Ruizian Aper Media

  • Home
  • Ruizian Aper Media

Ruizian Aper Media The official school-based publication of San Lorenzo Ruiz Senior High School

๐’๐‚๐ˆ๐„๐๐‚๐„ ๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„ | ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐: ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐ž๐ฒ ๐š๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐’๐ฉ๐š๐œ๐ž ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐€๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ฒ ๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐š๐ง๐...
15/08/2025

๐’๐‚๐ˆ๐„๐๐‚๐„ ๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„ | ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐: ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐ž๐ฒ ๐š๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐’๐ฉ๐š๐œ๐ž ๐’๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐€๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ฒ ๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐ˆ๐๐ž๐š๐ญ๐ก๐จ๐ง 2025
By Gian Carlo G. Mariano, Student Delegate, San Lorenzo Ruiz SHS, at Adamson University, August 11-12, 2025.

๐——๐—ฎ๐˜† 1: ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—”๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—บ๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐—ณ & ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

The conference opened with welcoming remarks from Fr. Daniel Franklin E. Pilario and Opening Remarks from Dr. Joel Joseph S. Marciano Jr. The morning session, โ€œSpace Science and Astronomy for Development,โ€ featured insights from physicists like Dr. Reinabelle C. Reyes, who lectured about a "star-gazing and space-faring Philippines," and Dr. Randi-Louis Ballouz, who discussed near-Earth asteroid encounters and planetary defense.

Talks on space situational awareness, cybersecurity in emerging space nations, and the use of CubeSats for education highlighted how space science is becoming an essential part of national development.

Later that afternoon, the theme shifted to โ€œOutreach and Education.โ€ From Ma. Rosario C. Ramosโ€™ discussion on PAGASAโ€™s astronomical services to Mr. Anthony Guillier E. Urbanoโ€™s presentation on low-cost satellite antennae, the speakers showcased how space science can empower local communities and educational institutions.

๐——๐—ฎ๐˜† 2: ๐—”๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—บ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—”๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ต๐˜†๐˜€๐—ถ๐—ฐ๐˜€ - ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜€๐—บ๐—ผ๐˜€

On the second day, the conference took us to the far reaches of the universe with discussions focused on astronomy and astrophysics. Gamma-ray Transients Monitor (GTM) onboard Formosat-8B, delivered by Mr. Hsiang-Kuang Chang, Christopher Goโ€™s insights into how citizen scientists can contribute meaningfully to planetary research. Mr. Christiper Go lectured about a lesson on jupiterโ€™s planetary discoveries and scientific reseaechers. Also a talk from Ms. Kristine Jane Atienza about space nutrition and analog astronauts in the Philippines.

In the final sessions, the keynote speakers talked about black holes, protoplanetary disks, and the search for extraterrestrials topics.

Being part of this national event was truly life-changing.

As a student from San Lorenzo Ruiz SHS, it was an honor to connect with people who are actively building the future of Philippine space science. I left the conference not only with a notebook full of insights and inspiration but with a heart full of dreams.

This experience taught me that space is not just for astronauts or scientists in other countriesโ€”itโ€™s for Filipinos, too. With passion, education, and collaboration, we can be leaders in space research, innovation, and exploration.

๐๐„๐–๐’ | ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ˆ๐ฆ๐š๐ก๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐‡๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฉ๐ž๐ฅ: ๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ข๐ค๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ โ€œIsang bansa, Isang Diwa, Isang Wika....
14/08/2025

๐๐„๐–๐’ | ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ˆ๐ฆ๐š๐ก๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐‡๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฉ๐ž๐ฅ: ๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ข๐ค๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ

โ€œIsang bansa, Isang Diwa, Isang Wika.โ€ โ€” Manuel L. Quezon

Maluwalhating inihandog ng ibaโ€™t ibang departamento sa San Lorenzo Ruiz Senior High School ang makulay at makasaysayan na programang โ€œPalihan sa Pagsulat ng Maikling Kwento" na may temang "Mula Imahinasyon Hanggang Papel: Ang Sining sa Pagsulat ng Maikling Kuwento" para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika kahapon, ika-14 ng Agosto 2025.

