Pateros Catholic School - Senior High School Courier

  • Home
  • Pateros Catholic School - Senior High School Courier

Pateros Catholic School - Senior High School Courier The official Student Publication of the Senior High School Department of Pateros Catholic School.

Happy birthday to our lovely Social MediaModerator, Sabrina! 📱💖From your PCS-SHS Courier family, we wish you joy and a b...
12/08/2025

Happy birthday to our lovely Social Media
Moderator, Sabrina! 📱💖

From your PCS-SHS Courier family, we wish you joy and a brighter future ahead. May you make the most of your special day!

  – Ang Daang Lubak-lubak na Tumataglay ng Mahahalagang Aral"Mabagal man ang proseso, ngunit hindi nito mapapabilis ng p...
10/08/2025

– Ang Daang Lubak-lubak na Tumataglay ng Mahahalagang Aral

"Mabagal man ang proseso, ngunit hindi nito mapapabilis ng pagsuko."

Sabi ng iba, mabilis kung tumakbo ang buhay—sabi naman ng iba, mabagal ito. Ngunit ano nga ba ang tunay na bilis ng buhay? Ang sagot diyan ay—depende sa’yo.

Lahat tayo ay may mga pangarap na nais makamit, at bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang paraan o transportasyon upang marating ito. Ngunit madalas, iba't-ibang klase ng lubak sa daan ang sumasalubong upang wasakin ang makinang puhunan ng ating paglalakbay patungo sa mga pangarap.

Paano na lang kung ang daan ay mahaba at puno ng lubak? Sapat na ba ito para maging dahilan ng ating pagsuko?

Ang sagot diyan ay nakadepende sa mga nangangarap—kung tayo ay magsasayang ng gasolina at uuwi na lamang, o ipapagpatuloy ang pagdaan sa mahabang proseso ng pagkamit nito.

Hindi sapat na mahaba ang daan para maging sanhi ng pagpigil sa pag-andar ng makinang siyang naging dahilan kung bakit tayo pumasok sa ganoong daan. Hindi dapat sisihin ang tagal ng oras sa ating dinaraanan, sapagkat ito’y nagsisilbing panahon upang masolusyunan ang mga problema.

Hindi dapat irason ang mahabang proseso sa mabilis na pagsusuko, tandaan natin na hindi sa simula matatagpuan ang tamis ng tagumpay, kundi sa dulo. Huwag nating hayaang masira ng duda, takot, at problema ang ating mga pangarap, dahil ang mga ito ay mga sangkap sa ating mithi na hindi basta-basta makukuha sa isang iglap.

Itatak natin sa puso’t isipan na ang magagandang lugar ay pinupuntahan hindi dahil sa malayo ito, kundi dahil nais natin masaksihan at maramdaman ang matamis na dahilan kung bakit sila dinarayo.

Isinulat ni: Agniezka Charlize Coloso
Iginuhit ni: Jan Nebres

PCS-SHS Courier Conducts Sulo(ng) Peryodista: Sumisibol na Tanglaw ng SalinlahiPateros Catholic School - Senior High Sch...
10/08/2025

PCS-SHS Courier Conducts Sulo(ng) Peryodista: Sumisibol na Tanglaw ng Salinlahi

Pateros Catholic School - Senior High School Courier held its annual general assembly for A.Y. 2025-2026 with the theme “Sulo(ng) Peryodista: Sumisibol na Tanglaw ng Salinlahi” on Saturday, August 9, 2025, at the Maestrang Kulasa Library, PCS Annex.

The program began with the introduction of the emcees, Joaquin Macabebe, Director of Creatives, and Akisha Espina, Social Media Associate Editor.

The opening prayer was led by Luigie Velez, English Associate Editor.

This was followed by the opening remarks of Carissa Breis, Editor-in-Chief, who welcomed the members for another academic year in the publication.

She also asked and explained what the theme of this year’s general assembly meant.

Princess Roque, Associate Editor in Filipino, presented the rationale of the assembly.

She welcomed the new members and thanked those who joined Courier again.

An icebreaker followed, which was a modified game of Hep Hep Hooray.

Next in the program was the discussion of the constitution and by-laws by Mr. Dominic Austria, Filipino School Paper Adviser (SPA).

The constitution consists of the preamble along with Articles One to Six.

Mr. Austria discussed up to Article Five, followed by the by-laws and an explanation of the St. Francis de Sales Award.

Another icebreaker was conducted, called Tumpakners.

Mrs. Ana Rosales, English SPA, introduced the guest speaker, Ms. Leona Paola Vinluan, a former Junior High School teacher and former School Paper Adviser for the Junior High School Courier.

