The Torch by UP APSM

  • Home
  • The Torch by UP APSM

The Torch by UP APSM Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Torch by UP APSM, Newspaper, .

Balik Tanaw 2025 Series  #01 (April)Balik Tanaw Series of The Torch—the official publication of UP APSM is a monthly run...
15/05/2025

Balik Tanaw 2025 Series #01 (April)

Balik Tanaw Series of The Torch—the official publication of UP APSM is a monthly rundown of the previous month’s key political events. With the challenge of a fast-paced society overwhelmed by the constant stream of relevant political news in the Philippines, Balik Tanaw underlines the essential news Filipinos need to know.

April 2025 Highlights:

1. POPE FRANCIS’ FUNERAL
2. SANDY CAY FLAGS DISPUTE: PHILIPPINES VS. CHINA
3. PHP 20 RICE PROGRAM: A PROMISE OR PROPAGANDA?
4. PRESIDENT MARCOS JR ORDERS PROBE INTO FOREIGN ELECTION INTERFERENCE

The Balik Tanaw Series for the month of April has been written and organized by UP APSM Applicants Batch PBB Housemates.

References:
Agence France-Presse, & Agence France-Presse. (2025, April 26). Trump, Zelensky meet on sidelines of pope’s funeral. Daily Tribune. https://tribune.net.ph/2025/04/26/trump-zelensky-meet-on-sidelines-of-popes-funeral-2

Cabardo, R. Jr. (2024, April 23). DA to roll out P20 rice program in Visayas. Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/da-to-roll-out-p20-rice-program-in-visayas/

Cabato, L. (2025, April 8). Palace: Aside from Cebu, P20/kg rice rolls out at Kadiwa Centers. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/2056446/palace-aside-from-cebu-p20-kg-rice-rolls-out-at-kadiwa-centers

Cleary, O. (2025, April 26). Trump publicly calls out Putin after meeting with Zelensky at Pope Francis’ funeral. TIME. https://time.com/7280640/president-trump-zelensky-meeting-pope-francis-funeral-russia-conflict-talks/

De Santos, J. (2025, April 24). DA promises quality P20/kg rice; farmers say program is
'poll gimmick'. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/business/2025/4/24/da-promises-quality-p20-kg-rice-farmers-say-program-is-poll-gimmick-1832

Espiritu, R. (2025b, April 28). Philippines asserts sovereign rights over Sandy Cay. Manila Standard. https://manilastandard.net/news/314583775/philippines-asserts-sovereign-rights-over-sandy-cay.html

Flores, Helen. (2025, April 27). Marcos joins world leaders, multitude of mourners at pope’s funeral. The Philippine Star. https://www.philstar.com/headlines/2025/04/27/2438684/marcos-joins-world-leaders-multitude-mourners-popes-funeral

Gallaga, M. G. (2025, April 30). Tackling foreign interference. Inquirer.Net. https://opinion.inquirer.net/182841/tackling-foreign-interference

Gill, D. M. (2025, April 29). China’s ‘seizure’ of Sandy Cay: Can the Philippines push back? ThinkChina - Big Reads, Opinion & Columns on China. https://www.thinkchina.sg/politics/chinas-seizure-sandy-cay-can-philippines-push-back?ref=home-latest-articles

Gita-Carlos, R. A. (2025, April 23). P20/kilo price goal for rice now a fulfilled promise – PBBM | Philippine News Agency. Pna.gov.ph. https://www.pna.gov.ph/articles/1248604

Horowitz, J., Romero, S., Robles, F., Mega, E. R., Villegas, P., Romero, T., Clarke, C., Bubola, E., Agrawal, N., Boada, A., Alcoba, N., Herrera, L. C., Politi, D., Ndebo, G., Stack, L., Povoledo, E., Pager, T., Graham, R., Minsberg, T., . . . Brown, C. (2025, April 24). World pays tribute to Pope Francis. The New York Times. https://www.nytimes.com/live/2025/04/21/world/pope-francis-updates-vatican

Lagare, J. B. (2025, April 24). Rice to be sold at P20/kg in the Visayas, says agri chief. INQUIRER.net.https://business.inquirer.net/521227/rice-to-be-sold-at-p20-kg-in-the-visayas-says-agri-chief

Laqui, I. (2025, April 27). Marcos attends Pope Francis’ funeral as a 'gesture of deep respect'. The Philippine Star. https://www.philstar.com/headlines/2025/04/27/2438778/marcos-attends-pope-francis-funeral-gesture-deep-respect

Lema, K., & Petty, M. (2025, April 26). Philippine president orders probe into alleged foreign interference in elections. Reuters. https://www.reuters.com/world/asia-pacific/philippine-president-orders-probe-into-alleged-foreign-interference-elections-2025-04-25/