Sa pangunguna ng Humanidades at Agham Panlipunan-Filipino, matagumpay na inilunsad ang makabuluhan at makulay na programa. Isinagawa ito ng mga punong tagapagdaloy na sina ginoong Lance Centeno at binibining Paula Dimarukot sa pambungad na Awit Makabayan at Panalangin. Kasunod nito, inanyayahan ang punong g**o ng paaralan na si Gng. Maricris O. Murillo para magbigay ng mensahe para sa pambungad na pananalita, kung saang ibinahagi niya na hindi natin alam kung hanggang saan ang impluwensya ng ating paligid, dahil ang bawat likhang obra ay magkakaroon ng malaking impluwensya kung ito ay makabuluhan at makasaysayan. Dagdag pa niya, โ€œAng inyong mga kwento ay tiyak kong magkakaroon ng kwenta,โ€ isang mensahe na tila napaka simple subalit nag-uusbong ng pagpapahalaga sa kwento ng bawat isang mamamayang Pilipino.

Opisyal na sinimulan ang programa sa malugod na pagpapakilala ng panauhing tagapagsalita para sa programa na si Gng. Mellodine A. Antonio, isang makata, manunulat, at masipag na Education Program Supervisor ng Schools Division ng Rizal. Ito naman ay sinundan sa pamamagitan ng pag sisiwalat sa layunin ng programa na may pamagat na โ€œSining ng Pagsulat ng Maikling Kwento.โ€ Dito ay kaniyang pinakilala kung ano ang maikling kwento, ano ang layunin nito, ang mga bahagi nito at paano makasusulat ng maikling kwento. Ibinahagi rin niya na maaari tayong makasulat kahit na tayo ay nag oobserba, nanunuod at nakikinig lamang, dahil ang bawat pangyayari, kaganapan, at usapan sa ating paligid ay mapaghuhugutan mo ng kwento.

Ayon kay Gng. Antonio, "Wala kang maisusulat kung hindi ka nakikinig, nagbabasa, o nanunuod." Tinalakay din na ang estilo ng pagsusulat ay hindi tiyak o maraming style, mayroon itong mga pagkakaiba depende sa manunulat sapagkat walang dalawang tao na magkaparehong-magkapareho, maaari itong simulan sa mga tauhan, sa wakas o kaya naman ay sa pamagat, ngunit mas madalas sa mga manunulat ang pag sisimula sa pamagat dahil ayon sa isang mag-aaral, โ€œDito po umiikot ang ideya ng buong storya.โ€ Subalit para kay Gng. Mellodine A. Antonio, nagsisimula siya sa wakas dahil ito ay mas madali para sa kaniya. Kasunod nito, kaniya ring ikwinento ang mga pinanggalingan ng mga ideya ng kaniyang mga likha, ayon pa sa kaniya, noon ay nagkaroon ng kaganapan sa kaniyang buhay kung saan siya ay tumigil sa pagsulat dahil sa sinabi ng dalawang tao na inakala niyang dapat na naka-suporta sa kaniya ngunit nagging dahilan upang siya ay panghinaan ng loob at tumigil sa pagsusulat, dito itinuturo ni Gng. Mellodine na huwag natin masyadong pansinin ang sinasabi ng iba tungkol sa atin o hayaan maging ito ang dahilan upang tayo ay tumigil sa paggawa ng mga bagay na gusto natin, bagkus ito dapat ay gawing motibasyon upang lalong pagsikapin ang ating ginagawa.

Binigyang diin din niya na maaari nating gamitin ang karanasan ng iba, pero pwede rin ang sariling karanasan mo upang lumikha ng malikhaing sulatin. Lahat ng ito ay may pinanggagalingan, maaaring isang usapan na iyong narinig sa loob ng jeepney o bus, o kaya naman ay pangyayari na iyong nakita habang ikaw ay nasa labasโ€” lahat ito ay maaaring maging motibasyon, at inspirasyon mo, ngunit mas mahalaga na may bagabag upang makapag-sulat ka ng maikling kwento.