Ms. Vinluan discussed tips on how to properly write an article, along with the heart of journalism, which consists of truth, clarity, and service.

After the speech, the school paper advisers, Mr. Mark Joseph Zapanta, Mr. Dominic Austria, and Mrs. Ana Rosales, awarded the guest speaker with a certificate.

Near the end of the event, former editorial staff members shared about their journey with journalism and how it shaped who they are today.

They also gave tips to current campus journalists.

To close the event, all the members of Courier took part in the oath-taking as their pledge to serve and become responsible campus journalists.

Lastly, Nicholas Abad, Filipino Features Editor, led the closing prayer.

Written by: Luigie Velez
Photos by: Lawrence Albaniel and Royce Raiden Raymundo

  Entry  #1 – Pluma at Puso, Pahina para sa BayanSa buwan ng Agosto, wika ang ating ipinagdiriwang.Ito ay sagisag ng pag...
10/08/2025

Entry #1 – Pluma at Puso, Pahina para sa Bayan

Sa buwan ng Agosto, wika ang ating ipinagdiriwang.
Ito ay sagisag ng pagkilala sa wikang ugat ng ating pagkakakilanlan at sa kulturang pinahahalagahan at iniingatan ng bawat Pilipino.
Sa katahimikan ng gabi, sa bawat patak ng tinta at sa bawat pluma na unti-unting napupudpod, isang kasaysayan ang muling nabubuksan. Isang panibagong kabanata ng ating kuwento na sa bawat pahina ay nagliliyab ng pag-ibig sa sariling wika.

Siya si Agustin, isang kabataang Pilipino na may malalim na koneksyon at paggalang sa kuwento ng ating mga bayani. Biniyayaan siya ng talento at hilig sa pagsusulat. Pinangalanan siya ng kanyang mga magulang bilang Agustin sapagkat nang siya ay nasa sinapupunan pa, nakahiligan ng kanyang ina ang pagbabasa ng mga akdang Filipino, at nataon pang isinilang siya sa buwan ng Agosto.

Lubos ang mataas na pagtingin ni Agustin kay Jose Rizal. Hanga siya sa katapangan at talino nito sa pagsulat. Kaya naman, pinili niyang gumamit ng sagisag-panulat na Pipe, na inihalintulad sa Pepe, ang palayaw ni Rizal. Para kay Pipe, ang pangalang ito ay sumisimbolo sa boses ng kabataan, tinig na dumadaloy at umaabot saanman tulad ng tunog na naglalakbay sa loob ng tubo.

Ngayong buwan ng Agosto, nais ni Pipe maghandog ng isang liham bilang paggalang at pagbabalik-tanaw sa sakripisyong iniwan ni Rizal, isang mensaheng nagmumula sa kabataan para sa bayani.

Liham ni Pipe para kay Jose Rizal:

Mahal na Jose Rizal,

Magandang araw po. Ako po si Pipe, isang kabataang Pilipinong humahanga sa inyo, hindi lamang dahil kayo ay tinaguriang bayani, kundi dahil kayo ay naging tinig ng bayan sa panahong bingi ang mundo sa sigaw ng katarungan.

Sa bawat pahina ng inyong mga akda, nadarama ko ang tapang at paninindigang umuusbong mula sa inyong puso. Tinuruan ninyo kami na ang wika ay sandatang may kakayahang gumising sa mga natutulog, pag-isahin ang mga magkakahiwalay, at palayain ang mga nakagapos sa takot.

Ngayong Buwan ng Wika, nais ko pong ipabatid sa inyo na nananatili pa rin ang pakikinig namin sa inyong tinig. Sa kabila ng modernong mundo at sa pag-usbong ng mga wikang banyaga, ang inyong mga salita ay nananatiling buhay.

Bilang kabataan, nangangako po ako na ipagpapatuloy ko ang inyong sinimulan. Gagamitin ko ang aking pluma hindi lamang para magsulat kundi para magpamulat. Hindi ko hahayaang malibing sa limot ang ating wika dahil alam kong ito ang ating kaluluwa bilang isang bayan.

Maraming salamat po sa mga aral at inspirasyon. Maraming salamat din po sa pagpapaalala na kahit maliit ang tinig ng kabataan, kaya nitong umalingawngaw hanggang marinig ng buong bayan.

Lubos na gumagalang,
Pipe

Sa bawat pagdiriwang ng Buwan ng Wika, hindi lamang salita ang ating inaalala kundi ang mga kuwento, sakripisyo, at aral na iniwan ng mga nauna sa atin. Ang liham ni Pipe para kay Jose Rizal ay paalala na ang pagmamahal sa wika ay hindi natatapos sa pahina ng libro o sa talumpati sa entablado. Ito ay isinasabuhay sa paraan ng pakikipag-usap, pagsusulat, at pagpapahalaga sa sariling kultura.

