Energy Rice Mart

Energy Rice Mart Energy Rice Mart, Fukui Prefecture, Echizen-shiの連絡先情報、マップ、方向、お問い合わせフォーム、営業時間、サービス、評価、写真、動画、お知らせ。

🌾 The Premium Trio
🚚 Free Delivery within Fukui Prefecture
🍚 Fukui Ichihomare
🍚 Toyama Koshihikari (Special Cultivated)
🍚 Niigata Uonuma Koshihikari
📩 Message us to order & inquiries

🌾 TIPS: Paano Tamang I-store ang Bigas Lalo na Ngayong Tag-Init? ☀️🍚Alam niyo ba na ang bigas ay parang sariwang gulay—s...
12/08/2026

🌾 TIPS: Paano Tamang I-store ang Bigas Lalo na Ngayong Tag-Init? ☀️🍚

Alam niyo ba na ang bigas ay parang sariwang gulay—sensitibo ito sa init, moisture, at hangin? Para mapanatiling bago, mabango, at masarap ang bawat saing ng inyong Bigas, narito ang mga mahahalagang tips sa pag-iimbak:

1️⃣ Ilagay sa Malamig at Madilim na Lugar (Cool & Dark Place) ❄️

•Iwasan: Huwag itabi sa ilalim ng lababo (kung saan mahalumigmig) o malapit sa stove/oven at direktang sikat ng araw.

•Tamang Pwesto: Sa loob ng cabinet o pantry na may maayos na bentilasyon, malayo sa direktang sikat ng araw.

2️⃣Gumamit ng Selyadong Lalagyan (Airtight Container) 🫙

• Huwag iwang nakabukas ang paper bag o plastic pagkatapos mabuksan.

•Isalin sa Airtight Rice Dispenser, Rice Box na may seal, o malalaking Lock & Lock box.

Bakit? Hinaharangan nito ang hangin at alinsangan (humidity) na nagiging sanhi ng pagkasira o pagtabang ng lasa ng bigas.

3️⃣ Maglagay ng "Kome Toban" (米唐番) 🌶️✨ (Tingnan ang litrato sa ibaba.)

•Ang Kome Toban ay gumagamit ng natural na pulang sili (takanotsume) at alcohol para itaboy ang mga peste at mapanatili ang freshness ng bigas nang walang kemikal na amoy.

•Paano gamitin: Isabit o idikit lang ito sa loob ng rice dispenser o selyadong lalagyan. Kapag lumiit na ang gel jelly sa loob, oras na para palitan.

Dahil bagong giling ang aming bigas, mas lalo itong sumarap kapag tama ang pag-iingat sa inyong kusina!

🌾 Freshly Milled
🌾 From Trusted Farmers
🌾 Premium Quality
🚚 Free Delivery within Fukui Prefecture

We’re happy to share that ENERGY RICE MART is now officially on Google Maps! 🎉Kung naghahanap kayo ng premium Japanese r...
07/08/2026

We’re happy to share that ENERGY RICE MART is now officially on Google Maps! 🎉

Kung naghahanap kayo ng premium Japanese rice na freshly milled and delivered straight to your door, you can now easily find us on Google Maps. 🍚✨

📍 ENERGY RICE MART – Echizen,Fukui
🌾 Premium Rice • Premium Life
🚚 FREE Delivery within Fukui
📦 Retail & Wholesale
💬 Easy ordering via LINE / Message

🙏 Thank you to everyone who has supported us from the beginning.
From a small home-based rice business, little by little, we’re growing—and this is another small but meaningful step for ENERGY RICE MART. 💚

Please search “ENERGY RICE MART” on Google Maps and check us out! ⭐️

#福井県 #福井米 #コシヒカリ #いちほまれ #お米屋さん

04/08/2026

First test! 😍✨ sarap ng giling nito oh! 😆
Maraming salamat po sa patuloy na pag-order nyo! ☺️🙏

¥6,000 10KG‼️ KOSHIHIKARI
By next month (shinmai/new harvest) baka maging ¥7,000~8,000 for 10kg na po..