โ€œMakinig ka, mag obserba, may lalabas na maikling kwento.โ€

Sa kalagitnaan ng programa, ipinakilala rin isa-isa ang mga nilimbag na obra ni Gng. Mellodine A. Antonio sa Liwayway. Kasabay nito, ipinaliwanag din kung paano sinisimulan ang Maikling Kwento, kung ano ang mga nilalaman nito at kung paano ito nagwawakas. Nabanggit din niya na mahalaga ang gampanin ng wika sa akda dahil ito ay naka depende sa karakter, sapagkat ayon sa kaniya, โ€œWika ang nagdadala sa kwento mo,โ€ at โ€œKung ikaw ay mayroong malisya sa pagsusulat, ikaw ang mayroong problema.โ€

Sa paglapit ng pagtatapos ng programa, ibinahagi ng panauhin ang ilan sa mga konteksto ng apatnapung mga kwento na inilimbag sa Liwayway Magazine, nag bahagi rin siya ng mga mahahalagang kaalaman sa pagsusulat ng Maikling Kwento (MK), kasunod nito nagkaroon naman ng huntahan tanong-sagot upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na humingi ng mga karagdagang kaalaman na nanggaling sa mahusay na panauhin, na siyang sinundan ng hibla ng kaisipan upang dito naman ibahagi ang mga natutunan ng bawat kalahok mula sa nasabing programa: Sining ng Pagsulat ng Maikling Kwento.

โœ๏ธ: Gwyneth Bonifacio
๐Ÿ“ท: Gian Carlo Mariano

14/08/2025

๐—š๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ: ๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„, ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Kahapon, ika labing-tatlo ng Agosto, dalawang libo dalawampu't lima, naganap ang patimpalak sa sayawan na pinamagatang "Galaw Bayan 2025, Sayaw-Wika at Kamalayang Pang-Kasaysayan" na isinagawa sa loob ng San Lorenzo Ruiz Elementary Court para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pakikipag-koordina sa departamento ng Physical Education. Ang mga seksyon ng mga mag-aaral sa baitang labindalawa ay nagtanghal upang ihatid ang kanilang pagmamahal sa kulturang Pilipino at wika at maipakita ang mga elemento ng pagsasayaw.

๐๐„๐–๐’ | ๐—š๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ: ๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„, ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ปUmindak ang mga kalahok sa matagumpay na patimpalak...
13/08/2025

๐๐„๐–๐’ | ๐—š๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ: ๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„, ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Umindak ang mga kalahok sa matagumpay na patimpalak sa larangan ng pagsasayaw ngayong Miyerkules, Agosto 13, 2025, sa Covered Court ng San Lorenzo Ruiz Elementary School.

Kabilang sa mga kalahok ang mga mag-aaral ng Grade 12 na buong husay na nagpakitang-gilas sa kanilang talento at kasanayan sa sayaw, dala ang temang may kaugnayan sa wika at kamalayang pangkasaysayan. Ang paligsahan ay sinuri at hinusgahan ng mga propesyonal at iginagalang na punong-g**o mula sa ibaโ€™t ibang paaralan.

Matapos ang mahigpit na laban, itinanghal ang mga nagwagi:

๐Ÿ† ๐‚๐‡๐€๐Œ๐๐ˆ๐Ž๐: ๐—›๐—จ๐— ๐—ฆ๐—ฆ ๐Ÿฌ๐Ÿฏ
๐Ÿฅˆ ๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ-๐—จ๐—ฃ: ๐—›๐—จ๐— ๐—ฆ๐—ฆ ๐Ÿฌ๐Ÿฐ
๐Ÿฅ‰ ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ-๐—จ๐—ฃ: ๐—›๐—จ๐— ๐—ฆ๐—ฆ ๐Ÿฌ๐Ÿญ

Natapos ang paligsahan bandang 4:09 PM, na nag-iwan ng kasiyahan at inspirasyon sa mga kalahok at manonood. Hindi pa rito nagtatapos ang kasiyahan sapagkat susunod namang sasabak ang mga mag-aaral ng Grade 11 sa isang Theater Play Performance na gaganapin sa paparating na Biyernes, Agosto 15, 2025.

๐™‹๐™–๐™™๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐™๐™ช๐™ž๐™ฏ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™จ!