Hangga’t may kabataang handang ipaglaban at ingatan ang ating wika, mananatili itong buhay at patuloy na magbubukas ng mga panibagong pahina sa kasaysayan ng bayan. Tulad ni Rizal, nawa ay tayo rin ay maging tinig na mapakikinggan ng susunod pang mga henerasyon.

Isinulat ni: Alexandra Taburna
Litrato kuha ni: Roane Alyssa Jade Galamgam

 : Gaano Kabigat ang Bagaheng Bitbit ng Taong Nag-iisa?Sa kabila ng malasirenang pagtawa ng mga batang nakasasalamuha at...
06/08/2025

: Gaano Kabigat ang Bagaheng Bitbit ng Taong Nag-iisa?

Sa kabila ng malasirenang pagtawa ng mga batang nakasasalamuha at araw-araw na nakikita, may isang taong nakatago sa likod ng maskara. Isa siyang nilalang na hindi agad nababanaag ang bigat ng bagaheng kaniyang pasan. Ang dala niya ay hindi papel, libro, o kagamitan, kundi ang itinatagong lungkot, panghihina, at mga problemang hindi madaling ibahagi sa iba.

Sa mundong puno ng mga taong maaaring makatulong sa hirap, gawain, lungkot, at saya, nakalulungkot isiping may mga taong naiiwan. Hindi sila bahagi ng kasiyahan, at sa halip ay pasan ang bigat ng pag-iisa.

Bawat paggising sa umaga ay tila isang bagong laban. Ito ay pakikipagsapalaran sa pagtanggap ng kanilang kasalukuyang kalagayan, at paghaharap sa mundong halos lahat ng tao ay may kaakbay sa paglalakad. Bitbit nila ang sariling laban, sariling kuwento, at sariling paglalakbay.

Minsan ay mapapaisip kung patas nga ba ang mundo. Sa kabila ng katotohanang lahat tayo ay may dinadalang kuwento, hindi lahat ay may natatakbuhan upang mabawasan ang bigat nito. May mga pagkakataong ito ay pinili nila, ngunit may mga pagkakataon ding hindi ito kagustuhan.

May mga naniniwala sa kasabihang “Kaakibat ng sakit ay isang magandang leksyon.” Ngunit kung sa iba ay magaan ang bigat, para sa ilan ay halos hindi na kayang pasanin. Hindi ito palaging dahil sa lakas kundi dahil na rin sa nakasanayan.

Sa araw-araw na pagdadala ng bagahe, tila ba nagiging mas madali ito dala ng pagkapamilyar. Tayo ang may hawak ng ating kuwento. Nasa atin kung paano natin hahawakan ang bawat sitwasyon, kung pipiliing mag-isa o humanap ng kasama, kung sisigaw ng tulong o tahimik na dadalhin ang bigat na nasa puso.

May mga salitang hindi natin namamalayang masakit para sa iba. “Masyado kang sensitibo.” “OA ka lang.” Ito ang mga katagang pumipigil sa isang tao upang ilabas ang kanyang tunay na nararamdaman. Hindi lahat ay kasintibay ng loob mo.

Bago magbitaw ng salita, subukang ilagay ang sarili sa kalagayan ng iba. Pakiramdaman at pakinggan ang damdamin ng kapwa. Baka sa simpleng pang-unawa ay nabawasan na ang kanilang bigat.

Ang pag-iisa ay hindi palaging senyales ng kahinaan. Sa maraming pagkakataon, ito ang tanging paraan upang matutong maglakad at tahakin ang sariling landas. Kung makikita mo silang naglalakad mag-isa, maaaring mukhang katawa-tawa o kaawa-awa, ngunit sa katotohanan ay naroon ang lakas na hindi natin agad nakikita.

Ang taong naglalakad nang mag-isa ay nagiging inspirasyon. Sa pagdaan ng panahon, ang tungkod na minsang ginamit upang bumangon ay unti-unting nawawala. Sa halip, tumitibay ang paninindigan at lumalakas ang loob upang patuloy na lumakad kahit walang kaakbay.

Sa kabilang banda, kahanga-hanga ang tibay ng mga taong pinipiling kimkimin ang bawat problema. Nilalampasan nila ang bigat na hindi kakayanin ng ilan. Para sa kanila, tila ba normal na lang ito.

Totoo ang sinasabi ng marami na hindi ka bibigyan ng Diyos ng problemang hindi mo kakayanin. Kaagapay mo Siya sa bawat laban. Hindi solusyon ang takbuhan ang sarili.

