom ang bibig ng dalawa kaugnay sa estado ng kanilang umano'y relasyon.

(Anna Gob/Larawan mula sa X@ KATHRYNBALCALA)

UPDATE: HIV cases, naitala sa 8 bayan sa QuezonWalong bayan na sa lalawigan ng Quezon ang nakapagtala ng mga kaso ng hum...
08/07/2025

UPDATE: HIV cases, naitala sa 8 bayan sa Quezon

Walong bayan na sa lalawigan ng Quezon ang nakapagtala ng mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Provincial Health Office.

Batay sa datos mula sa Department of Health - Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) 4A, umabot na sa 40 ang kaso ng HIV sa bayan ng Infanta mula noong 1987 hanggang Pebrero 2025, pinakamataas sa mga bayan sa REINA at POGI.

Sinundan ito ng Real (25 kaso), Polillo (15 kaso), General Nakar (4 kaso), at Burdeos (3 kaso), habang ang mga isla ng Panukulan (3 kaso), Patnanungan (2 kaso), at Jomalig (1 kaso).

Ayon sa ulat, karamihan sa mga kaso sa lalawigan ng Quezon ay nagmula sa male-to-male sexual contact.

Nauna nang naghikayat si Infanta Mayor LA Ruanto sa mga residente ng Infanta na samantalahin ang mga programa ng DOH at pamahalaang panlalawigan ng Quezon gaya ng libreng HIV testing.

Gayong walang bayad ang nasabing mga serbisyo, isa sa mga kinakaharap na hadlang ng DOH sa paghihikayat sa mga pinaghihinalaang may sintomas ng HIV ay ang societal stigma na kaakibat ng nasabing sakit.

(Jane Hernandez)

07/07/2025

The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) just issued a new warning: Taal Volcano in Batangas could erupt anytime. 😳

According to their latest update, there’s been a sharp rise in underground volcanic activity (called RSAM) and very little sulfur dioxide (SO2) coming out of the volcano.

What does that mean? It could mean that gas is getting trapped inside — and when that pressure builds up, it might lead to an eruption. ⚠️

This kind of eruption is called a phreatic explosion — that’s when steam blasts out because magma or hot rocks come in contact with underground water. It’s actually what happened last June 17, when Taal let out a 17-minute steam-driven burst. 🌋

Phivolcs is urging everyone to stay alert and follow official updates closely, especially if you live near the area or have travel plans to Batangas.

OpinYonistas, let’s keep each other informed and safe.

ALAMIN: 'No balance billing' sa public hospitals sa QuezonPinaigting na ni Quezon Governor Angelina "Doktora Helen" Tan ...
07/07/2025

ALAMIN: 'No balance billing' sa public hospitals sa Quezon

Pinaigting na ni Quezon Governor Angelina "Doktora Helen" Tan ang pagpapatupad ng No Balance Billing at No Out-of-Pocket Policy sa lahat ng pampublikong ospital sa lalawigan bilang bahagi ng kanyang patuloy na adbokasiya sa abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat ng Quezonian.

Sa ilalim ng programang ito, tiniyak ng gobernadora na ang mga pasyenteng nangangailangan ng serbisyong medikal ay hindi na kailangang maglabas ng pera para sa mga pangunahing gastusin sa ospital.

Layunin nitong alisin ang pasanin sa gastusing medikal ng mga mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

“Hangad natin na ang bawat Quezonian na nangangailangan ng serbisyong medikal ay hindi na mag-alala pa sa mga gastusin. Bagkus, ay malunasan ang karamdaman at magkaroon ng panibagong pag-asa,” pahayag ni Tan.

Kasabay ng implementasyon ng nasabing polisiya, isinusulong rin ng pamahalaang panlalawigan ang modernisasyon ng mga kagamitan at pagsasaayos ng pasilidad sa mga ospital upang mapabuti ang kalidad ng serbisyong medikal.

Ang mas pinalawak na benepisyo ay bunga ng patuloy na pagtutok ng administrasyon ni Tan sa kalusugan bilang pangunahing prayoridad, na patunay ng kanyang malasakit at konkretong aksyon para sa kapakanan ng mamamayang Quezonian.

Sa ganitong mga hakbang, umaasa ang pamahalaang panlalawigan na maitaguyod ang isang mas malusog, mas matatag, at mas maasahang sistemang pangkalusugan sa Quezon.

(Jane Hernandez)

04/07/2025
04/07/2025

A new proposal in Congress is aiming to give public school teachers a well-deserved raise — up to P50,000 per month as the new entry-level salary. 🙌

The bill, called House Bill 203, was refiled by ACT Teachers Rep. Antonio Tinio and Kabataan Rep. Renee Co on their first day in office for the 20th Congress.

Right now, a Teacher I position (Salary Grade 11) earns P30,024 per month — which the lawmakers say just isn’t enough for a family to live decently. They highlighted that teachers still struggle financially, despite previous salary adjustments in 2020 and 2024.

There are approximately 800,000 teachers in our public schools.

04/07/2025

IT IS a testament to a clan’s rapacious character and propensity to profit from their decades-long hold on political power in Eastern Visayas and lately, in the whole country—this ongoing controversy among members of the Romualdez family involving the San Juanico Bridge.

02/07/2025

Senator Sherwin Gatchalian is calling on the government and private companies to fully embrace flexible work arrangements especially for the younger generation of Filipino workers. 🧑‍💻✨

“We need to adapt to the fast-changing times to ensure higher productivity and a better future for our workers,” Gatchalian said.

He also urged the Department of Labor and Employment (DOLE) to strengthen policies that support:
✅ Remote workers
✅ Digital freelancers
✅ Online professionals

The senator added that training programs focused on digital skills should be prioritized so Filipinos can thrive in emerging online jobs.

The Philippines is one of the top 5 sources of virtual assistants for foreign employers on platforms like Upwork.

While previous bills pushing for freelancer protection (Senate Bill 136 and House Bill 6718) were filed, they’ll need to be reintroduced in the next Congress to move forward.

OpinYonistas, are you team remote, hybrid, or onsite? 💻❤️️

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OpinYon Quezonin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to OpinYon Quezonin:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share