23/06/2024
Sobrang tunog ng West Philippine Sea nitong mga nakaraang araw. Pero alam mo ba kung ano talaga ang nangyayari?
Maraming mga videos, tungkol dito sa iba't ibang social media platforms -- ang hindi ko matanggap, maraming mga influencers na ginagamit ang platform nila to spread misinformation regarding this issue.
I've been following this issue since 2015, which inspired me to choose it as the topic for our student documentary film that same year.
Hindi tulad ng iba, sumawsaw lang noong mainit na ang issue, mali-mali pa ang information na pinapakalat.
Sobrang lapit sakin nitong issue na ito, dahil noong nagstart kaming mag-shoot for our film, narinig ko ang mga daing nang ating mga mangingisda na pumapalaot sa Bajo de Masinloc para sa kanilang kabuhayan at sila ang direktang naapektuhan ng issue na ito.
Alam mo ba na 'yong mga mangingisda natin na pumapalaot diyan, mas malaki ang ginagastos kesa sa naiuuwi, dahil lang pinagbabawalan silang mangisda doon?
Alam mo ba na minsan nang nalagay sa peligro ang buhay ng mga mangingisda natin dahil sa pagbomba ng tubig sa kanila, dahil lang gusto nilang maghanap buhay?
Alam mo ba kung ilang fishing vessels ang nasira at hindi na muling magagamit pa?
Kung hindi mo alam ito at hindi malinaw ang issue sa'yo, please restrain yourself from making videos that might distort information about this issue.
We are an Archipelagic State kaya karamihan nang hanapbuhay dito sa atin ay nakadepende sa ating mga yamang dagat.
If you decide to engage in this topic, please make sure to gather information from credible sources, para malaman mo kung ano ang ipinaglalaban natin, bakit kailangan natin ipaglaban at ano ang karapatan natin dito.
I recommend that you watch these videos released 9 years ago.
https://www.youtube.com/watch?v=bxfwmP_XTvA
https://www.youtube.com/watch?v=bPjcrBMUysc&t=176s
Connect with RTVMWebsite: http://rtvm.gov.phFacebook: www.facebook.com/PBSRTVMTwitter: +: http://google.com/+RTVMalacanang