Mommy Eapril

Mommy Eapril Mom of 2 beautiful kids 💕✨

BAGO ANG LAHAT, ASAWA MUNA.Kung mapagbigay ka sa ibang tao, mas lalo dapat sa asawa mo. Siya ang unang nangangailangan n...
17/04/2025

BAGO ANG LAHAT, ASAWA MUNA.

Kung mapagbigay ka sa ibang tao, mas lalo dapat sa asawa mo. Siya ang unang nangangailangan ng pagmamahal at suporta mo.

Kung matulungin ka sa mga kaibigan at kapamilya, dapat mas una mong tinutulungan ang asawa mo. Siya ang kasama mong bumuo ng pangarap at pamilya.

Kung maawain ka sa iba, higit sa lahat, maging maawain ka sa asawa mo. Kilala niya ang kahinaan at pagkukulang mo, pero patuloy siyang nandiyan para sa'yo.

Kung may pasensya ka sa ibang tao, doblehin mo ang pasensya para sa asawa mo. Kasama mo siya sa lahat ng hirap at saya, kaya’t nararapat lang na siya ang una mong bigyan ng pang-unawa.

Huwag sanang mangyari na mabait ka sa iba, pero sa asawa mo, laging galit o iritable. Siya ang tahanan ng puso mo, at ang pag-aalaga sa kanya ang magpapatibay sa inyong pamilya.

Asawa mo ang iyong katuwang sa lahat ng pagsubok at kasiyahan sa buhay. Tandaan mo, sa gitna ng away o hindi pagkakaintindihan, siya pa rin ang pinili mong makasama habang buhay.

CTTO

Hindi pa nga ako nkka $25 e 😅
09/04/2025

Hindi pa nga ako nkka $25 e 😅

Ang sakit siguro ‘nung makita mong ikakasal ang anak mo—pero hindi ka niya piniling ihatid sa altar.Hindi ka piniling ma...
09/04/2025

Ang sakit siguro ‘nung makita mong ikakasal ang anak mo—pero hindi ka niya piniling ihatid sa altar.

Hindi ka piniling maging bahagi ng moment na ‘yon.
Hindi bilang ama, kundi bilang isa na lang sa mga guest.

Yung iba, pinapangarap pa nga na maihatid ng tatay nila sa altar.

Hindi natin alam ang buong kwento. Hindi natin alam kung ano ang mga pagkukulang niya, at kung ilang ulit din siyang nagsubok bumawi—pero huli na ang lahat.

Pero isang bagay ang malinaw:
Walang perpektong tatay—pero tao rin sila, nasasaktan at may damdamin.

✍️ Mommy Eapril

01/04/2025

Ang tumal na nga, umeeksena pa ng pagjoyjoy/bogus ang mga ferson na pasaway ☹️😂

Ganto pala dapat mga miiiii 😂
29/03/2025

Ganto pala dapat mga miiiii 😂

Mga miiiii ang ganda nito! PM niyo lang yung page kung bet niyo bumili 🩷
29/03/2025

Mga miiiii ang ganda nito! PM niyo lang yung page kung bet niyo bumili 🩷

27/03/2025

Them: Ang aga mo nagising ah.

— Me na hindi pa talaga natutulog at inabot na ng umaga 😂

Walang mas masaya sa pagiging bata! Yung takbo dito, akyat doon, ligo sa ulan, tapos uuwi nang amoy araw at punong-puno ...
17/03/2025

Walang mas masaya sa pagiging bata! Yung takbo dito, akyat doon, ligo sa ulan, tapos uuwi nang amoy araw at punong-puno ng kwento. Kahit madumihan, kahit pawisan—wala ‘yang pake basta enjoy!

Minsan lang maging bata, kaya hayaan mong sulitin nila. Hayaan mong madapa at bumangon, magkamali at matuto, maligo sa putik at matawa! Ang dumi, nalilinis. Pero yung masasayang alaala? Habangbuhay nilang babaunin.

✍️ Mommy Eapril

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Eapril posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share