20/02/2023
Pa Heart, share and comment nadin sa mismong picture guys salamat ♥️♥️♥️😘
Nag turo, tinuro at tinuruan, ako at nila.
Isang memoryang tumatatak, nag lamat, lumapat sa tatlong araw na ako’y pumikit, mumulat iba ang kinagisnang kasama. Mga Batang hindi kilala, ngunit kinilala, nakilala at kalauna’y isa na silang parte ng aking ala-ala. Ang makatulong sa iba, sa sarili ang tunay na saya.
Ang dalawang litratong, sumimbulo sa tatlong araw na memoryang nabuo, naging isa. Isang batang mulat sa katotohanan, mga batang naipit sa taling buhol-buhol sinusubukan kumawala upang maka alis sa buhay na mapait. Nag susumikap maka buo ng bagay na may halaga yari sa nagamit, iniwan, at ngayo’y naging upuan. Upuang tungtungan upang masilip ang kinabukasan, si-SIKAT din ang araw sa mga BATANG KALIhgayahan ang tinatanaw.
Ito ang isang istroya sa dalwang litrato sa tatlong araw na aking nasamahan sa Sikat, ang Batang-Kali Program, sa apat na taon ko sa kolehiyo bilang sa limang daliri ang mga pagkakataong ako’y naka tulong sa mga bata, animo’y may sipol galing sa pito ang sa aki’y natawag, pinapara ang mga walong gulang na batang nag titinda upang sila ay mag sipag aral, siya mang kapos palad ay hindi na hadlangang makatapos, sampong taon man ang umabot, sisikat din ang araw sa batang naging makalikasan.