20/12/2024
Babala: Ang post na ito medyo mahaba.. Kung wala ka time, scroll up ka na 🙂
Habang kumakain sa Mcdo (bekenemen), may kumaway sa labas na sumenyas na parang may hinihingi. Di ko narinig ang sinasabi niya pero alam mong katulad ng ibang bata na namamasko tuwing Pasko o kaya naman ay namamalimos lang.
Pero may bakas sa mukha ng babae na para bang gusto niya tumingin ako sa batang lalaki parang malungkot. Agad akong sumenyas na nag-ayaya para kumain ngunit itinuro nya ang guard na baka sila ay di papasukin at pagalitan.
Kaya pumunta ako sa guard at nagpaalam kung pwede ba na papasukin sila para kumain kahit na sa isip ko baka di sila payagan kung kilala na sila ng guard. Buti na lang, masayang sinabi ng guard, "Sige po, wala pong problema. Kung yan ang gusto niyo".
Habang kumakain ang dami ko narealize, nakita ko ang isang bata na ngpapaka-ina. Sa kabila na ang mundo ay ngpapakasaya sa diwa ng Pasko, narito sila nakikipagsaparalaran sa buhay. Marami ang mghuhusga kung bakit ganito ang sitwasyon niya.
Ang saya makita na kahit di sila kumpleto, nakuha pa rin nila maging masaya kahit sa kakaunting pagkain na nasa harapan nila. Ang sabi pa nga ni Kyle, Ey, my spaghetti. Ang bawat pagsubo sa kanya ay tunay ang kanyang galak na para bang nagsasabi sana ganito araw araw.
Kaya ngayong Pasko, tumingin tayo sa paligid. Baka may kagaya din nila nangangailangan ng konting atensyon para madama nila na sa hirap ng buhay, meron pa rin maganda na posibleng mangyari.
Ikaw anong kwento mo ngayong Pasko?
Isang hirit, kung ikaw ay blessed, baka pwede ka magbahagi kahit piso. Tingnan natin kung saan abot hanggang magPasko.