🌾 Freshly Milled
🌾 From Trusted Farmers
🌾 Premium Quality
🚚 Free Delivery within Fukui Prefecture

🌾 Just got our very own New Rice Milling Machine! 😊Ibig sabihin nito ay mas kaya na naming tiyakin na ang bigas na matat...
02/08/2026

🌾 Just got our very own New Rice Milling Machine! 😊

Ibig sabihin nito ay mas kaya na naming tiyakin na ang bigas na matatanggap ninyo ay:
✅ Mas sariwa (Freshly Milled)
✅ Mas mabango
✅ Mas masarap
✅ Mas kontrolado ang kalidad mula paggiling hanggang delivery.

Last pagiling sa coin milling machine.. 🌾☺️
02/08/2026

Last pagiling sa coin milling machine.. 🌾☺️

📣PRICE UPDATE!  July 31, 2026Dahil sa papalapit ng bagong ani this year Reiwa 8 (2026) patuloy ng pagbaba ng mga bigas. ...
30/07/2026

📣PRICE UPDATE! July 31, 2026

Dahil sa papalapit ng bagong ani this year Reiwa 8 (2026) patuloy ng pagbaba ng mga bigas.

✅ Same Quality
✅ 100% Single-Origin Rice
✅ Freshly Milled
✅ Certified Branded Rice
✅ Free Delivery within Fukui

🔍MURA VS. SULIT  Share ko lang mga inaral ko this past few months.. 🧐🌾Sa First 2 months ko na pagbebenta, nakabili at na...
29/07/2026

🔍MURA VS. SULIT

Share ko lang mga inaral ko this past few months.. 🧐🌾

Sa First 2 months ko na pagbebenta, nakabili at nakapag-benta rin ako ng No-Brand Rice. At dahil doon, nagkainterest akong alamin kung bakit nga ba “mura” ito.
At pinili ko na ang “sulit” o premium rice.

Ngayon nalaman ko na, na hindi lahat ng murang bigas ay sulit.
At hindi lahat ng premium rice ay sobrang mahal.


🚨 3 Palatandaan ng Low-Grade o Blended Rice:

1. Puting-puti na parang Chalk (白太 - Shirata) Tignan nang mabuti ang mga butil. Kung marami ang kulay gatas o opaque na puti, ibig sabihin ito ay mga immature grains o hindi inalagaan nang maayos sa bukid. Ang ganitong bigas ay walang natural na tamis at madaling madurog dahil ito ay kulang sa Alaga, Tubig, at Nutrisyon.

2. Maraming Basag at Durog (砕米 - Broken Grains):Kapag marami ang pira-pirasong butil, maglalabas ito ng labis na starch habang niluluto. Ang resulta? Isang kalderong kanin na malabsak, malata, at higit sa lahat—madaling mapanis! Sayang ang ulam.

3. Walang Opisyal na Label at Inspeksyon (食品表示法):

Sa batas ng Japan, ang lehitimong bigas ay DAPAT may label na nagpapakita ng Prefecture origin, Milling Date, at kung anong tiyak na Variety ito (tulad ng Koshihikari). Kung purong blankong sako lang, malaki ang tsansa na galing ito sa mga magsasaka na hindi gaanong naalagaan ang palay (dahil sa tipid sa abono o maling timing ng ani) at HINDI dumaan sa mahigpit na agricultural inspection. Dahil hindi rin ito papasa sa standard ng Gobyerno. Kaya walang kasiguruhan kung ilang taon na itong nakaimbak sa bodega, o kung anong kalidad ng kemikal ang sinalpak para lang maibenta nang mura.

💡The 3 Points For Certified Branded Rice:

✅ Subok sa Tagalan: Kaya nitong umabot ng ilang araw sa loob ng rice cooker nang nananatiling kasing-puti, kasing-bango, at kasing-lambot ng bagong saing! (Proven and tested ko na.🫡

✅ Mochimochi Kahit Malamig: Mababa ang protein content at chemical kaya hindi tumitigas ang kanin kahit lumamig sa baon mong Bento.

✅ Siguradong Ligtas at Pasa: May opisyal na berdeng 合格 (Passed) stamp mula sa Japan Grain Inspection Association ang bawat sako. Ligtas para sa lahat.

