25/07/2023
Weather update
July 25, 2023
Magandang araw po sa ating lahat!
⚠️ Narito ang nilalaman ng balita ukol po kay bagyong "Egay" na mas lumakas pa at umabot nasa Super Typhoon intensity ayon po sa datos na inilabas ng ahensya ng pagasa kanina pong 8am sa inilabas po nilang weather bulletin.
• Ano po ang sa kasalukuyan na impormasyon para po kay bagyong Egay?
- huli po nakita ang sentro ng bagyong egay kaninang bandang 7am ng umaga sa layo pong 310 km silangan po ng Tuguegarao City Cagayan (17.6°N, 124.7°E)
- Lakas ng hangin malapit sa sentro 185 km/h
- Pagbugso ng hangin 230 km/h
- Pagkilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h
• Ano po ang aasahan na direktang epekto ng bagyong egay po sa mga sakop na lugar na nakapalibot po malapit sa kanyang sentro?
- posible po makaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na buhos po ng ulan at pinag-ibayong bugso ng hangin ang mga lalawigan na nasa ilalim po ng tropical cyclone wind signals no. 3, 2 at 1 po lalo nasa direktang maaapektuhan ng bagyong egay sa dulong hilagang bahagi po ng luzon sa kasalukuyan.
• Narito po ang mga nasa ilalim ng babala na itinaas ng pagasa sa ngayon po
⚠️ Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod
- Babuyan Islands, the northern and eastern portions of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig), the northeastern portion of Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan), and the northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
⚠️ Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod
- Luzon
Batanes, the rest of mainland Cagayan, the rest of Isabela, Quirino, the northern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong), the rest of Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, the northern portion of Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan), Ilocos Norte, Ilocos Sur, and the northern and central portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
⚠️ Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod
- La Union, Pangasinan, the rest of Benguet, the rest of Nueva Vizcaya, the rest of Aurora, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, and Ticao Island, Northern Samar
- Sa mga nabanggit na lugar kung saan po naka-taas ang TCWS ay makakaranas po ng mga pag-ulan at bugso po ng hangin.
• Ano ang aasahan na kilos po ng bagyo hanggang sa lumabas ito ng PAR sa mga susunod po na araw?
- Ayon po sa latest forecast track ng pagasa ay aasahan ngayong araw na ito po hanggang bukas po ay lalapit na ang sentro ng bagyong egay sa dulong hilagang luzon sa parteng bahagi ng batanes at sa pagsapit po ng miyerkules (July 26, 2023) ay inaasahan po na lalapit ng husto ang sentro ng bagyo sa nothern part po ng Cagayan, at base po sa datos ng pagasa ay hindi po inaalis ang posibilidad ng landfall scenario sa parte po ng nothern cagayan. Sa darating po na huwebes ay posible na lumabas na ito po ng ating PAR.
Patuloy po na mag-ingat sa posibleng epekto po ni bagyong Egay po!!
Source: Dost_Pagasa