Maralit, K., & Fuentes, K. J. (2025, April 29). P20/kilo rice program starts on May 1. The Manila Times. https://www.manilatimes.net/2025/04/29/news/national/p20kilo-rice-program-starts-on-may-1/2100836

Moritsugu, K., & Cerojano, T. (2025, April 28). China and Philippines use their flags to stake out competing claims in the South China Sea. AP News. https://apnews.com/article/china-philippines-south-china-sea-sandy-cay-e3ca897787efa03b34459c1e00b93ce6

Ombay, G. (2025, April 25). Sara Duterte says P20/kg rice now ‘too late’. GMA News
Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/943905/sara-duterte-says-p20-kg-rice-now-too-late/story/

Palaubsanon, M., Antojado-Orillaneda, L. P., & De Dios, K. (2025, April 29). P20/kilo rice rollout ready. Philstar.com; The Freeman. https://www.philstar.com/the-freeman/cebu-news/2025/04/29/2439156/p20kilo-rice-rollout-ready

South China Morning Post. (2024, January 21). Philippines to slash rice prices by half to aid voters amid May election campaign. https://www.scmp.com/news/asia/southeast-asia/article/3308358/philippines-slash-rice-prices-half-aid-voters-amid-may-election-campaign

Vatican News. (2025, April 21). Pope Francis has died on Easter Monday aged 88. Vatican News. https://www.vaticannews.va/en/pope/news/2025-04/pope-francis-dies-on-easter-monday-aged-88.html

To Fund or Not to Fund? by UP APSM Batch BejeweledRecently, the House committee on banks and financial intermediaries ap...
09/01/2023

To Fund or Not to Fund?
by UP APSM Batch Bejeweled

Recently, the House committee on banks and financial intermediaries approved House Bill No. 6398, otherwise known as the Maharlika Wealth Fund bill. The bill has sparked controversy among the public regarding its necessity and efficiency. Some have also voiced out their skepticism about the newly introduced house bill. But what should we know about MWF, and why should we be against it?

What is the Maharlika Wealth Fund?

The proposed Maharlika Wealth Fund (MWF) is a sovereign wealth fund (SWF) that aims to invest in high-end national development projects and assets that would raise revenues and maximize the profitability of state assets. Sovereign wealth funds are usually acquired from a country's excess wealth and surplus reserves, carried out with the purpose of enhancing sustainable growth.

However, in the case of the MWF, and as proposed by Speaker Ferdinand Martin Romualdez, with the hand of the President's son, Sandro Marcos, the start-up capital will be derived from government pension funds and banks.

Initially, HB No. 6398 called for a total of P 275 billion tol be gathered from the national budget and government financial institutions (GFIs) such as GSIS, SSS, Land Bank, and DBP. Additionally, annual contributions to the fund will be expected from BSP, PAGCOR, the national government, and taxes from natural resources and public borrowings.

There is still no detailed outline concerning the projects the MWF will invest in. It is implied that the Maharlika Wealth Fund Corporation (MWFC), a government established by the bill, will have the power to determine the assets and projects the fund will invest in. Its board of directors includes the President of the Philippines as chairman and representatives of the GFIs as board members. They will be responsible for managing the combined capital from GFIs that will be utilized for investing in intensive projects that may acquire high returns.

Nevertheless, the bill raised plenty of concern among various senators and lawmakers, including Senators Joel Villanueva, Chiz Escudero, Aquilino Pimentel, and Imee Marcos. Its potential to expose pensioners to high risks and its lack of solid management safeguards are especially unnerving. Reinforcing this notion, Senate President Miguel Zubiri asked a select group of senators to scrutinize and study the proposal meticulously.

Echoing this point of view, the MWF also received criticisms from the public, specifically the teachers who contribute and receive pensions from the Social Security System (SSS) and Government Service Insurance System (GSIS).

Last Monday, Bayan Muna Partylist members, together with the Alliance of Concerned Teachers, rallied in protest of the MWF. They were concerned that investing in the MWF would endanger their contributions to SSS and GSIS. Thankfully, due to public clamor against utilizing funds from pension systems, Sandro Marcos confirmed the recent removal of SSS and GSIS as sources of funding in the bill. However, the fact that some lawmakers brazenly considered appropriating funds from pension systems ultimately raises the specter of misguided policy making.

During a public consultation, ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, expressed their disapproval of the bill, arguing that it will only burden them. Aside from paying taxes on oil and basic commodities, the public will lose Php 50 Billion. ACT Spokesperson, Ruby Bernardo also voiced their concern regarding the different laws and tax exemptions of the MWF.

Aside from the Philippines, other countries have developed and explored a sovereign wealth fund. The China Investment Corp, which manages equity and infrastructure investment overseas, is one of the most successful sovereign wealth funds in the world with $1.2 trillion in assets. CIC Capital, a subsidiary of the corporation, attained 19.5 Billion of investments since 2019 through Tank & Rast in Germany and the Kumport container terminal in Turkey. In the previous year, CIC restructured its operations by allowing both CIC International and CIC Capital to collectively oversee investments; these two subsidiaries are guided by two committees to manage public and non-public assets.