Mas makabubuti ang kilalanin ang sariling takot, kahinaan, at pangarap. Sa pag-iisa, natututo tayong maging matatag, mas mapanuri, at higit na mapagpahalaga sa mga leksyong hatid ng bawat hakbang.

Isinulat ni: Maala Mey
Publikasyong Materyal mula kay: Nash Ojascastro

Unang Monday Assembly ng Agosto, Gawad Parangal ng MasterChef, Pinasinayaan sa PCS-SHSIsang mapagpalang simula ng Agosto...
05/08/2025

Unang Monday Assembly ng Agosto, Gawad Parangal ng MasterChef, Pinasinayaan sa PCS-SHS

Isang mapagpalang simula ng Agosto ang idinaos sa sa pamamagitan ng unang Monday Assembly para sa Taong Pampanuruan 2024–2025 na ginanap sa PCS-SHS Gymnasium.

Pinangunahan ito ng mga mag-aaral mula sa HUMSS, Grade 11 – St. Thomas More, na buong siglang ipinamalas ang kanilang husay sa sining at pagpapahayag.

Binuksan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Jenica Roldan.

Sumunod ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa kumpas ni Chloe Pabilona at ang Panatang Makabayan sa pamumuno ni Einjel Ignacio.

Ipinakilala ang mga piling Humanista na lumabas sa entablado: sina Audy Benito, Brent Fajardo, Gwyneth Baldisco, Jhaninna Lusterio, Jheian Pajulio, Job Rondolo, at Kristine Faith Conde.

Pinahanga rin ng tinig nina Alyssa Sotoza at Martina Pasos ang buong gymnasium.

Binasa ni Paul Lucas Cruz ang Misyon at Bisyon ng paaralan.

Pinangunahan naman ni Myedz Uygan ang pag-awit ng Alma Mater.

Nagbigay si Phoebe Laming ng makabuluhang mensahe mula kay Dr. Jose Rizal bilang paalala sa Buwan ng Wika.

Binigyang-diin sa mensahe ang kahalagahan ng wika bilang kasangkapan sa pagkakaisa: “Ang wika ay isang mabisang kasangkapan upang mapagbuklod ang mga kababayan.”

Pinaalalahanan din ang lahat ukol sa kahalagahan ng pagmamahal at paggamit ng wikang Filipino sa araw-araw.

Hinihikayat ang bawat isa na patuloy itong pagyamanin at ipamana sa mga susunod na henerasyon.

Pagkatapos ng ilang minutong pahinga, sinimulan ang ikalawang bahagi ng programa.

Pinangunahan ito nina Agniezka Coloso mula sa 12 – St. Agatha of Sicily at Jade Habijan mula sa 12 – St. Anatolius of Alexandria.

Ito ang naging kulminasyon ng ika-51 Buwan ng Nutrisyon na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat.”

Winakasan din nito ang selebrasyon ng TVL Month para sa taong 2025–2026.

Binasbasan ni Ana Miranda mula sa Peer Facilitators Club ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin.

Kasunod nito ay ang masiglang pagtatanghal ng YOK Band na pinangunahan ni Estela Abainza.

Kasama niya rito sina Amri Ison, Ernest Ison, Jared Javier, Maxine Madridejo, Rainmar Custodio, at Sebastian Balaba.

Inawit nila ang “Pakisabi” ng Sunkissed Lola at “Toyang” ng Eraserheads.

Matapos ang pagtatanghal, isinagawa na ang pagbibigay-parangal sa mga lumahok sa Junior at Senior MasterChef.

Pinangunahan ito ni G. Dominic Austria.

Binigyang-pugay ang bawat kalahok sa pamamagitan ng sertipiko ng pakikilahok na ibinigay sa bawat pangulo ng seksyon.

Para sa Senior MasterChef, ginawaran ng ikatlong pwesto ang "VEGELICIOUS" mula sa TVL 11 na may 706 puntos.

Ikalawang pwesto naman ang "SECRET LIFE OF CHEFS" mula sa TVL 11 na nakakuha ng 741 puntos.

Unang pwesto ang "KUTSARAWR" mula sa TVL 12 na umani ng 828 puntos.

Sinundan ito ng pagkilala sa mga nagwagi sa Junior MasterChef.

Ikatlong pwesto ang "BENE-KIM" mula sa AD 12 na may 84.33 puntos.

Ikalawang pwesto ang "SAILAM KITCHEN CREW" mula sa HUMSS 12 na may 85.34 puntos.

Unang pwesto ang "FABERLICIOUS" mula sa ABM 12 na may kabuuang 86.35 puntos.

Hindi lamang talento sa pagluluto ang ipinamalas ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng kanilang mga niluto, naipakita rin ang kahalagahan ng tamang nutrisyon sa pang-araw-araw na buhay.