Isinulat ni Raiden Albrecht Calderon Sumang
Mga Litrato mula kay Rey C. Ferrer Jr.

๐๐„๐–๐’ | ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒMatagumpay na isinagawa at inilunsad ang pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong araw, Agosto ...
12/08/2025

๐๐„๐–๐’ | ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Matagumpay na isinagawa at inilunsad ang pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong araw, Agosto 12, 2025. Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."

Ang paglulunsad ay pinangunahan ng Departamento ng Filipino, sa pangunguna ng tagapag-ugnay nito na si Gng. Teresa Abbygail Dela Paz. Bilang panimula, sinimulan ito ng mga punong tagapagdaloy na sina Nico Charl Cantorna at Lance Centeno. Nagbigay naman ng pambungad na mensahe ang punong-g**o ng San Lorenzo Ruiz Senior High School, Gng. Maricris O. Murillo, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng wika sa pagkakaisa. Aniya, "Ang wika ay mahalaga para sa pagkakaisa," isang simpleng kataga ngunit malalim ang kahulugan at bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Bago pa man ang opisyal na pagbubukas, naghandog muna ng masiglang pagtatanghal ang Bandang Kaliwa ng Coro de San Lorenzo, na nagbigay-sigla sa mga manonood at nagpa-init ng entablado para sa mga susunod na gawain.

Kasunod nito, inilunsad din ang Slogan Making Contest, isa sa mga tampok na programa ng Departamento ng Filipino. Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng San Lorenzo Ruiz SHS na maipakita ang kanilang galing at pagkamalikhain sa larangan ng sining. Ang patimpalak ay ginabayan nina G. Leonelle Casimiro at Gng. Teresa Abbygail Dela Paz.

Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang isang selebrasyon ng ating kultura at tradisyon, kundi isa ring paalala ng tungkulin nating pangalagaan at pagyamanin ang wikang Filipino.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™–, ๐™๐™ช๐™ž๐™ฏ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™จ!

Isinulat ni Francis Ann Abarca
Mga Litrato mula kay Janine Angel Mergal Tiban

๐Š๐€๐’๐€๐‹๐”๐Š๐”๐˜๐€๐๐† ๐†๐ˆ๐๐€๐†๐€๐๐€๐ | Ngayong araw, Agosto 12, 2025, ay ginaganap ang pagbubukas ng Buwan ng Wika 2025 sa San Lorenzo...
12/08/2025

๐Š๐€๐’๐€๐‹๐”๐Š๐”๐˜๐€๐๐† ๐†๐ˆ๐๐€๐†๐€๐๐€๐ | Ngayong araw, Agosto 12, 2025, ay ginaganap ang pagbubukas ng Buwan ng Wika 2025 sa San Lorenzo Ruiz Senior High School na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."

๐Ÿ“ฃ๐—ฅ๐—จ๐—œ๐—ญ๐—œ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | ๐™Ž๐™๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™š๐™ฃ๐™š๐™™ ๐˜พ๐™ก๐™–๐™จ๐™จHeads up, Ruizians! We'll follow a shortened class schedule tomorrow, August 06, ...
05/08/2025

๐Ÿ“ฃ๐—ฅ๐—จ๐—œ๐—ญ๐—œ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | ๐™Ž๐™๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™š๐™ฃ๐™š๐™™ ๐˜พ๐™ก๐™–๐™จ๐™จ

Heads up, Ruizians! We'll follow a shortened class schedule tomorrow, August 06, 2025 to give way for the faculty meeting.

๐—•๐—”๐——๐— ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก ๐—ง๐—ฅ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | ๐™„๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™–, ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™– "๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ค๐™ค๐™ฃ"๐˜ž๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต'๐˜ด ๐˜ถ๐˜ฑ ๐˜™๐˜ถ๐˜ช๐˜ป๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด!Ready na ba kayo sa challenge?Oo na, the long...
04/08/2025

๐—•๐—”๐——๐— ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก ๐—ง๐—ฅ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | ๐™„๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™–, ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™– "๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ค๐™ค๐™ฃ"

๐˜ž๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต'๐˜ด ๐˜ถ๐˜ฑ ๐˜™๐˜ถ๐˜ช๐˜ป๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด!
Ready na ba kayo sa challenge?
Oo na, the long wait is over, andito na 'to, legit pa sa legit!
Open Badminton Tryouts are finally here!