On the other hand, Middle East sovereign wealth funds experience subpar performance in their investments caused by the mishandling of public funds and governance issues. Qatar Investment Authority, Abu Dhabi Investment Authority, and Kuwait Investment Authority all suffer from data disclosure issues. In Southeast Asia, Malaysia’s sovereign wealth fund succumbed to transparency issues and corruption scandals in 2020.

Why the MWF isn’t appropriate - for now

Most SWFs are financed by excess money or surplus foreign reserves, usually present in countries with huge (commonly natural resource based) export-oriented industries. Such is the case in Norway, where its Government Pension Fund Global (a SWF) is capitalized by the nation’s surplus revenues in the petroleum sector. Non-commodity SWFs, such as Singapore’s GIC, rely not on any particular commodity to capitalize their funds, but rather trade surpluses that can be reflected in the national balance of payments, specifically the current account. Essentially, the current account reflects the net flow of money going in and out of the country: a current account surplus meaning more money flows into, rather than out of, the country. When this happens, a country is a net lender globally, meaning it can afford to invest excess reserves in other countries.

This is not the case in the Philippines. Neither do we have huge export-oriented industries that generate surplus revenues, nor do we have more money flowing into, rather than out of, the country. This is the very reason why in HB 6398, MWF’s initial funding requirements are to be appropriated from existing state financial institutions. Such action contradicts the very purpose of SWFs to invest surplus money, that of which the country does not have at the moment. Unless the country registers a significant current account surplus and/or has surplus revenues in export-oriented industries, it simply is not sustainable nor prudent to have a SWF.

Furthermore, upon looking at the Philippines’ current fiscal context, diverting foreign reserves away from the BSP seems counterproductive. It can be recalled that earlier this year, the dollar to peso (USD - PHP) exchange rate reached an all-time low of PHP 59 : $1. To combat the strong depreciation of the peso, the BSP utilized some of its foreign reserves, spending at least $12 Billion this past year in foreign exchange markets to bring up the value of the peso. Such actions, while warranted, have led to a consecutive decrease in the BSP gross international reserves (GIR) from the record $110 Billion in December 2020, to $93 Billion in November 2022.

As of this writing, lawmakers have moved to replace SSS and GSIS as part of the sources of MWF’s funding requirement. Instead, for the first two years of the fund’s implementation, the Php 150 Billion requirement left by the removal of the two pension systems are to be replaced by 100% of the BSP’s declared dividends from its investments ; investments which help form a chunk of the GIR. At a time of world wide inflation and volatile currency depreciation, to decrease the central bank’s warchest in defending the peso is at best counterproductive, and at worst foolish. While the BSP has enough in the GIR to cover 7.5 months worth of imports (well above the standard 3 months), given current uncertainties in the global economic landscape, it would be wiser to allow the BSP to maintain higher foreign reserves. Diverting billions of dollars worth of foreign reserves away from the BSP at this moment would simply weaken the country’s ability to maintain a stable foreign exchange rate.

Lastly, many have raised issues over the MWF’s transparency and accountability. Despite Finance Secretary Benjamin Diokno’s assurance that the MWF has safeguards in place to prevent suffering the same fate as Malaysia’s 1Malaysia Development Berhad (1MDB), several representatives of public interest groups are not quite convinced. Lawmakers who are for the MWF emphasize that the fund's management will undergo three layers of audit - an internal auditor, an external internationally recognized auditing firm, and the Commission on Audit (COA). However, critics have thrown caution that the Philippines has had a long history of mismanaged funds such as the Coco Levy scam, PhilHealth scandal, and the SSS funds that were used for politically-tainted purchase of stocks. This is further exacerbated by the weakness behind the leadership structure of the MWF that gives leeway for the head of the sovereign investment fund, which is the President, and his proxies to politically interfere. Many have noted that the mentioned Coco Levy fraud was started by the President’s father and former dictator Ferdinand Marcos Sr. and his cronies to supposedly develop the coconut industry, but was instead used for personal gain and profit. Others have also questioned the urgency of creating and passing the MWF along with the real motivations behind the action.


