Kasimanwang Mary Joy De La Cruz

  • Home
  • Kasimanwang Mary Joy De La Cruz

Kasimanwang Mary Joy De La Cruz Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kasimanwang Mary Joy De La Cruz, Media/News Company, .

Pa share and heart po ng picture, Salamat
24/10/2024

Pa share and heart po ng picture, Salamat

08/11/2023

L👀K: Aksidente ngayon lamang umaga sa Barangay Toledo sa bayan ng Nabas kung saan binangga ng puting kotse ang motorsiklong papatawid sa kabilang linya na minamaneho ng isang lalaki at backrider nito na tumilapon ilang metro ang layo sa lugar.

Nabatid na walang suot na helmet ang dalawang biktima ng naturang aksidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Nabas PNP.

(Standby sa karagdagang detalye)

🎥 Video by Go Dionisio.

31/10/2023

16-ANYOS NA MENOR-DE-EDAD NA LALAKI, NAG-ALA SUPERMAN SA BILIS

(Kalibo, Aklan)--Nag-ala superman sa bilis ng pagpapatakbo ang isang motorsiklo na minamaneho ng 16-anyos na menor-de-edad na lalaki matapos na bumangga sa harapang bahagi ng isa pang motorsiklo sa junction ng Goding Ramos at Archbishop Reyes St., Poblacion, Kalibo, alas-9:43 kagabi, Oktubre 30.

Batay sa imbistigasyon ng Kalibo PNP at base na rin sa nahagip ng cctv na ang Honda Click na motorsiklo na minamaneho ni Anlic John Nemez, 24-anyos ng Sta. Cruz Lezo ay galing sa Mabini St. papuntang Pastrana Park kung saan nasagi ito ng minor na papasok sa intersection galing sa Roxas Avenue papuntang 19 Martyr's St.

Masuwerte naman umanong nahagip lamang ng minor ang motorsiklo sa harapang bahagi at hindi na sumapol kay Nemez.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang kapwa drayber na tumanggi nang magpadala sa ospital.

via | Mary Joy Melgar, Energy FM Kalibo
(October 31, 2023)

13/10/2023

WATCH | Karambola ng 3 motorsiklo sa highway ng Tigayon, Kalibo.

ALERT LEVEL 3 SA GAZA, IDINEKLARA NG DFAItinaas na ng Pilipinas ang crisis alert level sa Gaza sa alert level 3 sa pagit...
12/10/2023

ALERT LEVEL 3 SA GAZA, IDINEKLARA NG DFA

Itinaas na ng Pilipinas ang crisis alert level sa Gaza sa alert level 3 sa pagitan ng Israel-Hamas terrorist group, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega.

Ang ibig sabihin ng alert level 3 ay bulontaryong pagpapauwi ng mga Pilipino roon.

Nabatid na nasa 70 Pilipino sa Palestinian enclave ang naki-usap upang maka-uwi lalo na ngayong patuloy pa sagupaan sa pagitan ng mga Israel at Hamas.

L👀K: Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ibinahagi ang kanyang litrato habang kausap ang pamilyang naulila ng dalawang Pinoy ...
12/10/2023

L👀K: Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ibinahagi ang kanyang litrato habang kausap ang pamilyang naulila ng dalawang Pinoy na namatay sa giyera sa gitna ng Israel at Hamas.

"Last night, I made two of the most difficult phone calls I’ve had to make as President. The nation is one in grieving with the families of the Filipinos who were killed in the attacks on Israel."

"We will provide the utmost support to the families they were taken from. This tragedy will not deter our spirit. We will continue to stand for peace," dagdag nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang sigalot roon.

📷 PBBM/Instagram

via| Kasimanwang Mary Joy Melgar, Energy FM Kalibo (October 12, 2023)

MOTORSIKLO SUMALPOK SA SUV; 2 SUGATAN(Kalibo, Aklan)--Nagtamo ng sugat ang drayber at backrider ng isang motorsiklo mata...
12/10/2023

MOTORSIKLO SUMALPOK SA SUV; 2 SUGATAN

(Kalibo, Aklan)--Nagtamo ng sugat ang drayber at backrider ng isang motorsiklo matapos bumangga sa papalikong SUV sa New Buswang Kalibo, kagabi.

Sa panayam ng Energy News Team kay Roquito Malijan, ama ng drayber ng motorsiklong si Jun Malijan, 26-anyos residente ng Poblacion Ibajay sinabi nitong nasa maayos na rin namang kondisyon ang kanyang anak ngunit may posibilidad na operahan ang kanang binti nito dahil sa natamong sugat maging ang backrider na lalaki ay naka-confined rin sa ospital.

Batay sa cctv ang motorsiklo ay galing sa nasabing lugar na hindi umano napansin ang naka-signal light na drayber na isang senior citizen na lalaki papaliko sa kaliwa papuntang Old Buswang kung kaya't bumangga ito sa passenger door ng sasakyan.

Nabatid naman na nasa impluwensya ng alak ang sakay ng motorsiklo na nasa mabilis ang pagpapatakbo, nakasuot rin ng helmet ngunit tumilapon din ito pagkabangga sa sasakyan.

Sa ngayon ay nagka-areglo na rin ang magkabilang panig hingil sa nangyaring aksidente.

via | Mary Joy Melgar, Energy FM Kalibo
(October 12, 2023)

ELECTRONIC SHOP, PINASOK NG KAWATAN SA KALIBO; AMPLIFIER AT SPEAKER NAKUHA (Kalibo, Aklan)--Dumulog sa Kalibo PNP ang is...
10/10/2023

ELECTRONIC SHOP, PINASOK NG KAWATAN SA KALIBO; AMPLIFIER AT SPEAKER NAKUHA

(Kalibo, Aklan)--Dumulog sa Kalibo PNP ang isang lalaking trabahador ng electronic shop (Advance Appliance) matapos pasukin ng hindi pa nakikilalang persona sa may Toting Reyes Street Poblacion, Kalibo kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Energy News Team kay Reymond Salvador sinabi nitong kaninang pasado alas-5:00 ng umaga pumunta umano ito sa shop upang kunin ang kanyang rubber shoes dahil mag-eehersisyo ito sa plaza ngunit laking gulat nito nang tumambad sa kanya ang pintuang bukas na sa likod na bahagi ng establisyemento maging ang door k**b ay winasak rin.

Nawawala umano ang 1 speaker na nagkakahalaga ng Php4,800 at 1 amplifier na 13,000 pesos.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng kapulisan hingil sa nangyaring insidente.

via | Kasimanwang Mary Joy Melgar, Energy FM Kalibo (October 11, 2023)

TANDAAN: Bago umalis maiging i-checked muna ang paligid ng sasakyan, sa tingin ko ito ang isa sa maari mong e-shared as ...
10/10/2023

TANDAAN: Bago umalis maiging i-checked muna ang paligid ng sasakyan, sa tingin ko ito ang isa sa maari mong e-shared as much as possible.

📷 CTTO

10/10/2023

Ang magulang hindi kayang tiisin ang anak ngunit ang anak kayang tiisin ang magulang.

10/10/2023

Maulan kanina, sobrang init na ngayon🥵

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kasimanwang Mary Joy De La Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share