06/02/2025
Iba’t Ibang Pamahiin sa Buhay ng Tao (Part 10)
Lubhang napakaraming mga pamahiin o paniniwala ang tao na nagsimula pa noong unang panahon, subalit hanggang sa kasalukuyan o modernong panahon ay may epekto pa rin sa buhay ng tao. Narito pa ang ilan sa mga pamahiing ito…
1. Ang mas batang anak sa pamilya ay hindi dapat maunang mag-asawa sa nakatatanda nitong kapatid dahil kamalasan ang kakaharapin niya; ang nakatatandang kapatid ay maaaring hindi na makapag-asawa.
2. Kamalasan ang darating sa mga nakatira sa bahay kung saan ang huling hakbang sa hagdanan ay nakaharap sa pangunahing labasan ng bahay.
3. Ang mga bahay na nasa dead end street ay hindi dapat maglagay ng gate na direktang nakaharap sa kalsada; kung hindi ang nakatira sa bahay na ito ay mamamatay mula sa aksidente.
4. Kung tutulo ang luha sa kabaong ng namatay ang kaluluwa ng namatay ay hindi magkakaroon ng kapayapaan.
5. Kapag may mga pusang nag-aaway sa magkakapitbahay, ang mga anak ng isang pamilya ay hindi magtatagal na mag-aaway din.
6. Ang pagsasalita habang kumakain ay isang paraan ng pagtanggi sa grasya ng Diyos.
7. Ang mga bisita ay dapat na pumasok agad sa bahay at hindi tumigil sa pinto dahil ang buntis sa bahay na iyon ay maghihirap sa kanyang dinadala.
8. Ang bagong silang na sanggol ay dapat na bigyan ng ampalaya juice bago ang unang pagpapasuso upang mapabuti ang appetite ng sanggol at maiwasang maging mapili sa pagkain sa kanyang paglaki.
9. Ang pagpapaligo sa sanggol ay dapat na ipagpaliban sa Biyernes upang maiwasan ang pagkakaroon niya ng seryosong sakit.
10. Ang unang nagupit na kuko ng sanggol ay dapat na ibaon sa ilalim ng hagdan upang maiwasan ang pagkahulog niya dito sa kanyang paglaki.
11. Ang placenta ay dapat na ibaon malapit sa kusina upang mapanatili ang ina at baby na malusog.
12. Upang masiguro ang magandang kinabukasan ng bata, ang ina ay maglagay ng coins, papers, pencils o diamond rings sa batyang ginamit sa una nitong paliligo.