REFERENCES:

Agcaoili, L. (2022, December 8). Forex reserves steady at $94 billion. Philstar.com. Retrieved December 11, 2022, from https://www.philstar.com/business/2022/12/09/2229509/forex-reserves-steady-94-billion

Affuso, E., Istiak, K. M., & Sharland, A. (2022). Sovereign wealth funds and economic growth. Journal of Asset Management, 23(3), 201–214. https://doi.org/10.1057/s41260-022-00260-6

Arcangel, X. (2022, December 5). Groups protest vs proposed Maharlika Wealth Fund. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/news/2022/12/5/Groups-protest-vs-proposed-Maharlika-Wealth-Fund.html

Bloomberg. (2022, July 21). China's $1.2 trillion wealth fund reorganizes key investment arm. Pensions&Investments. https://www.pionline.com/sovereign-wealth-funds/chinas-12-trillion-wealth-fund-china-investment-corp-reorganizes-key

Cabuenas, J. V. (2022, October 19). Peso nears all-time low anew as bop deficit widens. GMA News Online. Retrieved December 11, 2022, from https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/848596/peso-nears-all-time-low-anew-as-bop-deficit-widens/story/

Chen, J. (2022, November 5). Current account surplus definition & countries that have it. Investopedia. Retrieved December 11, 2022, from https://www.investopedia.com/terms/c/current-account-surplus.asp #:~:text=A%20current%20account%20surplus%20means,adds%20to%20a%20country's%20reserves.

Cigaral, I. N. (2022, December 3). Does the P250-B Maharlika Wealth Fund make sense? Philstar Global. https://www.philstar.com/business/2022/12/01/2227827/does-p250-b-maharlika-wealth-fund-make-sense

GIC. (2022, July 26). Who we are. GIC. Retrieved December 10, 2022, from https://www.gic.com.sg/who-we-are/

Gomez, E. J. (2022, December 9). Ph dollar reserves shrink. The Manila Times. Retrieved December 11, 2022, from https://www.manilatimes.net/2022/12/09/business/top-business/ph-dollar-reserves-shrink/1869510

Mapa, N. (2022, September 9). Philippines: Trade deficit widens further as exports contract. ING Think. Retrieved December 11, 2022, from https://think.ing.com/snaps/philippines-trade-deficit-widens-further-as-exports-contract

Newell, R. (2021, July 1). Sovereign fund governance - the good, the bad and the ugly. AsianInvestor. https://www.asianinvestor.net/article/sovereign-fund-governance-the-good-the-bad-and-the-ugly/470776
Royandoyan, R. (2022, December 10). What's inside the 'refined' maharlika wealth fund bill? Retrieved December 11, 2022, from https://www.philstar.com/business/2022/12/09/2229726/whats-inside-refined-maharlika-wealth-fund-bill

Segal, T. (2022, July 8). Understanding Capital and financial accounts in the balance of payments. Investopedia. Retrieved December 11, 2022, from https://www.investopedia.com/investing/understanding-capital-and-financial-accounts-balance-of-payments/ #:~:text=The%20current%20account%20records%20the,country's%20ownership%20of%20international%20assets.

Yu, L. S. (2022, December 2). Imee Marcos, senators question P275-B Maharlika Wealth Fund proposal. Rappler. https://www.rappler.com/business/imee-marcos-senators-question-maharlika-sovereign-wealth-fund-proposal/

Yu, L. S. (2022, December 3). EXPLAINER: Does the P275-B ‘Maharlika Wealth Fund’ have any safeguards? Rappler. https://www.rappler.com/business/explainer-does-maharlika-sovereign-wealth-fund-have-safeguards/

Yu, L. S. (2022, December 5). FAST FACTS: What is the Maharlika Wealth Fund? Rappler. https://www.rappler.com/business/things-to-know-maharlika-wealth-fund/

Balik Tanaw Series  #02 (November 2022)Balik Tanaw Series is The Torch by UP APSM’s monthly recap of the previous month’...
05/12/2022

Balik Tanaw Series #02 (November 2022)

Balik Tanaw Series is The Torch by UP APSM’s monthly recap of the previous month’s major political news and events. Last month’s most relevant political news are filtered and analyzed through the different scopes of political science by scholars of the field. In an age where information flows freely but also tends to dissipate quickly, Balik Tanaw Series re-highlights events that need to stay under the radar of the people.

November 2022 Spotlight
-Tulfo slams BFAR
-Heterosexual rights bill filed in Congress
-PH not inclined to rejoin ICC
-Philippine GDP growth in Third Quarter

References:

Baroña, F. J. C. (2022, November 20). PH not likely to rejoin ICC. The Manila Times. Retrieved December 5, 2022, from https://www.manilatimes.net/2022/11/20/news/ph-not-likely-to-rejoin-icc/1866950

Deslate, M. J. B. (2022, October 27). The SOGIE equality bill. DivinaLaw. https://www.divinalaw.com/news-and-updates/sogie-equality-bill/

Fernandez, D. (2022, November 29). Banning small fish vendors from selling salmon, pompano 'anti-poor' — Sen. Tulfo. Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/1699318/banning-small-fish-vendors-from-selling-salmon-pampano-anti-poor-sen-tulfo