Bago matapos ang programa, ipinakita ng FilmMakers’ Club ang isang teaser video.

Nagbalik-tanaw ito sa mga naging aktibidad ng TVL Month tulad ng ZumBastic 2025 at ang Junior at Senior MasterChef.

Sa kanyang pangwakas na pananalita, ibinahagi ni G. Alvin Altarejos ang kanyang kasiyahan sa kabuuang tagumpay ng programa.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagluluto bilang isang kasanayang panghabambuhay.

Magalak din niyang inanunsyo ang opisyal na pagsisimula ng Buwan ng Wika.

Ibinahagi rin niya ang mga inaabangang aktibidad na gaganapin sa buong buwan.

Bilang pagkilala, pinasalamatan niya ang mga organisasyong naging susi sa tagumpay ng TVL Month.

Kabilang dito ang FilmMakers’ Club, Peer Facilitators Club, Supreme Student Council, Indayog Club, Directors’ Council, Broadcasting Club, at YOK Band.

Pormal na winakasan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Paul Cruz mula sa Broadcasting Club.

Isinulat nina: Jessey Lazo at Claudia Ponce
Litrato kuha nina: Gwyneth Baldisco at Sophie Yananose

  — A Student’s Guide to Surviving Entrance Exams and Academics: The Art of Time ManagementCollege isn’t just a destinat...
03/08/2025

— A Student’s Guide to Surviving Entrance Exams and Academics: The Art of Time Management

College isn’t just a destination. It’s a dream waiting at the end of a long, winding bridge. But before we get there, we must conquer one of the most daunting challenges of student life: the entrance exams.

It’s natural to feel overwhelmed. Between projects, quizzes, and the endless whirlwind of schoolwork, preparing for college exams can feel like adding weight to an already full plate. But here’s the truth: you are more capable than you think. Your greatest weapon isn’t sheer luck; it’s time management.

We can’t slow down time, but we can take control of how we use it. You don’t need to grind every second of the day. Time management is about creating balance. Set aside time to study, but also time to rest, recharge, and live. When you build a routine that works with you instead of against you, you turn daily chaos into meaningful progress.

Start small. Plan your days. Take breaks. Be kind to yourself. And when you can, take advantage of quiet seasons like summer. You might even enroll in a review center so you’re ahead when the school year starts to ramp up.

The future can feel like a giant question mark. But remember, you’re not powerless. You’re already taking steps. You’re already preparing. That bridge you see up ahead is not as far as it looks, especially when you walk toward it with purpose.

"When you pass through deep waters, I will be with you." - Isaiah 43:2

Let this remind you that even in moments of uncertainty, you are never truly alone.

You’ve got this. The road to college may be tough, but so are you.

Written by: Samantha Paras
Illustrated by: Samantha Abejuela

Culinary Skills Showcased at PCS Junior MasterChefEmbodying the spirit of Nutrition Month, Grade 11 and 12 students from...
03/08/2025

Culinary Skills Showcased at PCS Junior MasterChef

Embodying the spirit of Nutrition Month, Grade 11 and 12 students from the STEM, ABM, AD, and HUMSS strands participated in the Pateros Catholic School – Senior High Junior MasterChef competition held at Culinary Laboratory on August 2, 2025, from 12:00 NN to 5:40 PM.

At 12:50 PM, some participants moved to the 3rd floor Culinary Laboratory to prepare their ingredients and cooking tools.

Ms. Jeska Lampa led the opening prayer, followed by Ms. Aida Ampe, who explained the rules and instructions for the competition.

The event was overseen by Mr. Austria, Ms. Ampe, and Mr. Miranda, along with the Supreme Student Council (SSC) officers who helped facilitate the program and provided assistance throughout the day.

The appetizer round began at 1:25 PM, with two members from each group given a ₱200 budget and 50 minutes to create a salad with dressing.

At 1:50 PM, judges arrived to observe food handling, preparation techniques, and group dynamics.

By 2:25 PM, the groups brought their finished appetizers to the SSC Meeting Room on the 4th floor for judging by PCS alumni Mr. Mavey Ariones, Ma’am Kaye Dingal, and Ma’am Karen Cruz.

The judges interacted with participants, asked questions, and provided feedback on each dish.

Group 1, Talong Seller Group Pateros, presented the “Chick’n Lem Salad” with fried chicken, lemon-mayo dressing, lettuce, carrots, and cucumber.

Group 2, GG Luto Crew, prepared a “Kani Salad” featuring crab sticks, mango, cucumber, carrots, lettuce, and lemon-mayo dressing.

