Tindig, Tinig Cristonians

Tindig, Tinig Cristonians Pahayagang Pangkampus ng Sto. Cristo Integrated School

21/06/2025

Panibagong gusali ng SCIS, opisyal nang nabasbasan

Tagapagbalita:
Kathlyn Joy T. Estrada
Ciatxie Gwyneth E. Bare
Lindsay Kate G. Prillo

14/06/2025

Oplan Brigada at Balik Eskwela, sinimulan!

Reporter: Alexa Louise D. De Juan
Videographer: Lianne Trish G. Melegrito

28/03/2025

TCSD Teacher I Application Junior & Senior High

Tagapagbalita:
Kathlyn Joy T. Estrada
Ciatxie Gwyneth E. Bare
Lindsay Kate G. Prillo

11/10/2024

Balita: Arnis Orientation, sinimulan
Nagbabalita: Alexa Louise D. De Juan
Videographer: Cassandra L. Briones

Arnis Orientation para sa Intramurals 2024, isinagawani: Alexa Louise D. De Juan Bilang pakikibahagi sa Intramurals 2024...
11/10/2024

Arnis Orientation para sa Intramurals 2024, isinagawa
ni: Alexa Louise D. De Juan

Bilang pakikibahagi sa Intramurals 2024, nagsagawa ng Arnis Orientation ang Sto. Cristo Integrated School (SCIS) sa pangunguna ni Coach Ramil J. Merculio ngayong ika-11 ng Oktubre sa Arnis Room.

Ito ay ayon sa batas na ginamit noong Palarong Pambansa 2023 at Philippine Escrima Kali Arnis Federation (PEKAP-NSA) upang masig**o ang kaligtasan ng mga manlalaro.

Binubuo ng iba't ibang mga anyo competition category ang Arnis; Ito ay ang Individual Likha Anyo Solo Baston, Individual Likha Anyo Double Baston, Individual Likha Anyo Espada Y Daga, Synchronized Likha Anyo Solo Baston, Synchronized Likha Anyo Doe Bastos, at Synchronized Likha Anyo Espada Y Daga.

Sinimulan ang Orientation sa pagsusukat ng timbang ng mga manlalaro upang malaman ang kanilang team composition; Pin Weight, Girls: 37kg hanggang 40kg, Boys; 43kg hanggang 27kg; Bantam Weight, Girls: 40kg hanggang 44kg, Boys: 47kg hanggang 51kg; Feather Weight, Girls: 44kg hanggang 48kg, Boys: 51kg hanggang 55kg; Extra Weight, Girls: 48kg up hanggang 52kg, Boys: 55kg hanggang 60kg at Half-light Weight, Girls: 52kg hanggang 56kg, Boys: 60kg hanggang 65kg.

Sumunod dito ang mga kwalipikasyon ng mga manlalaro tulad ng walang bagsak na grado at walang record sa guidance.

Hindi din mawawala ang mga diskwalipikasyon ng mga manlalaro tulad ng pagtanggi sa pagsusuot ng mga mandatory protective gear, paggawa ng mga mapanganib na intensional foul na maaaring magbigay injury sa kalaban at iba pa.

Kasabay nito, inilahad din ang mga ground rules tulad ng tamang pag-hit o pag strike, tamang pagpupuntos at iba pa.

"For me po mas na enhance po yung knowledge ko about the regulations and rules na mayroon ang Arnis, mas marami pa po akong nadagdag na knowledge na pwede ko iapply sa elimination na magaganap. More on rules po ang sinabi and mas lumawak yung nalalaman ko para hindi makalabag and hindi mahatulan ng foul play habang nagcocombat na po kami," wika ni Nicole Cullarin, manlalaro ng Arnis.

Samantala, magmumula sa mga miyembro ng koponan sa buong contact event ang unang limang manlalaro na kwalipikado sa weight-in, parehong lalaki at babae.