Mapa. (2022, November 10). GDP Expands by 7.6 Percent in the Third Quarter of 2022 | Philippine Statistics Authority. Philippine Statistics Authority. https://psa.gov.ph/content/gdp-expands-76-percent-third-quarter-2022

Image Sources:

-https://mb.com.ph/2022/11/29/somethings-fishy-tulfo-slams-bfars-move-to-ban-sale-of-pampano-salmon/
-https://balita.net.ph/2022/11/10/pastor-solon-nagsulong-ng-house-bill-para-sa-heterosexuals/
-https://www.atlanticcouncil.org/blogs/new-atlanticist/the-international-criminal-court-needs-fixing/
-https://www.eiu.com/n/philippines-economic-recovery-remains-strong/

This month's Balik Tanaw Series has been curated and synthesized by UP APSM Apps Batch Bejeweled

Balik Tanaw Series  #01 (September 2022)Balik Tanaw Series is The Torch by UP APSM’s monthly recap of the previous month...
07/10/2022

Balik Tanaw Series #01 (September 2022)

Balik Tanaw Series is The Torch by UP APSM’s monthly recap of the previous month’s major political news and events. Last month’s most relevant political news are filtered and analyzed through the different scopes of political science by scholars of the field. In an age where information flows freely but also tends to dissipate quickly, Balik Tanaw Series re-highlights events that need to stay under the radar of the people.

September 2022 spotlight:
-Gradual weakening of PHP-USD exchange rates
-Marcos Jr.’s UN General Assembly trip
-Typhoon Karding
-Court strikes down terror tag on CPP-NPA

References:
Cigaral, I., & Royandoyan, R. (2022, September 5). Peso touches 57-level for the first time to post a new record-low. Philstar Global. https://www.philstar.com/business/2022/09/05/2207566/peso-touches-57-level-first-time-post-new-record-low

INQUIRER.net. (2022, September 21). Marcos brings call for unity to UN General Assembly. INQUIRER.Net. Retrieved October 6, 2022, from https://globalnation.inquirer.net/207052/marcos-brings-call-for-unity-to-un-general-assembly

Rappler.com. (2022, October 3). Super Typhoon Karding: Impact, recovery, relief efforts in the Philippines. RAPPLER. Retrieved October 6, 2022, from https://www.rappler.com/nation/weather/forecast-track-updates-news-typhoon-karding-philippines-2022/

Yabut, A. (2022, September 23). Court rebuffs DOJ, strikes down terror tag on CPP-NPA. INQUIRER.Net. Retrieved October 6, 2022, from https://newsinfo.inquirer.net/1669041/court-rebuffs-doj-strikes-down-terror-tag-on-cpp-npa

Image Sources:
-https://www.istockphoto.com/photo/currency-war-of-us-dollar-and-philippine-peso-gm1211338700-351252787
-https://coconuts.co/manila/news/netizens-react-to-photos-of-seemingly-empty-hall-during-president-marcos-un-speech/
-https://www.thesummitexpress.com/2022/09/bagyong-karding-pagasa-weather-update-september-24-2022.html
-https://pressone.ph/manila-rtc-judge-shot-by-own-clerk-of-court-inside-her-office/

21/09/2022

NEVER FORGET PARA SA DEMOKRASYA!
NEVER AGAIN SA DIKTADURA!

Nakikiisa ang UP Association of Political Science Majors (APSM) sa mga paggunita sa kasaysayan ng anti-diktadurang paglaban ngayong ika-50 anibersaryo ng pagpataw ng Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Kaugnay nito, tumitindig kami na dapat hindi kalimutan ang pagtataguyod sa mga demokratikong proyekto, lalo na't nakaupo muli ang isang Marcos sa Malacañang, upang hindi na muling maulit ang lagim ng Batas Militar.

Sa panahong pilit na binabaluktot ang katotohanan ng diktadura, malinaw na ang yugto ng diktadurang Marcos sa kasaysayan ay panahong negatibo ang epekto sa ating pag-unlad. Hindi nagsisinungaling ang mga datos sa naging papel ni Marcos Sr. sa pagdausdos ng ekonomiya, pagkauk-ok ng mga institusyong pampolitika, at paglaganap ng kultura ng karahasan at korapsyon. Ang mga ganitong kalabisan ang nagtulak sa iba-ibang sektor ng lipunan na kolektibong labanan ang diktadura upang isulong ang mga demokratikong interes at hangarin. Sa Pag-aalsang EDSA 1986, lumikha ang masa ng kasaysayan nang ipakita nito ang potensyal ng demokrasya sa bansa na patuloy na ipinaglalaban ngayon. Subalit liban sa kolektibong pagkilos ay malaki ang papel na ginampanan ng mga indibidwal na piniling lumaban mula 1972 kagaya nina Dean Armando Malay, Temario Rivera, Lorena Barros, Lean Alejandro, Teodoro Agoncillo, Renato Constantino at iba pa kasama ng laksa-laksang mamamayan.