Group 3, Bene Kim, served “Bun-believable Tuna” in bread with tuna, tomato, lettuce, and a unique dressing of mayo, oyster sauce, calamansi juice, caramelized sugar, salt, and pepper.

Group 4, Homochefyums, created “Potato Salad Poppers” with fried potatoes, cucumber, and a lemon-mayo sauce.

Group 5, Roux Rebels, made a “Ham Clubhouse Sandwich” filled with ham, cheese, lettuce, garlic butter, and pepper.

Group 6, Francisco’s Angels, served “Macaroni Salad with Deviled Egg” made with egg, macaroni, carrots, onion, all-purpose creamer, mayonnaise, and ground black pepper.

Group 7, SaiLam Kitchen Crew, prepared “Kani Salad in a Nest” with roasted sesame, mayo, nori sheet, lumpia wrapper, carrot, mango, and crab sticks.

Group 8, Faberlicious, offered a “Potato Salad with Salted Egg Dressing” that included lemon, lettuce, tomato, salted egg, potato, cucumber, and mayonnaise.

“It was fun, but time went by quickly,” one participant shared.

“You really need to beat the clock by being quicker,” they added.

“You shouldn’t pressure yourself because of the time; you need to be focused,” said another student, reflecting on the experience.

For the main entrée round, each group had a ₱300 budget and was tasked with creating a dish using eggplant as the main ingredient, with three members participating.

As the round progressed, the aroma of spices and sauces filled the air, mirroring the growing intensity of the competition.

By 5:00 PM, all the dishes were delivered to the SSC Meeting Room for final judging.

Group 1 presented “Eggplant Lasagna” made with ground beef, onion, garlic, lemon juice, tomato, cheese, salt, and pepper.

Group 2 served “Rolled Eggplant with Cream Sauce” featuring ground pork, seasonings, onions, cornstarch, flour, egg, and lemon.

Group 3 prepared “Rolatini Casserole” using fried eggplant, ground pork, green onion, garlic, spaghetti sauce, and cheese.

Group 4 made another “Eggplant Lasagna,” this time with tomato sauce, ground pork, spinach, and white sauce with cheese and all-purpose cream.

Group 5 created “Eggplant Katsu” paired with teriyaki sauce made from soy sauce, brown sugar, ginger, and garlic, and served with curry containing onion, potato, and carrot.

Group 6 also served “Eggplant Katsu” alongside chicken powder, ala king sauce with carrots, chicken cubes, and buttered rice.

Group 7 cooked “Chinese Eggplant Stir Fry” made with red and green chili peppers, egg, soy sauce, sesame oil, oyster sauce, garlic, carrots, and egg fried rice.

Group 8 plated “Beef Steak Talong with Mushroom,” seasoned with salt, pepper, and onions.

Judging ended at 5:40 PM, officially concluding the competition.

“It was very enjoyable and reminded me of Grade 10 where we’d cook every quarter,” one participant shared.

“It was fun cooperating and engaging in teamwork with my group,” they added.

During the closing remarks, Mr. Mavey Ariones said, “I just want to congratulate all the participants who participated even though they're not in the strand of TVL.”

“They can still shoulder skills in their own ways and they really match the level of TVL students, so I couldn’t actually distinguish that they were from other strands,” he added.

“I think that's one of the main objectives of this competition: to promote inclusivity,” he concluded.

Written by: Nicole Legarde and Samantha Paras
Photos by: Manuel Donato and Audy Benito

SULO(NG) PERYODISTA: Sumisibol na Tanglaw ng SalinlahiSa bawat titik na sinusulat at tinig na pinakikinggan, sumisibol a...
03/08/2025

SULO(NG) PERYODISTA: Sumisibol na Tanglaw ng Salinlahi

Sa bawat titik na sinusulat at tinig na pinakikinggan, sumisibol ang makabuluhang anyo ng pag-asa: ang kabataan bilang tanglaw ng katotohanan.

Magandang araw, PCSians! Ako si [Pangalan] mula sa PCS-SHS Courier, Taong Pampanuruan 2025–2026. Inaanyayahan ko kayong makilahok sa pagliyab ng sulô ng mapanuri at malayang pamamahayag; tayo ang sibol ng paninindigan at pagkamulat, tayo ang titindig para sa mga walang tinig.

Hindi ito basta pagsusulat lamang, ito’y paninindigang dadalhin habambuhay. Isang panatang kailanma’y hindi bibitiwan:

Panatang maging boses ng walang boses.
Panatang magsiwalat ng katotohanan.
Panatang maging tinig ng salinlahi.

Makiisa sa pagsúlong ng tinig ng kabataan, at maging sulô ng mapanuring pahayagan!