Totoo na to para sa lahat ng students na gustong i-represent ang school sa court.
Nasa baba na ang important details so 'wag na itong palampasin pa!

If you feel na kaya mong mag-smash, mag-sprint, at mag-shine sa court?
Ilabas na ang pagiging sporty mo, tara naโ€™t sumali!
Pak na pak โ€˜to, show us what you've got!

Soโ€ฆ
What are you waiting for?
๐บ๐‘’๐‘ก โ„Ž๐‘ฆ๐‘๐‘’๐‘‘, ๐‘๐‘Ÿ๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘’๐‘›๐‘’๐‘Ÿ๐‘”๐‘ฆ, ๐‘Ž๐‘›๐‘‘ ๐‘™๐‘’๐‘ก ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ โ„Ž๐‘ข๐‘ก๐‘ก๐‘™๐‘’ ๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘ก๐‘™๐‘’ ๐‘๐‘’๐‘”๐‘–๐‘›!

Isinulat ni Rovic Castillo
๐Ÿ–ผ๏ธ ni John Michael Jacob

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜, ๐˜ฟ๐™Š๐™‰ ๐™‹๐™Š๐™’๐™€๐™‡๐™‡! ๐ŸŽ‰โ€Žโ€ŽTo one of our 'Patnugot sa Radio Broadcasting' who celebrates his birthday today, August ...
04/08/2025

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜, ๐˜ฟ๐™Š๐™‰ ๐™‹๐™Š๐™’๐™€๐™‡๐™‡! ๐ŸŽ‰
โ€Ž
โ€ŽTo one of our 'Patnugot sa Radio Broadcasting' who celebrates his birthday today, August 4, 2025, the Ruizian Aper Media Family warmly greets Don Powell Patola a very Happy Birthday!
โ€Ž
โ€ŽThank you for your effort in bringing stories that matters with persistence and hardwork. Every line has brought light and continues to inspire hearts who aspires in the field of Broadcasting.
โ€Ž
โ€ŽContinue to be the voice of truth for the people. May the year ahead bring an abundance of joy, hope and
โ€Ždetermination as you continue to shape your future.
โ€Ž
โ€Ž๐˜—๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ!

03/08/2025

47๐“๐‡ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค | ๐‘ญ๐’Š๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’…๐’† ๐‘ช๐’‰๐’‚๐’• ๐’๐’ ๐‘ฐ๐’๐’„๐’๐’–๐’”๐’Š๐’—๐’Š๐’•๐’š ๐‘จ๐’˜๐’‚๐’“๐’†๐’๐’†๐’”๐’”

Bilang bahagi ng Ika-47 National Disability Rights Week, isinagawa ang Fireside Chat on Inclusivity Awareness noong Agosto 1, 2025 sa San Lorenzo Ruiz Elementary School Covered Court. Layunin ng aktibidad na palalimin ang pag-unawa sa mga isyu ng mga taong may kapansanan at isulong ang inklusibong pag-unlad.

Tampok sa programa ang mga makabuluhang diskusyon at karanasan mula sa mga tagapagsalita. Ipinapakita nito ang pangakong pagtindig para sa pantay-pantay na oportunidad para sa lahat. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa isang mas inklusibo at makataong pamayanan.

Isinulat ni Rovic Castillo
๐ŸŽ™๏ธ nina Lance Centeno and Meera Ragojos
๐ŸŽฅ ni Sean Elijah Espinosa

๐”๐๐‚๐€๐“ 2026 ๐‚๐”๐“๐ˆ๐„: ๐†๐Ž๐Ž๐ƒ๐‹๐”๐‚๐Š, ๐”๐๐‚๐€๐“ ๐“๐€๐Š๐„๐‘๐’! ๐Ÿ“ฃ ๐™ƒ๐™€๐™‡๐™‡๐™Š, ๐™๐™‹!!! ๐™๐™‰๐™„๐™‘๐™€๐™๐™Ž๐™„๐™๐™” ๐™Š๐™ ๐™๐™ƒ๐™€ ๐™‹๐™ƒ๐™„๐™‡๐™„๐™‹๐™‹๐™„๐™‰๐™€๐™Ž, โ€™๐™€๐™๐™Š ๐™‰๐˜ผ โ€™๐™†๐™Š!!! ๐Ÿ—ฃ๏ธโœจThe long wait ...
01/08/2025