Sa panahong tila palaisipan at komedya kung paanong nailuklok muli sa isang dapat-sana'y demokratikong eleksyon ang anak ng diktador na si Bongbong Marcos, bakit ba mahalaga pa rin ang hindi paglimot at hindi pagpapahintulot? Hindi dapat tayo malinlang sa mga pangako kung malinaw naman ang realidad. Ika nga ng isang rebolusyonaryong Pilipino, huwag ipagkamali ang ningning sa liwanag. Ngayong pilit tayong binubulag sa ningning ng kasinungalingan, nawa'y hanapin natin ang liwanag sa dilim. Mahigpit nating ipagpatuloy ang paggigiit sa demokrasya at itakwil ang diktadura, noon man at ngayon, sa ating tuloy-tuloy na pag--intindi sa politika na may hangaring magamit ito upang mabago ang lipunang walang lugar para sa mga kagaya nina Marcos at Duterte na linlangin ang sambayanan na sila ang representante natin.

Never again, never forget. Never again to Martial Law!



06/05/2022

The Torch #5: First Place, Balangay 2022 Essay Writing Contest
(Last Minute Message Before the Elections)

Balota, Balota, Bakit Ka Mahalaga?:
Papel at Pagkakataon Ngayong Eleksyon
Sulat ni Zaeda Careema Wadi

Alam nating lahat na “mahalaga ang bawat boto.” Tatak sa isang botante ang kagustuhang pumili para sa bayan. Pero kadalasan, bigo tayong mabigyan ng katarungan ang “kahalagahan” na ito. Termino pagkatapos ng termino, sawang-sawa na tayo sa tradisyon na tila ilusyon lamang ang pagbabago. Subalit, may bago; may bagong pagkakataon. Ngayong halalan 2022, muling babalik sa kamay ng taumbayan ang kapangyarihang magdesisyon. Tuparin natin ang ating papel ng karangalan kung saan ang bawat boto ay katumbas ng isang buhay ng Pilipino.

Biláng na ang araw; ikaw ang bibida alang-alang sa ating kapwa, wala nang iba. Pasimuno ng pagbabago; ano bang papel ng balota mo?

Sa administrasyong nakalipas, hindi maikakaila ang kinagawian na natin bilang mga mamamayan. Marami sa atin ay nasanay nang tumango sa mga pangako ng mga tumatakbo. At kapag sila’y nakaupo na, hinahayaan na lang nating itabi ang mga paputok ng bagong taon. Bakit paulit-ulit nating pinapabor ang siklo ng kakulangan ng pamahalaan? Nakalimot na ba tayo? O siguro,

kinain na tayo ng pagod para abutin ang bituwin ng progreso? Kung may pwersa tayong makapangyarihan, dapat ilaan ito sa layuning magpapalago sa kasalukuyan nating estado. At upang pangunahan ito, kailangang pumili ng karapat-dapat na pinuno, na siyang pupunô sa gampaning panggobyerno.

Tayo naman ang hahatol sa mga kandidatong haharap sa entablado.

Ang diwa ng isang lider ay ang kanyang serbisyo sa bayan. Ipinapadama niya ang malasakit at ang kanyang silbi sa pamamagitan ng pagsisilbi. Bilang tayo ang pagsisilbihan, sino bang tatanggi sa de-kalidad na pinuno? Siyang may moralidad at pagkatotoo; siyang ehemplo ng katarungan; at siyang kailanman handa sa pamumuno—lahat tayo ay hinahanap-hanap ito. Habang siya ang nangunguna, bayan pa rin ang dapat inuuna. Sa kabila nito, bakit mas pinapaupo natin ang mga tiwali at trapo kaysa sa mga taong pinaninindigan ang tiwala ng Pilipino? Hanggang dito na lang ba ang ating batayan?—ang presyo ng ating boto at pagkamamamayan?

Sa pamimili ng lider, hindi natin kailangang tumawad. Hindi ba’t mas maibabalik ang ating suportang ibinigay ng isang pamahalaang matiwasay? Kung ganoon, tignan natin ang galaw ng mga kumakandidato. Magmula noon, hanggang ngayon, sino ba’ng may pinakamalinis na pinggan? Sino ba’ng may pinakabuong plano? Sino ba’ng pinakabagay sa dapat na taglay ng isang mahal na pinuno?—may halagang hindi para sa upuan sa taas ng hagdan, kundi alang-alang sa mga mamamayang nasa kalayuan. Malinaw naman. Kung titignan lamang at pakikiramdaman, malinaw kung sinong totoo at natural sa kaniyang kalooban. Kilala mo ba sila?

