26/02/2025
PINAKASIKAT NA PINOY SA SOCIAL MEDIA
Inilabas ng Facebook group na Kapamilya Universe ang listahan ng "12 Most Followed Filipino Celebrities."
Pinagbasehan nito ang pinagsama-samang bilang ng mga followers, viewers at subscribers sa Facebook, Instagram, YouTube, X (dating Twitter), at TikTok ng mga Pinoy personalities.
Nangunguna sa listahan si Ivana Alawi na mayroong 62.1 milllion followers na sinundan nina Vice Ganda (60.8 million), Anne Curtis (55.4 million), Andrea Brillantes (54 million), Zeinab Harake (53.9 million), Raffy Tulfo (52.3 million), Alex Gonzaga (49.8 million), Angel Locsin (47.1 million), Marian Rivera (41.7 million), Kim Chiu (40.3 million), Kathryn Bernardo (37.5 million) at Heart Evangelista (31.4 million).
"Salamat sa inyo zebbies ko," ani Zeinab nang malaman na nasa ikalimang puwesto siya. "Sobrang thankful ko."
"Suportahan at mahalin natin ang lahat. Tayong mga Filipino ang maghilahan pataas," dagdag niya.
Binati rin ni Zeinab ang lahat ng mga kasama sa listahan. "Congratulations guys."
(Kapamilya Universe/Facebook)