San Mateo Connect

  • Home
  • San Mateo Connect

San Mateo Connect San Mateo Connect

TIGNAN: Ilang kabataan ang nahuli ng Lokal na Pamahalaan ng Ampid Uno matapos lumabag sa curfew hours sa kanilang lugar ...
26/05/2022

TIGNAN: Ilang kabataan ang nahuli ng Lokal na Pamahalaan ng Ampid Uno matapos lumabag sa curfew hours sa kanilang lugar nitong Mayo 25. Ang naturang batas ay pinatupad nina Punong Barangay Hector Reyes katuwang ang Committee Head of Peace and Order na si Kagawad Ericson Pangilinan at Barangay Public Safety Officers. Pinaalalahanan naman ang lahat na sumunod sa kaukulang batas sa naturang Barangay maging ang curfew hours.

Source: Barangay Ampid Uno

NAGSAGAWA ng paglilinis o declogging ng mga canal sa Daangbakal St. Zone 12 ang ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng B...
24/05/2022

NAGSAGAWA ng paglilinis o declogging ng mga canal sa Daangbakal St. Zone 12 ang ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Barangay Ampid Uno kasama ang mga residente ng naturang lugar. Layunin umano na maisaayos ang daluyan ng tubig mula sa mga kabahayan.

Source: Barangay Ampid Uno News and Action Center

2 RIZALEÑO, NAGKAMIT NG SILVER MEDAL SA 31ST SEA GAMESDALAWANG Rizaleño ang nagkamit ng silver medal sa isinagawang 31st...
23/05/2022

2 RIZALEÑO, NAGKAMIT NG SILVER MEDAL SA 31ST SEA GAMES

DALAWANG Rizaleño ang nagkamit ng silver medal sa isinagawang 31st Southeast Asian Games (SEA) na ginanap sa Hanoi Vietnam na sina Justin Ace de Leon na tubong Taytay at Van Jacob Baccay na mula Morong, Rizal. Si Justine Ace ay bahagi ng Philippine Artistic Gymnastics Team na nagkamit ng Silver Medal. Samantalang si Van Jacob ay bahagi ng Philippine Hand Ball Team na nagkamit din ng Silver Medal sa SEA Games. Pagbati sa inyo mga kababayan! Mabuhay ang mga atletang Pilipino!

Source: Lalawigan ng Rizal

UMARANGKADA  ang Clean-up Drive o Oplan Busilak program ng Lokal na Pamahalaan ng Ampid Uno nitong ika-14 ng Mayo kung s...
20/05/2022

UMARANGKADA ang Clean-up Drive o Oplan Busilak program ng Lokal na Pamahalaan ng Ampid Uno nitong ika-14 ng Mayo kung saan maging ang mga kanal ay nilinisan ng mga otoridad at residente. Paalala naman ng LGU-Ampid Uno, panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran, makiisa sa mga gawaing ikakaganda ng bayan maging ng bansa at suportahan ang YES Program.

Source: Barangay Ampid Uno

MANANATILING nasa Alert Level 1 ang bayan ng San Mateo maging ang buong lalawigan ng Rizal simula Mayo 16-31 batay sa na...
19/05/2022

MANANATILING nasa Alert Level 1 ang bayan ng San Mateo maging ang buong lalawigan ng Rizal simula Mayo 16-31 batay sa napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF), ayon kay PCOO Secretary and Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar. Sa kasalukuyan ay patuloy ang vaccination roll-out sa bayan ng San Mateo mula pediatric to adult group. Bagamat kaunti o halos walang aktibong sa naturang bayan, pinapaalalahanan ang mga residente na huwag pakampante at sumunod sa health protocols, magpabakuna o magpabooster shot kontra COVID-19.

Source: IATF & PIA RIZAL

BASE sa pahayag ng Lokal na Pamahalaan ng San Mateo, Rizal sa Lunes, ika-23 ng Mayo, ililipat na sa Plaza Natividad ang ...
19/05/2022

BASE sa pahayag ng Lokal na Pamahalaan ng San Mateo, Rizal sa Lunes, ika-23 ng Mayo, ililipat na sa Plaza Natividad ang ang pagproseso ng Business Permit Renewal o Business One Stop Shop (B.O.S.S) Ang BOSS ay may layuning mapabilis ang proseso ukol sa mga permit ng bawat indibidwal at business establishments sa bayan ng San Mateo.

