
09/05/2025
Sa darating na ika-12 ng Mayo, sama-sama po nating isulong ang pagbabalik ng inyong lingkod sa Konseho, dala ang tatlong haliging paiiralin sa panibagong yugto ng paglilingkod:
SERBISYONG MAY DANGAL. Isusulong ang mga makabuluhang batas para sa kapakanan ng bayan at hindi para sa pansariling interes lamang. Magiging kakampi natin ang katotohanan at katarungan sa anumang desisyon at sa lahat ng pagkakataon.
PANINILBIHANG MAY PUSO. Makikinig at makikilahok sa tunay na buhay ng sektor ng kababaihan, kabataan, at bawat pamilyang Ildefonsonian. May malasakit ang pagkilos at mula sa puso ang magiging daloy ng serbisyo.
PAGLILINGKOD NA MAY TALINO. Gagamitin natin ang kaalaman, kakayahan, at karanasan upang lumikha at magpasa ng mga resolusyon at ordinansang makabuluhan, praktikal, at may malinaw na benepisyo para sa bayan. Mag-aaral, makikipag-ugnayan, at kikilos nang may direksyon.
DANGAL. PUSO. TALINO.
Ito ang panata ko para sa Bayan ng San Ildefonso. 💛❤️
🔴 6. DOMINGO, JAYCEL (NUP)