20/11/2025
Sa dami ng nangyayari sa Pilipinas lately, bigla kong naalala yung usapan namin ni Lolo Itay few months ago nung bumisita kami ni misis sa Ilocos.
Si Lolo Itay ay 86 years old. Nabuhay siya sa gitna ng World War II, panahong sakop pa tayo ng Hapon. At doon niya naikwento sa akin, habang nakaupo kami sa may palayan, na kahit mahirap ang panahon na iyon, hanga siya sa husay ng pamamalakad ng mga Hapon. Sabi pa niya, kung tutuusin, baka mas maayos pa tayo ngayon kung naging probinsya tayo ng Japan.
At nung una, natawa lang ako. Pero habang iniisip ko ito, lalo na sa panahon ngayon, biglang tumatama yung kwento.
Hindi ko sya agad matanggap, pero hindi ko rin nakalimutan. Kasi hindi iyon galing sa galit. Hindi galing sa politika. Galing yun sa lived experience ng isang taong nakakita ng dalawang klaseng mundo, isa sa panahon ng gera, at isa sa panahon ngayon.
At nung binabalikan ko yung sinabi niya, napatingin ako sa paligid. Yung mga kwentong naririnig natin ngayon tungkol sa matitibay na struktura sa bansa karamihan gawang Hapon.
Yung tulay sa Cebu na hindi natinag ng lindol, Japan.
Yung bahagi ng BGC na hindi binabaha, may kwento ng underground engineering na impluwensya din ng Japan.
At mapapansin mo talaga na may disiplina, may kalidad, may malasakit sa detalye.
At doon ko naintindihan ang punto ni Lolo.
Hindi niya sinasabi na perpekto ang Hapon.
Ang sinasabi niya: may paraan ng pamamalakad na nakatuon sa kalidad, disiplina, at mahabang pananaw, mga bagay na matagal nang pilay sa Pilipinas.
Naisip ko lang to ngayon na may mga kwento talaga ang mga nakakatanda na minsan parang suntok sa buwan, pero kapag pinakinggan mo nang buo, may wisdom pala na galing sa buhay na hindi natin naranasan.
Napapaisip tuloy ako mas okay kaya ang Pilipinas ngayon kung naging probinsya tayo ng Japan?