๐”๐๐‚๐€๐“ 2026 ๐‚๐”๐“๐ˆ๐„: ๐†๐Ž๐Ž๐ƒ๐‹๐”๐‚๐Š, ๐”๐๐‚๐€๐“ ๐“๐€๐Š๐„๐‘๐’!

๐Ÿ“ฃ ๐™ƒ๐™€๐™‡๐™‡๐™Š, ๐™๐™‹!!! ๐™๐™‰๐™„๐™‘๐™€๐™๐™Ž๐™„๐™๐™” ๐™Š๐™ ๐™๐™ƒ๐™€ ๐™‹๐™ƒ๐™„๐™‡๐™„๐™‹๐™‹๐™„๐™‰๐™€๐™Ž, โ€™๐™€๐™๐™Š ๐™‰๐˜ผ โ€™๐™†๐™Š!!! ๐Ÿ—ฃ๏ธโœจ

The long wait is over, the UP College Admission Test (UPCAT) will officially take place this weekend, August 2โ€“3, 2025! Over 140,000 hopefuls are expected to take the exam, taking the challenge as a quiet revolution of young minds daring to step foot into a university that has long stood as a symbol of hope, resistance, and nationhood.

This isnโ€™t just a testโ€”itโ€™s the first step toward becoming part of a university where the everyday Filipino may sit beside brilliance, where activism thrives, where education is free but never shallow, and where the Oblation stands as a quiet, burning reminder that it doesnโ€™t merely raise its arms in surrender but in service.

The gates of this university are not just being opened to you. They are waiting for someone like you who possesses the spirit of being an Iskolar ng Bayan. UP calls not just the brightest, but the braveโ€”those who dream not only of success, but of significance. Those whose hearts beat for something far greater. And those who carry in their souls the burden and beauty of the country they vow to serve.

So to all aspiring Iskolar ng Bayan: May your tarot cards, pamahiin, lucky pencils, and hard work align this weekend. But more than thatโ€”may your grit, purpose, and love for the nation shine through.

To help you get ready, here are your UPCAT Essentials:
๐Ÿ“Œ Test Permit
๐Ÿ“Œ Valid School ID or Government-issued ID
๐Ÿ“Œ 2 No. 2 Pencils + Eraser
๐Ÿ“Œ Snacks + Water
๐Ÿ“Œ Arrive at least 30 minutes early
๐Ÿ“Œ Lucky charm
๐Ÿ“Œ a strong prayer

This is not just about getting into UP. Itโ€™s about chasing a dream, fighting for a future, and becoming the kind of student who studies not just for oneself but for the country.

"๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐š๐ง๐ . ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ. ๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ค๐จ๐ญ ๐ค๐š๐ก๐ข๐ญ ๐ค๐š๐ง๐ข๐ง๐จ. ๐‡๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐ -๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐š๐ฆ๐ข ๐ฆ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐ฎ๐ฅ๐ขโ€”๐ ๐š๐ง๐ข๐ฒ๐š๐ง ๐ค๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐š๐ ๐š-๐”๐!'

Good luck, future Iskolar ng Bayan. ๐‹๐š๐ ๐ข'๐ญ ๐ฅ๐š๐ ๐ข ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง.