Source: Municipality of San Mateo

NAGPABATID ng pasasalamat si Mayor Tina Diaz sa mga taong nakiisa sa mapayapang eleksyon sa bansa maging sa bayan ng San...
13/05/2022

NAGPABATID ng pasasalamat si Mayor Tina Diaz sa mga taong nakiisa sa mapayapang eleksyon sa bansa maging sa bayan ng San Mateo gaya ng mga volunteers, watchers, leaders, supporters, mga g**o at iba pang kawani ng DepEd (Department of Education). Samantala, patuloy naman ang paghahatid ng serbisyo ng naturang alkalde sa bayan ng San Mateo.

Source: Mayor Tina Diaz/Facebook

TIGNAN: May dalawang a*o muli sa Greenland, Carolina St. ang nahuli ng mga otoridad sa Barangay Banaba nitong ika-11 ng ...
12/05/2022

TIGNAN: May dalawang a*o muli sa Greenland, Carolina St. ang nahuli ng mga otoridad sa Barangay Banaba nitong ika-11 ng Mayo alinsunod sa Municipal Ordinance No. 97-24 na nagbabawal sa mga alagang a*o na pakawalan sa labas ng tahanan. Gayon din pinaalalahanan ang mga pet owners na huwag hayaang pagala-gala ang mga alagang a*o sa labas.

Source/Photo: Barangay Banaba San Mateo, Rizal

NAGPABATID ng pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng San Mateo, Rizal sa Mabuhay Deseret Foundation sa mga ibinahagi ng ...
08/05/2022

NAGPABATID ng pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng San Mateo, Rizal sa Mabuhay Deseret Foundation sa mga ibinahagi ng mga ito na Colostomy Bags na makakatulong sa mga residenteng may sakit o nangangailangan ng naturang gamit. Ani ng LGU-San Mateo, "Maraming Salamat po Mabuhay Deseret Foundation sa inyong donasyong na Colostomy Bags.Saludo ang Bayan ng San Mateo sa inyong pagmamalasakit sa bayan."

Source: Municipality of San Mateo

Nagpabatid ng pasasalamat si Mayor candidate Paeng Diaz sa pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Roa Duterte mata...
08/05/2022

Nagpabatid ng pasasalamat si Mayor candidate Paeng Diaz sa pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Roa Duterte matapos itong magpakita ng suporta sa kanilang kandidatura nina Congreswoman aspirant Cristina Diaz at ng buong Team1SanMateo. Ani ng naturang Mayoral candidate,”Isang malaking karangalan na mapagkatiwalaan ng nasa pinakamataas na posisyon sa ating bansa. Maraming salamat po, Pangulong Rodrigo Roa Duterte!” Laking tuwa naman ng mga residenteng sumusuporta sa Team1SanMateo dahil maging ang pangulo umano ng bansa ay naniniwala sa abilidad at kakayahan ng kanilang sinusuportahan.

Source: Vice Mayor Paeng Diaz & Chabeng Nakata / Facebook

NAGKAISANG tumindig sa pagbibigay ng suporta at paniniwala sa kakayahan nina Mayor aspirant Paeng Diaz, Congresswoman ca...
07/05/2022

NAGKAISANG tumindig sa pagbibigay ng suporta at paniniwala sa kakayahan nina Mayor aspirant Paeng Diaz, Congresswoman candidate Cristina Diaz at Team1SanMateo ang mga residente sa bayan kanilang bayan.

Ani ng mga ito, tila "subok na" ang mga naturang kandidato na nagsisilbi sa kanilang lugar. Sabi pa ng iba ay ang Team1SanMateo ay may koordinasyon sa gobyerno at nakapagpaganda ng kanilang bayan. Ayon naman ng mga kabataan, titindig sila sa Team1SanMateo para sa kanilang magandang kinabukasan. Iyan lamang ang ilan sa maraming nakitang adhikain ng mga residente.

Labis naman ang pasasalamat ni Congresswoman aspirant Cristina Diaz sa kanyang mga kababayan sa kanilang umaapaw na suporta,ani nito, " Ang tulad po ninyong mga ordinaryo at karaniwang mamamayan ang patuloy na nagbibigay sa amin ng ibayong inspirasyong ipagpatuloy ang sama-sama nating paninindigan para sa Bayan. Maraming, maraming salamat po!
Mananatili tayong nagkakaisa at walang iwanan dahil tayong lahat ang San Mateo!"

Source: Mayor Tina Diaz/Facebook

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Mateo Connect posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share