Ang tunay na pagtitipid ay ang pagbili ng produktong walang aksaya at 100% ang sarap mula unang subo hanggang sa huling butil.

Kaya naman, Sa Energy Rice Mart, pinili naming magbenta lamang ng Certified Branded Japanese Rice mula sa mga pinagkakatiwalaang farmers at millers.

💯 Single-Origin Rice
✅ Certified & Traceable
✅ Freshly Milled
✅ Not blended
✅ Same High-Quality for Every Orders



[Photo reference for the plain sacks and chalky rice used for illustration purposes only.]

🌾 About Us: Dito sa Energy Rice Mart, hindi lang kami basta nagbebenta ng bigas—ipinapadala namin ang pinakamataas na ka...
22/07/2026

🌾 About Us:

Dito sa Energy Rice Mart, hindi lang kami basta nagbebenta ng bigas—ipinapadala namin ang pinakamataas na kalidad ng Japanese Rice diretso sa inyong mga tahanan na may kasamang pag-iingat at dedikasyon.

Naniniwala kami na ang masarap at masustansyang kanin ay ang pangunahing pinagmumulan ng "Energy." ⚡

Kaya naman, nagluluto ka man para sa iyong mga anak bilang isang mapagmahal at matatag na Single Mother o Single Father, nag-eenjoy sa iyong Single Life, o kaya naman ay nagpupursigi sa Japan na malayo sa iyong pamilya—ang bawat mainit na kanin mula sa Energy Rice Mart ay ang aming paraan ng pag-abot ng yakap. Isang paalala na karapat-dapat ka sa pinakamataas na kalidad, pinakamasarap, pinakamalinis, at pinakamalusog na pagkain araw-araw.

Ito ang dahilan kung bakit hindi kami nagbebenta ng mga "blended", no variety rice, colorum rice o lumang stockpile na bigas. Ang bawat sako mula sa amin—gaya ng sikat na ✅ Fukui Ichihomare, ✅ Toyama Koshihikari, at ✅ Niigata Uonuma Koshihikari—ay garantisadong:
100% Purong Bigas (Single-Origin) – Walang halong mas murang klase ng bigas.

Walang Lumang Stock – Laging bago at sariwang giling (Freshly Milled).

🌟 Bakit nga ba WISE bumili sa Energy Rice Mart?

✨ Premium Quality sa Mas Murang Halaga:
Ito ang aming pinakamalaking bentahe. Dahil kami ay isang home-based online shop, WALA kaming binabayarang mamahaling upa sa pwesto, malaking kuryente ng physical store, o pasahod sa maraming staff. Dahil mababa ang aming operational overhead, ang natitipid naming pera ay direktang ibinabawas namin sa presyo ng aming produkto. Dahil dito, makakabili kayo sa amin ng premium at mataas na kalidad na bigas sa mas abot-kayang presyo (affordable prices) kaysa sa mga supermarket!

💯 Garantisadong Bagong Giling (Fresh):

Ang mga bigas sa supermarket ay madalas na buwan nang nakatambak sa mga estante at bodega. Sa Energy Rice Mart, ang bigas ay diretso mula sa gilingan ng aming mga pinagkakatiwalaang magsasaka (trusted farmers) kaya mas mabango, mas malambot, at mas masarap isaing.

🚛 Maginhawang Pagbili (Convenience):

Hindi mo na kailangang magbitbit ng mabigat na 5kg, 10kg, o 30kg na sako habang naglalakad, nagba-bike, o sumasakay sa train mula sa supermarket. Sa ilang clicks lang sa iyong cellphone, ang paborito mong premium rice ay idedeliver namin o ng courier sa mismong pintuan ng bahay mo.

🤝 Ang Aming Pangako
Sa Energy Rice Mart, hindi ka lang basta customer—kakampi mo kami sa pagtitipid nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng kinakain mo o ng iyong pamilya habang nagtatrabaho ka nang marangal araw-araw rito sa Japan.

Nagbibigay kami ng tapat na serbisyo, transparent na presyo, at siguradong kaligtasan sa bawat butil ng bigas na aming ipinapadala.

