18/09/2025
LALAKI, NAHULI SA PAGNANAKAW NG CORNED BEEF SA MAYNILA
LOOK: Isang lalaki ang dinakip ng pulisya matapos magnakaw ng isang lata ng corned beef sa isang supermarket sa , nitong Miyerkules, Setyembre 17.
Ayon sa guwardiya ng nasabing supermarket, nakita umano nito ang suspek na kinuha ang corned beef na nagkakahalaga ng ₱189 at itinago ito sa loob ng kanyang underwear.
Tinangka ng lalaki na lumabas nang hindi nagbabayad, ngunit agad siyang naharang ng guwardiya. Nakatakdang sampahan ng kasong theft ang suspek.
📷 MPD via IMT
_______________