13/05/2025
Kiko-Bam, Nanguna sa Botohan sa Camarines Norte; Heidi Mendoza, Nakakuha rin ng suporta.
Malinaw na matagumpay ang kampanya nina Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa Camarines Norte, na pinangunahan ni Vice Governor Joseph Ascutia at ng mga volunteer ng Solid Leni Bicol Camarines Norte Chapter. Nanguna si Bam Aquino sa botohan sa lalawigan na may mahigit 162,000 boto, habang pumangalawa si Kiko Pangilinan na may mahigit 140,000 boto.
Parehong bumisita ang dalawang dating senador sa Camarines Norte, sa magkahiwalay na pagkakataon, upang makipag-ugnayan sa mga botante, na inorganisa ni Vice Governor Ascutia, isang malapit na kaibigan nila sa loob ng Liberal Party, kasama si dating Vice President Leni Robredo.
Samantala, nakakuha rin ang independent candidate na si Heidi Mendoza ng halos animnapung libong boto mula sa Camarines Norte. Bagama't nasa ika-16 na pwesto siya sa kabuuang botohan sa lalawigan, maituturing pa ring significanteng suporta ang kanyang natanggap.
Bagama’t hindi nagawang bumisita ni Mendoza sa lalawigan, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na suportado rin ng ni Ascutia si Mendoza.