
17/07/2025
💡 Alamin sa mga sumusunod na infographics ang mga katotohanan patungkol sa 20% tax on interest sa savings ng mga depositors.
Mahalagang malaman na hindi ito bagong buwis at layunin lamang nito sa ilalim ng CMEPA na gawing pantay at patas ang pagbubuwis sa interest mula sa savings ng mga mamamayan.
Bukod dito, hindi binubuwisan ang kabuuang halaga ng perang naka-deposito sa bangko. Sa halip, ang interes lamang na kinikita nito ang binubuwisan.
Ang CMEPA ay dumaan sa masusing pag-aaral ng kongreso bago naisabatas noong May 29, 2025.
Ipinapaalala ng DOF na maging mapanuri sa mga articles at posts na kumakalat online na ginawa para magpakalat ng maling impormasyon.