Magkakaroon naman ng elimination round bukas sa elementary grounds para sa mga manlalaro.

Kuha ni : Cassandra L. Briones

05/10/2024

Tagapagbalita: Lira May D. Sanchez
Videographer: Tricia Asuncion
Editor: Abrham Dimailig

05/10/2024

Silip mula sa Mr. & Ms. Intramurals
ni: Trisha Mae G. Asuncion

Nagkaroon ng napakainit at nakakaexcite na presentasyon ang Mr. & Ms. Intramurals 2024 sa Sto Cristo Integrated School (SCIS) nito lang ika-4 ng Oktubre 2024.

Nagpakita ng malalim na pagsuporta ang bawat grupo sa mga estudyanteng sasabak sa Mr. & Ms. Intrams at magrerepresinta sa kanilang mga pangkat.

Ang team na kalahok ay ang Fire Warriors, Water Archer, Shadow Assassins, Air Mage at Earth Knights sa Mr. & Ms. Intramurals 2024.

Ayon kay Jay Jay Galulu, coordinator o chairman ng Mr & Ms Intramurals sa isang interview, "For me, syempre since this is my passion, hindi siya ganoon kahirap kasi kung ano ang ginagawa ko ay mahal ko. Mahal ko yung trabaho ko kaya hindi siya mahirap sakin. Kaya kung ano ang ginagawa ko as a coordinator or chairman ng Mr & Ms candidates, masaya ako kasi ’yun ang passion ko."

Dagdag niya pa na excited siya sa darating na Intramurals 2024 sapagkat ito ang pinakahihintay at pinakainaabangan ng Cristonians na pangyayari o kaganapan.

Magaganap ang Mr. & Ms. Intramurals sa ika-25 ng Oktubre at magkakaroon naman ng koronasyon sa mga nagtagumpay sa ika-26 ng Oktubre, taong 2024.

Usapang pangkabaihan; Paghubog ng karanasan!Nina: Kyla Loreen B. Cano at Khia P. CatacutanGirl Scout of the Philippines ...
19/09/2024

Usapang pangkabaihan; Paghubog ng karanasan!
Nina: Kyla Loreen B. Cano at Khia P. Catacutan

Girl Scout of the Philippines (GSP) nagpulong noong Septyembre 13, 2024 sa Sto. Cristo Integrated School Conference hall sa pangunguna ni Iscoda Girl Scout Leader Sheena Shine P. Patdu para sa programa ng samahan.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga kababaihang Cristonian’s na nakinig sa mga tinalakay ni “Tita Sheena Shine Peña Patdu” katawagan ng mga scout’s sa Lider; Ang mga regulasyon, mga dapat at hindi dapat gawin at mga nakatakdang palaro ay binigyang diin.

Nagsimula ang pagpupulong para sa mga baitang 7 at 8 mula 12:10 hanggang 12:50, habang ang baitang 9 at 10 naman ay mula 9:30 hanggang 11:30. Kinailangan ng mga mag-aaral na magbayad ng 60 pesos para sa registration fee.
Ipinakita rin ang mga uniporme ng Senior Cadet na may sash at mga badges, at ipinaliwanag ni Bb. Patdu na kailangan ng pagsisikap, determinasyon at oras upang makamit ang mga ito.

Binanggit din ang dalawang camping na gaganapin sa loob ng paaralan at ang isa ay sa labas sa kampus sa may Camps Planas, San Juan De Mata. Isang espesyal na kaganapan din ang Girl Scouts Got Talent, kasabay ng International Day of the Girls (IDG) na ipinagdiriwang tuwing Oktubre 11.

Sa huli napapasalamat si Bb. Shine sa mainit na suporta at pakikilahok ng mga mag-aaral.

