27/08/2026
Sinupalpal ni Senador Bam Aquino ang pahayag na maging si Ninoy Aquino ay may ginamit na alias sa naging paglilitis ng Impeachment Court kahapon, Agosto 25.
Ayon kay Aquino, totoo na ginamit ni Ninoy ang alias na Marcial Bonifacio ngunit hindi naman gumamit ng confidential funds ang namayapang senador.
Ang konteksto nito ay ang pagtatanggol na ang paggamit ng alias ay hindi naman masama at gumamit pa nga nito ang mga bayani. Ngunit dapat itong ilagay sa tamang konteksto na ang mga bayani ay gumamit ng alias upang magtago habang nakikipaglaban para sa bayan, hindi magtago sa pananagutan sa ating bayan.