10/08/2025
90s babies core memory talaga Ang Pixie Forest and I'm lucky my kwentong Pixie Din Ako Nung Bata. Malinaw pa sa alaala ko na sumakay kami ng pinsan ko sa Elfin waves ride pero ung mismong pagbagsak na lang. Siguro ganon tlga Ang mga alaala, hapyaw na lang - hindi na buo. Ang mahalaga, meron.
Sabi sa pag-aaral, 4 years old daw ang isang Bata para makaalala ng mga pangyayari sa kanyang pagkabata. Ngayon ay 1 pa lang si Coco. Tanggap kong di nya talaga to matatandaan, pero kahit ganon, photos and videos ang magreremind sa kanya na "oo anak, nkapunta ka Jan. Natry mo yan".
Hindi first time ni Coco sa pixie. Siguro'y pangatlo o pang apat nya na to pero ang pinakalatest update ay takot na SI Coco sa mga Puno dito (creepy Naman talaga, aba punong nakasmile 😅). Pero Ang dating nonchalant lang na baby, nakahiga sa stroller, naaliw sa mga bagong nakikita. Ngayon, wala ng stroller, matulin na din maglakad (ay takbo na ata) pero natatakot na, may mga gusto at hindi gusto (mapili na). Mga pagbabagong sign talaga na lumalaki na ang baby ko 🥹🥲