25/08/2025
ππ£πͺπ πππ¦π§π₯πππ§ ππ‘πππ‘πππ₯ ππ₯ππ¦π§πππ’ π ππ§ππ£π’π¦ π§ππ‘ππππ‘π π¦π¨ππ¨πππ‘ ππ‘π ππ¦ππ‘π ππ’π‘ππ₯ππ¦π¦π ππ‘
Naaresto si DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo matapos umano nitong tangkaing suhulan si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sa Taal, Batangas noong Biyernes, ayon sa initial na ulat.
Kinumpirma ng ilang source mula sa pulisya na nangyari ang entrapment operation bandang alas-5 ng hapon sa Barangay Poblacion, Taal. Ang operasyon ay isinagawa matapos umanong subukan ng suspek na magbigay ng halagang β±3,126,900 kay Leviste kapalit ng hindi pag-imbestiga sa mga proyekto ng DPWH sa kanyang distrito.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Taal Police ang suspek at posibleng sampahan ng kasong Corruption of Public Officials sa ilalim ng Article 212 ng Revised Penal Code at paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Samantala, nagpahayag ng papuri si Senator Panfilo Lacson sa matagumpay na operasyon.
βMy snappy salute to neophyte Cong Leandro Leviste, Batangas 1st District for the successful police entrapment operation against a corrupt DPWH District Engineer who tried to bribe him with up to β±360M in βkickbacksβ from infra projects in his district,β ayon kay Lacson sa isang post sa X (dating Twitter).