
06/02/2023
UNANG AETA NA PUMASA SA CRIMINOLOGY LICENSURE EXAMINATION ✨👮♂️
Isang karangalan ang ipinamalas ni Dexter Santos Valenton, 23, para sa mga kapwa niya katutubong Aeta matapos itong pumasa sa Criminology Board Examination kamakailan.
Batay sa record ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD), si Valenton ang kauna-unahang Aeta na pumasa sa nasabing licensure examination.
Si Valenton ay iskolar sa Central Luzon College of Science and Technology College sa San Fernando, Pampanga at nakapagtapos noong July 2022.
Bukod dito, siya lamang ang nag-iisang naka-graduate sa kolehiyo at board passer sa kanilang pamilya.
CONGRATULATIONS, DEXTER! 🎉
📸 Governor Dennis “Delta” Pineda; Dexter Valenton