Written by Felicity Jane Roque
๐Ÿ–ผ๏ธ by Rey Ferrer

๐๐„๐–๐’ | ๐‘ญ๐’Š๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’…๐’† ๐‘ช๐’‰๐’‚๐’• ๐’๐’ ๐‘ฐ๐’๐’„๐’๐’–๐’”๐’Š๐’—๐’Š๐’•๐’š ๐‘จ๐’˜๐’‚๐’“๐’†๐’๐’†๐’”๐’”Sa pagdiriwang ng Ika-47 National Disability Rights Week, isinagawa ang isa...
01/08/2025

๐๐„๐–๐’ | ๐‘ญ๐’Š๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’…๐’† ๐‘ช๐’‰๐’‚๐’• ๐’๐’ ๐‘ฐ๐’๐’„๐’๐’–๐’”๐’Š๐’—๐’Š๐’•๐’š ๐‘จ๐’˜๐’‚๐’“๐’†๐’๐’†๐’”๐’”

Sa pagdiriwang ng Ika-47 National Disability Rights Week, isinagawa ang isang Fireside Chat on Inclusivity Awareness sa San Lorenzo Ruiz Elementary School Covered Court ngayong Agosto 1, 2025, na naglalayong magkaroon ng inobasyon para sa pagkakaisa at pagbuo ng inkusibong pamayanan.

Sa pamumuno at inisyatibo ng SNED Coordinator na si Gng. Katherine J. Guevarra, matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang programa na tumalakay sa mga suliraning kinakaharap ng mga taong may kapansanan at sa kanilang mga karapatan bilang mga indibidwal na madalas ituring na "naiiba." Kasama sa programang ito sina Don Powell Patola at Trinah Alexie Bautista bilang mga tagapagdaloy.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang maramdaming makabayang awitin na isinayaw nina Diana at Charles Vincent Rosario, mga mag-aaral mula sa Special Education (SNED). Pormal namang binuksan ang programa ni Gng. Guevarra, na nagbigay-diin sa kahalagahan at layunin ng pagtitipong ito. Pagkatapos ay isa isang ipinakilala ang mga panauhing tagapagsalita sa nasabing programa na sina G. Clarence Manago Cruz, G. Karl Jezrel D. Anglo, at Bnb. Carla Franchesca Nobleza. Kasunod nito ay binigyan sila ng ilang mga katanungan na kanilang sinagot at binigyang paliwanag na kung saan ay nanggaling mismo sa kanilang personal na karanasan bilang bahagi ng mga indibidwal na bahagi ng Person With Disability (PWD). Sa bansag na mga taong may "Special Needs" dito ay iisa lamang ang kanilang mga nais iparating, ito ay ang wakasan ang pagtawag sakanila ng ganito at itigil ang hindi magandang pag tingin sakanila. Nais nilang tanggapin ng bawat indibidwal kung ano at sino sila bilang isang tao. Nais nilang makita sila ng lipunan bilang isang tao na may sariling kakayahan at normal na tao lamang, at nais nilang maramdaman na hindi sila naiiba sa mga taong walang kapansanan. Binigyang diin din nila ang ilan sa mga maling akala ng ilan sa mga indibidwal ng lipunan. Isa na rito ay ang binanggit ng panauhing tagapagsalita na si G. Karl Jezrel Anglo na may kondisyon na Visually Impaired na kung saan ay sila ay hinuhusgahan na masahista ang trabaho sa kadahilanang may problema lamang sa kaniyang pagtingin, "Ay bulag yan, masahista agad ang trabaho nito" aniya. Ayon kay G. Anglo ay marapat lamang na lawakan natin ang ating isipan pag dating sa usaping mga hindi kayang gawin ng ibang tao. "There's nothing special about the tools that we are using, it's just an alternative," dagdag pa ni G. Anglo.

Bago matapos ang programa ay binigyang pagkakataon ang ilang mga mag-aaral upang magtanong sakanila na siyang sasagutin naman ng mga panauhing tagapagsalita sa paraang kanilang alam at base sa kanilang karanasan. At pormal na tinapos ang programa ni Gng. Katherine J. Guevarra

Sa kabuoan, marapat lamang na ituring na pantay-pantay ang bawat indibidwal sa ating lipunan. Maaaring para sa iba ay sila ay mayroong mga bagay na hindi kayang gawin, ngunit kadalasan ito pa ang kanilang nagiging instrumento para maging malakas at para maging isang matagumpay na indibidwal. Ang ating kahinaan ay maaari natin gamitin upang maging tulay na siyang mag hahatid sa atin sa itaas upang maging matagumpay.

Isinulat ni John Michael Jacob
Litrato mula kay Sean Elijah Espinosa

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ruizian Aper Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share