Kuha nina: Kyla Loreen B. Cano at Khia P. Catacutan

16/09/2024

Math Profiling, Isinagawa para sa mga Mag-aaral ng Ika-walong Baitang ng SCIS
Nina: Marc Ethan Macaspac at Carl Kevin Llorente

Matagumpay na naidaos ng Sto. Cristo Integrated School (SCIS) ang Math Profiling para sa mga mag-aaral mula ika-walong baitang hanggang ika-labing dalawang baitang noong ika-13 ng Setyembre, 2024.

Ayon sa Division Memorandum No. 288, s. 2024, ang Mathematics Academic Profiling Pre-Test ay naglalayong tukuyin ang antas ng kakayahan sa matematika ng mga mag-aaral mula ika-walong baitang hanggang ika-labing-dalawang baitang. Gagamitin ang mga resultang ito upang makabuo ng wastong mga hakbang para sa pagpapabuti ng kasanayan sa matematika sa antas ng paaralan at dibisyon.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga g**o sa matematika, na may layuning palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng matematika.

"May tatlong layunin ang Math Academic Profiling (MAP), ito ay naglalayong tukuyin ang antas ng numeracy skills ng mga mag-aaral mula baitang 8 hanggang 12, na magsisilbing batayan para sa mga intervention program at mga estratehiya sa pagtuturo upang mapadali at mapabilis ang kanilang pagkatuto sa matematika," ayon kay Rea Rabaca Garcia Head Teacher ng Math department.

Dagdag niya pa rito, "Bukod dito, layunin din ng MAP na suriin ang bisa ng mga instructional practices ng mga g**o at tukuyin kung paano pa mapapalago ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng matematika."

Isinagawa ang profiling upang masuri ang kanilang kasalukuyang antas ng pag-unawa at matulungan silang maabot ang mas mataas na antas ng pagkatuto.

16/09/2024

Pagdiriwang sa Buwan ng Wika: SCIS, nagsagawa ng mga aktibidad para sa ikatlong linggo
nina: Cassandra L. Briones at Alexa Louise D. De Juan

Bilang pagpapatuloy sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto, sinimulan ng gawin ng Sto. Cristo Integrated School ang isang gawain para sa mga mag-aaral sa sekondarya.

Ito pa din ay sa pangunguna ng Filipino Department at sa tulong ng mga g**o upang maisagawa ang aktibidad na ito mula ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto.

Isinagawa ng ika-pito, ika-walo, ika-11 at ika-12 na baitang na aktibidad ay patungkol sa Pagsasaliksik ng Indigenous Knowledge System at Practice (IKSP) mula sa iba't-ibang mga rehiyon.

Para naman sa ika-9 at ika-10 baitang ay ang Pagsulat at Pagsasadula ng Indigenous Knowledge System at Practice (IKSP) ang isinagawa nila.

Upang maisagawa ang mga aktibidad na ito, nanaliksik sila patungkol sa Indigenous People sa iba't-ibang mga lugar sa Pilipinas at maari rin silang magtanong sa mga lola at lolo nila kung anong buhay ang kanilang naranasan noon.

Sa kanilang pananaliksik patungkol sa IKSP, napagtatanto nila kung ano ang mga paniniwala at kaalaman noong katutubong panahon.

Isa sa kanilang nasaliksik ay patungkol sa mga Aeta na nakatira sa kalat at liblib na mga bahaging bulubundukin ng Luzon sa Pilipinas.

Masasabing kakaiba at namumukod-tangi ang kaugalian at kultura ng mga Aeta sa uri ng kanilang pamumuhay.

Paggawa ng uling, pagsasaka, paggawa ng plauta na kung kanilang tawagin o "flute" sa salitang Ingles at alkanysa na gawa sa kawayan ay kanilang mga pangunahing kabuhayan.

Kasabay nito ay sumasamba sila sa iba't-ibang mga diyos-diyosan at Isa sa kanilang tradisyon ang pagsusugat ng kanilang katawan at pagsusunog upang makabuo ng peklat.

Address

Tarlac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tindig, Tinig Cristonians posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category