19/09/2023
‘HUWAG MONG DIDIYOSIN ANG PERA’
Viral ang exclusive interview ni Anthony Taberna sa pang-apat na pinakamayamang tao sa Pilipinas na si Ramon Ang.
Umani ng paghanga mula sa netizens ang negosyante dahil sa pagiging simple nito sa kabila ng pagiging bilyonaryo.
“‘Yung pera hindi mo madadala, kaya huwag mong didiyosin ang pera. 'Yung pera is meant to be shared.
Kailangan tayo simple lang ang buhay natin, we live within our means.
Tingnan mo ‘yung ibang tao diyan, nakatira na sa kung saan, naka-signature na damit, naka-signature na bag, may a*o pang maliit.
Tinutukoy ko ‘to especially sa mga anak ko, I do not allow them na magyabang ng kung anu-ano.
Kailangan tinuturo sa mga bata na matuto ng simpleng buhay.
'Yung anak kong bunso, kaka-graduate ng college, pinadala ko sa Pangasinan, sa planta.
Sabi ko, ‘Diyan ka magtatrabaho araw-araw, diyan ka matutulog, kasama mo kakain ng lunch at dinner 'yung lahat ng empleyado... Kung ano ang kinakain at ginagawa nila, suot nila, pareho lang kayo.’
'Yung aking panganay, nu'ng siya ay elementary, pinapadala ko sa talyer ni Mr. Cojuangco, pinapasamahan ko sa mga mekaniko niya. O, e 'di nasanay siya, ang tawag niya sa mga mekaniko, tubero, technician ay ‘kuya’, e 'di lumaking maayos.
Kung pinalaki mo ang mga anak mo na malalaki ang ulo, baka makipags*ntukan sa security guard sa kalye 'yun.
Hindi sila lalaking gano'n, kailangan tayo ang magsabi sa kanila, ‘Gano'n na kayo.’
At huwag niyo bibigyan ng malalaking baon, kailangan magdala sila ng pagkain, 'yun ang baon nila sa eskwela para matuto.
Lahat ng mga anak ko, ang tawag sa katulong ay ‘ate’, ang tawag sa mga kasama namin sa bahay–driver, mekaniko, ‘kuya.’
That's how I brought them up.”
-Ramon Ang
(c) The Scoop