29/04/2023
INABANDONANG SUGATANG NPA, TINULUNGAN NG MGA KASUNDALUHAN
Isang pagpapatunay na ang ating mga kasundaluhan ay MAKATAO, taliwas sa mga binabato ng mga makakaliwang grupo na ang mga sundalo ay Berdugo. Patunay din lamang na ang komunistang teroristang grupo na CPP-NPA at NDF ay walang pahalaga sa bawat kasapi higit sa lahat ay walang pagpapahalaga at pagbibigay-galang sa sagradong buhay ng tao.
Noong ika-26 ng Abril 2023, ayon kay LTC ANTONIO P YAGO, pinuno ng 4th Infantry batalyon, may mga impormasyon silang natatanggap mula sa residente ng Brgy. Sta. Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro tungkol sa presensya ng miyembro ng NPA sa kanilang komunidad at dun na mismo na tagpuan ang dalawang sugatang personalidad.
Kinalala ang mga ito na sina MARY JOYCE LIZADA , na may katungkulan bilang Regional Staff ng Southern Tagalog Regional Party Commitee, at si Arnulfo Aumentado ALYAS ARYO na siya namang KT/KH o Komiteng Tagapagpaganap/ Kalihiman ng SRMA-4D, Pangalawang Kalihim ng KLG MAV at P4/GP o Logistics and Finance/ Giyang Pampulitika ng Platun Serna, KLG MAV sa Isla ng Mindoro. Napagalaman na ang dalawa ay mga organizer ng Mangyan communities upang makukuha ng suporta sa isinusulong na rebolusyon para lumaban sa gobyerno at magbuwis ng buhay para sa kanilang walang kabuluhang idelohiya.
Nagtangka pang dumampot ng kaniyang baril si Mary Joyce Lizada ALYAS LUOISE nang abutan sila ng mga sundalo samantalang nagtangka ding tumakas si Arnulfo Aumentado ALYAS ARYO sa pamamagitan ng pag-tiger jump sa masukal at mabatong bahagi ng gubat. Dahil dito ay nauntog ang ulo ni Arnulfo Aumentado ALYAS ARYO na naging sanhi ng kaniyang mga natamong sugat sa mata at pagkabali ng kaniyang kanang kamay. Nakuha sa kanila ang dalawang matatas na kalibre ng baril, mga magazine na may lamang iba’t ibang bala, gamit pampasabog, at iba pang mga subersibong mga dokumento.
Matatandaan kamakailan lang ang malaghim na pagdakip, pagpapahirap at pagpatay sa ating kapatid na sundalong Mangyan na si Private Mayuay Onaw na kabilang sa tribung Buhid na walang awang pinahirapan at pinatay sa hindi makataong pamamaraan ng komunistang teroristang grupo. Kung titignan o susumain, taliwas sa prinsipyo ng rebolusyon o pagiging makabayan ang ginawang pagpatay sa Kapatid nating mangyan na tanging nais ay maunlad ang mga komunidad. Ang mga NPA ay mga berdugo at may hindi matatawarang sakim na prinsipyo ng mga komunista pagiisip. Hindi sila progresibo bagkus ay mga pahirap at hadlang sa tunay na pagbabago ng lipunan.
Ngunit sa kabilang banda, ang mga kasundaluhan ay muling pinatunayan ang pagiging makatao sa pamamagitan ng pagtulong sa dalawang sugatang rebelde, nilapatan ng mga kasundaluhan ang mga ito ng paunang lunas at isinugod agad sa Army Station Hospital kung saan sila ay inasikaso naman ng mga sundalong nurse at doctor doon.
Gustong iparating ni BGEN RANDOPLH G CABANGBANG PA, pinuno ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade, na ang ating mga kasundaluhan ay tunay na maaasahan at mapagkakatiwalaan kung kaya’t hinihimok nya ang iba pang miyembro ng Teroristang Grupo na nais nang bumaba at sumuko upang muling makasama na ang kanilang mahal sa buhay, ipinapangako nang ating gobyerno ang mga beniopisyong makukuha nito sa loob ng Enhance Comprehensive Livelihood integration Program o E-CLIP.