Isinulat ni: Nicholas Abad
Iginuhit nina: Arianne Blanco at Gerthrude Abliter

Makiisa sa DP Blast!
👉 https://twibbo.nz/pcsshscourier
👉 https://twibbo.nz/pcsshscourier
👉 https://twibbo.nz/pcsshscourier

PCS Welcomes August with First Friday Mass and New Student LeadersStudents gathered at the Pateros Catholic School Annex...
02/08/2025

PCS Welcomes August with First Friday Mass and New Student Leaders

Students gathered at the Pateros Catholic School Annex Gymnasium to celebrate the First Friday Mass on August 1, 2025.

Rev. Fr. Edgardo Barrameda presided over the Eucharistic celebration, which included readings from Exodus and the Gospel of Matthew.

In his homily, Fr. Edgardo emphasized that listening is the first act of liturgy and reminded everyone to be attentive and present during Mass.

After Holy Communion, students remained seated as Mr. Bryant Austria, the School Paper Adviser for Filipino, formally introduced the Courier Editorial Board for the 2025–2026 school year.

The Courier Editorial Board members were Social Media Moderator Sabrina Bautista, Deputy Chief Photojournalist Royce Raymundo, Chief Photojournalist Roane Galamgam, Deputy Chief Layout Artist Johaina Castro, Chief Layout Artist Marcus Ani, Deputy Director of Creatives Gwen Deguinio, Director of Creatives Joaquin Macabebe, Features Editor (Filipino) Nicholas Abad, Features Editor (English) Seanne Alo, News Editor (Filipino) Ira Quiogue, News Editor (English) Samantha Paras, Associate Editor (Social Media) Akisha Espina, Associate Editor (Filipino) Princess Roque, Associate Editor (English) Luigie Velez, and Editor-In-Chief Carissa Breis.

Following the presentation of the editorial staff, Mr. Dominic Austria acknowledged the mentors behind the organization's success: Mrs. Ana Rosales, the School Paper Adviser for English, and Mr. Mark Zapanta, the School Paper Coordinator.

He then called on Ms. Jeska Lampa to introduce the newly elected officers of the Supreme Student Council (SSC).

Ms. Lampa presented the SSC officers, including TVL Internal Representative Prinz Santos, TVL External Representative Lianne Karunungan, STEM Internal Representative Danielle Delos Santos, STEM External Representative Leonardo Feliciano II, HumSS Internal Representative Rielle Laming, AD Internal Representative Aleli Bautista, AD External Representative Jose Manuel, ABM Internal Representative Jairus Del Mundo, ABM External Representative Kassandra France, Grade 11 Peace Officer Emmanuelle Madoginog, Grade 12 Peace Officer Jessey Lazo, Grade 11 Representative Jayden Yauder, Grade 12 Representative Nedji Esquivel, Public Information Officer Paula Culala, Auditor Nash Ojascastro, Treasurer Jade Habijan, Secretary Zuri Tongson, Vice President Alexandra Taburna, President Luis Pagkalinawan, and Advisory Board member Sabrina Bautista.

Rev. Fr. Edgardo Barrameda then returned to lead the oath-taking of the SSC officers.

After the short ceremony, the Mass officially ended and students were guided back to their classrooms.

Written by: Nicole Legarde and Pauline Sy
Photos by: Raj Galamgam, Royce Raymundo, and Ezekiel Zabala

Sa bawat salitang ating binibigkas, mula sa malalalim na salitang-ugat hanggang sa mga katutubong wika na nagsisilbing h...
01/08/2025

Sa bawat salitang ating binibigkas, mula sa malalalim na salitang-ugat hanggang sa mga katutubong wika na nagsisilbing hiyas ng bawat rehiyon, naroon ang bakas ng ating pagkatao. Hindi basta wika ang dala natin sa ating dila; ito’y alaala ng ating pinagmulan, tagapagdala ng karunungan, at tulay patungo sa tunay na pagkakaisa.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, muli nating pinatitingkad ang kahalagahan ng wikang Filipino at ng ating mga katutubong wika bilang di-mapapantayang yaman ng ating lahi.

Sa pagpapaunlad ng ating wika, hindi lamang salita ang isinasaayos kundi ang mismong ugnayan nating mga Pilipino. Sa mga pananalita at diyalekto ay naroon ang tinig ng mga pamayanang matagal nang bahagi ng kasaysayan ng bansa. Kaya naman ngayong taon, binibigyang-diin natin ang temang: "Ang Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagbuo ng Bansa"; isang paanyayang kilalanin ang papel ng wika sa pagtindig ng isang bansang may pagkilala sa sarili at paggalang sa pagkakaiba-iba.