Sabi nila “madaling maging tao, pero mahirap ang magpakatao.” Pagdating sa halalan, walang pagkakaiba ang bigat ng responsibilidad ng boboto sa tumatakbo. Kaya’t ang pwestong ito ay dapat hinahawakan ng prinsipyong makatao. Sa ating posisyon, kitang-kita na pinabor tayo ng pribilehiyo; isang tsansang magdulot ng kabutihan gamit ng iisang boto. At para kanino? Dito tayo nagkakatalo. Sa panahong prayoridad dapat natin ang nakikinabang ng ating balota, hindi natin sila nakikita. Lagi nating nakikita ang sariling mga paa. Pero sa labas ng bintana, maraming hirap nang makatayo—makalaya—sa pagpapaikot ng mapiling sistema.

Hindi mo rin sila kilala?

Madalas tawagin na “iba,” sila ang matagal nang naiwan sa pwestong hindi nakikita dahil hindi natin sinusubukang makita. Silang mga totoong nagsawa na ay matagal nang humihingi ng hustisya na ang karangalan naman nila ay ating bigyang-halaga. Kung kilala natin ang mga naghahanapbuhay, nagtitiis, nagtuturo, at nagsasaka; ang mga katutubo, gumagamot, nangingisda, at namamasada; ang mga nangangailangan, nawalan, inabuso, at ninakawan; ang mga minaliit, kinalimutan, may kapansanan, at kababaihan; ang mga aktibista, mag-aaral, at higit sa lahat, ang kabataan, malalaman natin na iisa lang ang kanilang pinapangarap—na ialay ang laman ng iyong balotang papel para sa taumbayan.

Dala ng iyong kapirasong papel ang halaga ng bawat botante para sa kapwa-Pilipino.

Sa darating na botohan, tayo naman ang magbibigay ng pagkakataon sa mga pinagkait nito sa lipunan. Ipagaan natin ang mabigat nilang pasan. Palilipasin na lang ba natin ang gutom nilang makamit ang karapatan? Sa makapangyarihang pagboto ng karapat-dapat na mamamahala, tandaan na mahal ang iyong boto. Hindi pera o benepisyo ang papantay dito, kundi tiwala ng mga Pilipino. Maging suki tayo sa mga bago at totoong mamumuno na ituturing sila bilang sentro ng responsibilidad at paglilingkod.

Kritikal na ang lagay ng lipunan. Isa pa bang kawalan? Isa pa bang termino? Isa pa bang buhay? Isa pa bang Pilipino? Hindi na pwedeng tumaya. Paano na sila? Dahil matagal na nilang ibinabayad ang kanilang hustisya, bukas ka bang ilibre sila?—gawing malaya ang bansa?

Ang pagkakataong ito ay ‘wag mo nang ibasura; hindi ba’t masamang magsayang ng papel?

06/05/2022

The Torch #4: Second Place, Balangay 2022 Essay Writing Contest
(Last Minute Message Before the Elections)

Ang Panalo sa Mayo
Sulat ni Kristel Faye Advincula

Dumanak ang dugo, kumalat ang dilim, at nadungisan ang demokrasya.

‘Iyan ang ilan pa sa napakaraming paglalapastangan na pinagdaan natin sa nakaraan na mga taon. Sa ilang taon, pawa tayong mga preso sa ating sariling bayan. Hindi alam kung sino ang dapat pagkakatiwalan at hindi malaman kung ano ang totoo at ang kasinungalingan. Nilukuban ng dilim at hindi mahanap ang liwanag na kinakapa. Lalo pa naggatong sa umaalab na apoy na tinutupok ang bawat Pilipino ang pandemyang nararanasan. Lumala ang hirap, gutom at pagdurusa.

Magulo.

Sa mga nakaraang taon, naranasan na natin ang mawalan ng hustisya, na sa hanggang ngayon pinipilit na makuwa. Kalayaan natin na ilang taong pinaglaban at pinanindigan, pawang bula na biglang naglaho. Tuluyan tayong winarak ng kasalukuyang sistema at patuloy tayong pinatatahimik sa bawat pagkakataon. Inapakan na ang demokrasyang sa atin ay ipinagkaloob. Kailan na nga ba tayo lalaya mula sa sumasakal na sitwasyon?

Malaking katanungan pa rin kung ano pa ang naging lakas ng loob ng bawat isa, lalo na ang mga nasa laylayan kung bakit nakarating pa tayo sa kinasalukuyan matapos mapagdaan ang lahat ng paghihirap na ito. Bakit pa ba tayo bumabangon sa bawat tilaok ng manok sa umaga? Bakit pa nga ba kung walang lubay tayong pinapahirapan? Mahaba na nga ang tinahak natin upang makarating sa ngayon, ngunit iisa lamang ang ating rason kung bakit patuloy tayong lalaban sa gitna ng pasisista - buhay at kinabukasan ng bawat Pilipino.

