30/04/2024
Bakya
—Ika-25 ng Disyembre nang imbitahan kami ng aming g**o na sumama sa isang mall upang ipasyal at ilibre kami ng aming pinapangarap na laruan.
“Mga anak, narito na tayo sa hanay ng mga laruan. Piliin na ninyo yaong gusto niyong laruan”
—Halos nagkalat ang aking mga kaklase at biglang dukot sa mga naggagandahang mga manika at robot samantalang ako'y nakatunganga naman sa hanay ng mga sapatos.
“Anak, ba't di mo samahan mga kaklase mo? Pumili kana ng laruang gusto mo”
“Maam, itong bakya nalang po kukunin ko”
—Napakamot nagulumihanan ang aking g**o nang ipakita ko sakaniya ang bakyang pinili ko.
“Ayaw mo ba ng laruang robot? Tingnan mo oh, ang ganda...puwede mong bigyan kapatid mo”
“Hinahangad ko po ngunit ibig ko pong regaluhan si Ina ng isang magandang bakya para maranasan niya pong maglakad ng masigla”
“Halos mag-iisang taon na po kasi tsinelas niya na hanggang ngayon tinatahi niya kapag nasisira"
“Ikinalulungkot ko po kasi hindi po kami mayaman, pero sa simpleng regalong ito matutuwa na ang aking Ina”
—Namuo ang luha ng aking g**o at tila lumambot ang puso sa aking ikinuwento kaya inaya niya ako sa hanay ng mga kagamitan at pagkain.
“Anak, naiintindihan kita sa sitwasyon mo kaya sana'y maging malaya ka sa pagpili na iyong matitipuhan”
“Maraming salamat po, ngunit mas iibigin ko pa pong piliin ang magandang bakya na ito para kay Ina”
“Huwag kang mahiya anak, makakatulong ito para sainyong pamilya”
—Nanlambot ang aking puso at bigla 'kong niyakap ang aking g**o sabay iyak ng kagalakan. Nararamdaman ko ng ang simoy ng pasko ay hindi lamang sa kung ano ang regalo ang matatanggap mo kundi sa anong bagay na espesyal para sa sa‘yo.