Ang ating mga wika ay higit pa sa daluyan ng impormasyon. Taglay ng mga ito ang panitikan ng nakaraan, ang aral ng kasalukuyan, at ang pangarap ng kinabukasan. Kapag pinahahalagahan natin ang ating mga wika, kinikilala natin ang ating pinagmulan at ipinaglalaban ang ating pagkakakilanlan. Ang bawat katutubong salita ay tila pintig ng kulturang buhay; at sa bawat paglimot, unti-unti rin nating pinapatay ang diwang sarili.

Kaya’t sa panahon ng mabilis na pagbabago, lalo nating kailangang yakapin ang ating mga wika: sa tahanan, paaralan, sining, agham, at araw-araw na ugnayan. Hindi ito simpleng pagdiriwang kundi paninindigan; na ang wika, kapag inalagaan, ay bumubuo ng sambayanan. Sa pagpapayabong sa Filipino at katutubong wika, muling itinatayo ang isang bansang buo sa alaala, buo sa diwa, at buo sa pagkakaisa.

Isinulat ni: Princess Roque
Publikasyong Materyal mula kay: Euline Pulido

Senior Master Chef ‘25: A Fusion of Flavors, Passion, and NutritionWritten by: Seanne Alo & Maxine MadridejoPhotos by: L...
31/07/2025

Senior Master Chef ‘25: A Fusion of Flavors, Passion, and Nutrition
Written by: Seanne Alo & Maxine Madridejo
Photos by: Lance Adam Coralde and Alexa Austria

Technical Vocational students of grade levels 11 and 12 have transformed the culinary lab into a battleground of flavors and innovation as they go head-to-head with each other in the most awaited Senior Master Chef cook-off this academic year.

July is dedicated to the celebration of Nutrition Month in the Philippines.

In line with this, the Senior High School Department has planned out events for students to participate in, combining the concepts of fitness and fun.

For this particular event, students from the Technical Vocational strand were allowed to showcase their cooking skills while staying deeply rooted in the main ingredients and working efficiently with their dexterous members.

Before the contest proper, students were instructed to be assembled by 6:40 a.m. near the culinary lab for orderly assistance for other participating students towards the holding area.

Later on, two contenders of the first round were called on, carrying all the necessary ingredients their group may need throughout the session for the budget limitation checking.

From 8 a.m. to 1 p.m., sizzling pans, chopping boards, and bursts of creativity were strongly adhered to the entire floor as the ever-passionate chefs started preparing innovative dishes whilst incorporating the essence of health in every dish.

The endearing contenders consisted of three groups per grade level, six members each, with two members working together to prepare one entrée that highlights the following vegetables per round: squash for the first, moringa leaves for the second round, and carrots for the last, each showcasing the talent their group has.

Five minutes before 8 o’clock a.m., Ms. Jeska Lampa formally opened the cook-off with an opening prayer for the guidance and safety of the participants, as well as a few reminders regarding the contest in line with their past briefing with the students.

Ms. Aida Ampe followed through, giving out instructions for the event proper and lab rules.

In their spare time, Mr. Isaiah Ebrada and Mr. Bryant Dominic Austria spectated the competition as well as other teachers with a few minutes to spare before their next class, to sneak a few peeks behind the doors leading to pure delectability.

This year’s Senior Master Chef was judged by Mr. Florentino David III, Mrs. Dolly Dingal, and Mrs. Felina Pereña, who all openly tried their well-crafted dishes and respectfully gave their remarks and praises to each cook.

For every dish accomplished, one representative of each team was tasked to present their dish for judgement in the Supreme Student Council (SSC) room on the 4th floor and were allowed to introduce themselves and expound on the key elements of their respective dishes.

The other stayed in the lab to clean up, reorganize lab equipment, and collect those they brought in that were not provided by the school lab but were authorized for use.

Unfortunately, Cornyvors, a grade 11 group, missed the opportunity of doing so in the second round as a consequence of not finishing their dish on time, which later on resulted in a round disqualification.

However, their group was still given a chance to participate until the last round with the hope of making up for their score deduction.

Kutsarawr and Coolinary Chaos, both teams from grade 12, were two of the participating groups who worked a few minutes over the time limit due to the complexity of their dishes and equipment issues faced during the session that cut them a few minutes behind time.

In the course of Coolinary Chaos’s first entrée, ‘Giniling Stuffed Acorn Squash’, they encountered technicalities with the oven assigned to their group, leaving the squash undercooked, and the plating delayed.

While Kutsarawr faced no issues with their equipment, they fell short on time for plating their last entrée, Carrot Marrow with Kaldereta Purée.

By 1 p.m., contestants completed their final clean-up routine and ended the session right after cleaning.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pateros Catholic School - Senior High School Courier posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pateros Catholic School - Senior High School Courier:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share