Milyon-milyong tao ang nakataya sa mga sandaling ito. Milyon-milyong mga kinabukasan, pangarap at pag-asa ang naghihintay na magkaroon ng liwanag upang magkatotoo at makamtan. Kailangan na natin pakawalan ang ating sarili mula sa panggigipit nitong kalagayan. Nararapat na tayong muling tumindig at magboses laban sa mga kawalan ng hustiya. Kailangan na natin muling ipaglaban ang demokrasya ng ating bayan. Tayo na mismo ang gumawa ng paraan upang makuha na natin muli ang bagay na inagaw sa atin. Tayo mismo ang magbabago sa ihip ng hangin at takbo ng kwento ng ating bayan.

At kung gusto nating ang tunay na kahulugan ng pagbabago mula sa sitwasyon, hindi lang nararapat palitan ang mga taong nasa likod nitong paghihirap; ang katiwalian, ang kawalan ng malasakit, ang kasinungalingan at ang pang-aabuso ay nararapat palitan ng matibay at mahusay na pamumuno. Kailangan na kaya nating tatagan ang mga loob upang

iwaksi nang pino ang bawat interes na puro kasakiman sa mismong mga indibwal at sa uri ng pamamahala na pinagmulan nitong pinagdaraan ng ating bansa.

Walang duda kung saan dapat patungo ang ating mga paninindigan – sa piling tayo ng mga sinasagad ang sarili para iraos ang pamilya, ang kapuwa mula sa paghihirap na ito. Tulungan natin ang isa’t isa na muling umapak sa paa, at taas-noong lumaban muli. Ngayon na ang panahon upang patumbahin ang mga naglalakihang pangamba na ating nararanasan. Oras na upang patalsikin ang mga taong walang pinili kundi ang pahirapan ang bawat Pilipino. Oras na upang tumayo tayo para sa ating mga anak, mga magulang at mga kaibigan.

Tumayo tayo para sa mga taong pinipilit ring tumayo upang mairaos ang buhay. Tumayo tayo para sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan. Tumindig tayo at muling buhayin ang demokrasyang naghihintay na makapiling muli tayo. Magkaiba man tayo ng paniniwala at prinsipyo, alam natin ang pakiramdam ng sitwasyon mula sa ibaba – ang naghahanap ng mahahawakan sa bingit nang kawalan ng pag-asa, nangangapa sa dilim, at ang halos isigaw mo sa kahit sinong maaaring makadinig ang mga salitang ‘tulong, tulungan niyo ako.’

Nasa ating mga kamay ang magiging takbo ng ating kinabukasan. Ang desisyon mong bilugan ang pangalan ng isang tao sa balota, ay siyang desisyon mo para sa bayan. Sa bawat desisyon na iyong pipiliin, kapalaran ng bayang ito, at ng mga mamamayang Pilipino ang nakasalalay dahil ang boto mo ang magsisimula ng pagbabago. Sa nalalapit na halalang ito, tayo naman ang magbibida sa kwento ng bayan. Ang bawat Pilipino ang mag
aakda ng magiging balangkas ng istorya sa bawat pahina ng ating kwento. Hawak natin ang mga papel at lapis na siyang magdidikta sa ating bukas. Pilipino ang magbubuo sa salaysay ng kinabukasan. Magsusulat tayo ng kasaysayan.

Sa huli, hindi ang kandidato ang magpupunyagi sa kaniyang pagkapanalo, kundi ang sambayanang Pilipino, dahil ang laban na ito ay laban natin. Ang may totoong layunin na iangat tayo mula sa paghihirap na ito. Na kaya tayong ipaglaban, at ibubuhos ang lahat na kayang ibuhos. Piliin natin ang taong kasama natin tataya sa pakikibaka na ito. Ang naniniwala at nanalig sa kakayahan ng bawat isa, ‘yan ang dapat mamuno. Kaya piliin natin ang taong, Pilipino ang nais manalo. Piliin natin ang taong magpapanalo sa Pilipino.

Kaya, kapag hindi ka hihilera sa tamang linya, kapag piniling mo sarhan ang puso’t isip mo, kung hindi mo man lang kayang sabihin na mali ang mali – nasaang pwesto ka nga ba?

Sa alitan sa pagitan ng ating mga kapwa, at sa pagitan ng ipinaglalaban na kalayaan at demokrasya, saan nga ba tayo dapat pupwesto? Saan pa kundi sa pwesto kung saan kapayapaan at kalayaan ang maghahari. Boses ng masang Pilipino ang nariring. At ang tagumpay natin ang magdiriwang. Piliin natin ang magkaisa. Piliin natin ang hustisya na kaya magtayo muli ng demokrasya. Piliin natin ang kinabukasan na may araw na sumisinag.
Piliin nating manalo ang Pilipinas.

Ikaw, sa ika-siyam ng Mayo, sinong ipapanalo mo?

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Torch by UP APSM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share