08/05/2021
Para sa mga nagtatanong ng ibig sabihin ng simula at dulo ng video na to. ang kantang "Lipad" ay nasulat ko sa isa sa mga pinaka mababang parte ng buhay ko kasabay ng unang lockdown kasama ang mga magiina ko noon na ngayo'y wala na rin dito sa kasamaang palad.. dinanas namin kapusin dahil na kansela lahat ng shows na meron ako na nagdudulot na rin ng mga argumento sa pang araw araw dahil sa mga di pag kakaunawaan noon at sa kawala ko na rin ng panahon magbigay ng oras noon dahil kinailangan kong triplehin ang kilos para sa sining at pangangailangan na din naranasan namin kulangin ng pang gastos sa pang araw araw na sa puntong palihim na lang akong umiiyak sa gabi dahil may mga gusto ang mga bata noon na hindi namin o hindi ko matugunan.. sa harap nito ay sinulat ko ang kantang ito para kausapin ang sarili ko at ipaalala na marami pang paraan at pagkakataon para malagpasan an mga pagsubok sa araw araw.. lalo't isa akong a,ma nang mga panahong iyon.. wala akong hindi kakayanin.. ang bata na kasama ko ay nagrerepresenta sa aking kabilang sarili mga kagustuhan na hindi magawa, (ultimo yung paglalakad niya..) mga binabatong papel na kahulugan ng mga pangarap ko sa buhay na ako mismo di sigurado kung kaya ko. pero kahit gaano pa ito kalukot ay pinupulot ko pa rin ito para paliparin bilang eroplanong papel.. sa dulo ntong video ay pinatumba ako ng mga sarii kong kabiguan dahil hindi naging maayos ang pagsasama namin ng asawa ko at sa ngayon ay nasa ibang puder na siya kasama ng dalawang bata pero nasa maayos naman..
kaya ako bumagsak doon.. at sinuntok ng sarili kong negatibong enerhiya.. pero tulad ng sinabi ko, ilang ulit man malukot ang mga pangarap ko, walang sawa ko itong pupulutin para gawing eroplanong papel,
LIPAD!!
Righteous One, Lipad, OPM, Hip Hop, THATKIDGORANhttp://vevo.ly/DaDqO3