20/03/2024
Magandang umaga oh ating mga mambabasa.
Kahit di man ako makata, ako ay napasulat nang tula sa dalagang aking iniibig at sinisinta.
Ito ay pinamagatang ’Huling Pahina’.
Huling Pahina
Sa isang kwadradong silid kung saan tayo ay ipinagtagpo ng tadhana.
Mga ala-alang kasama ka na kay saya, na sa puso at isipan ay di mabubura. Sana dito sa huling pahina ng kwentong ating isinulat oh aking sinta, sana ako ay wag kalimutan, at ang mga ala-alang ating pinagsamahan. Sana wag mag bago kung tayo ay muling ipag-tagpo. Laging mag iingat ka, at wag mag papabaya. Nawa’y laging tandaan mo mahal na mahal kita, at sa muli nating pag kikita oh aking sinta.