🌾 Energy Rice Mart: Premium Rice • Premium Life

Freshly Milled • Premium Quality • Without the Premium Supermarket Price • Delivered to Your Door

Spend Wisely, Invest Smartly. 💛

No delivery from July 17, 18 & 19. 🙏Today July 16, pwede pa po humabol! Until 22:00. Yoroshiku!🚛🌾
16/07/2026

No delivery from July 17, 18 & 19. 🙏

Today July 16, pwede pa po humabol! Until 22:00. Yoroshiku!🚛🌾

🌾 BAKIT TOYAMA KOSHIHIKARI "SPECIAL CULTIVATED" ANG ISA SA MGA NAPILI KONG IBENTA SA ENERGY RICE MART? 🤔✨ Marami na ang ...
14/07/2026

🌾 BAKIT TOYAMA KOSHIHIKARI "SPECIAL CULTIVATED" ANG ISA SA MGA NAPILI KONG IBENTA SA ENERGY RICE MART? 🤔✨

Marami na ang nagtatanong sakin: “bakit sa Toyama-ken ka pa kumukuha ng bigas? Ano pinagkaiba at bakit mas mahal ang Special Cultivated Koshihikari kumpara sa Standard Koshihikari?”

Dahil kinareer at sineryoso ko na ang pagbebenta ng bigas dito sa Japan (na originally planned ko ay sa Pinas), Malapit na ko maging rice specialist (haha!) at dahil sa mga nakaka-encounter kong maarte sa bigas lalo na ang mga Hapon na mataas talaga ang standard at respeto nila sa bawat butil nito, inaral ko na kaya hindi na rin ako nagbenta ng mumurahing bigas. Inabot din ako ng 2 months kakahanap ng pagkakatiwalaang safe & dedicated farmers.

So ito na ngani ang Tatlong dahilan kung bakit isa to sa napili ko sa buong Japan.

🏔️ 1. Alagang "Melted Snow" ng Tateyama Mountain Range
Ang Toyama Prefecture ay sikat sa Japan dahil sa kanilang napakalinis at natural na patubig. Ang tubig na dumadaloy sa mga palayan doon ay nagmumula sa natutunaw na nagniningning na niyebe (melted snow) ng sikat na Tateyama Alpine Route. Ang tubig na ito ay mayaman sa natural na mineral kaya ang bawat butil ng palay ay lumalaking mataba, malusog, at may natural na tamis!

🧪 2. Ano ang "Special Cultivated" (特別栽培米)?
Ito ang pinagkaiba ng bigas natin sa mga ordinaryong bigas sa merkado! Ang tatak na "Special Cultivated" ay ibinibigay lamang ng gobyerno ng Japan sa mga palayan na gumagamit ng 50% LESS chemical pesticides at chemical fertilizers kumpara sa nakagawiang pagsasaka.

Ang ibig sabihin nito: Mas natural ang pagpapalaki, mas malinis ang proseso, at higit sa lahat—SOBRANG LIGTAS AT HEALTHY para sa inyong mga anak at buong pamilya! ❤️

🍱 3. Ang Sarap na Hindi Nawawala, Kahit Malamig na!
Ang pirma ng isang totoong Koshihikari ay ang pagiging malagkit (sticky) at makintab (glossy) nito kapag bagong saing. Pero ang ikinamangha ko sa Toyama variant: Kahit lumamig ito (gaya ng baon sa Obento ng asawa mo o ng mga bata sa school), hindi ito tumitigas! Nananatili itong malambot at masarap nguyain kahit hindi na bagong init.

Ngayon sa Tanong na “Bakit mas mahal ang Special Cultivated Koshihikari kumpara sa Standard Koshihikari?” Nasa comment section na po. 😉

住所

Fukui Prefecture
Echizen-shi, Fukui

営業時間

火曜日 18:00 - 22:00
水曜日 18:00 - 22:00
木曜日 18:00 - 22:00
金曜日 18:00 - 22:00
土曜日 17:00 - 22:00
日曜日 17:00 - 22:00

ウェブサイト

アラート

Energy Rice Martがニュースとプロモを投稿した時に最初に知って当社にメールを送信する最初の人になりましょう。あなたのメールアドレスはその他の目的には使用されず、いつでもサブスクリプションを解除することができます。

ショートカット

共有する