09/07/2025
Basin nagsalig namo nga postponed ang Barangay ug SK election
Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na itinakda ang muling pagbubukas ng System of Continuing Registration of Voters mula Agosto 1 hanggang Agosto 10, 2025.
Ang mga sumusunod na aplikasyon ang tatanggapin sa nasabing petsa:
✅ Rehistrasyon ng bagong botante
✅ Paglipat ng rehistrasyon
✅ Pagbabago o pagwawasto ng impormasyon sa rehistro
✅ Pagpapa-aktibo ng na-deactivate na rehistrasyon
✅ Pagdaragdag ng pangalan at pagbabalik sa listahan ng mga botante
✅ Paglipat ng rehistro mula sa Foreign Service Post patungong lokal
✅ Pag-update ng impormasyon ng mga PWD, senior citizen, at miyembro ng IP at ICC
Ang oras ng rehistrasyon ay mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Linggo, kabilang ang Sabado, Linggo, at mga holiday, maliban na lamang kung may ibang kautusang ipalabas ang COMELEC.
Para naman sa mga sumusunod na aplikasyon, maaaring isumite ang kahilingan online sa opisyal na email address ng Office of the Election Officer (OEO):
🖥️
Reactivation
Reactivation with Transfer
Reactivation with Correction of Entries
Reactivation with Updating of Records ng Senior Citizens at PWDs
🔗 Para sa email addresses ng mga OEO: COMELEC Website
Samantala, ang Register Anywhere Program (RAP) ay isasagawa sa National Capital Region (NCR) at piling lugar sa Region III at Region IV-A mula Agosto 1–7, 2025.
For more News and Updates Visit;
(www.philippinepeoplespress.com)