
28/02/2025
Credit to the real owner
Suman sa Lihiya Recipe❤️
Ingredients
-1kg malagkit na bigas
-2 tbsp Lihiya
-1 and 1/2 tsp salt
-Dahon ng saging
-Tubig
Procedure
-Hugasan ang malagkit na bigas
At ibabad sa tubig ng 3 hours
-after 3 hours alisin sa tubig i drained ng mabute
- lagyan ng lihiya ang malagkit around 2 tbsp at 1 and 1/2 tsp salt
- haluin mabute
i prepare ang dahon ng saging
-kailangan ang bawat pinilas na dahon ng saging ay may sukat na 8-10 inches na lapad
-punasan ito ng towel na medyo basa para luminis
-i darang sa apoy ang mga dahon isa isa para ito ay malanta at lumabas ang natural oil ng dahon ng saging
- mag gupit din ng mga maliit na dahon para sa pag lalagyan ng malagkit na bigas para pantay pantay ang sukat
Balutin na ang malagkit na bigas sa dahon
-ilatag ang malapad na sahon ng saging
- ilagay sa ibabaw nito ang maliit na dahon ng saging
- mag scoop ng 3 tbsp ng malagkit or depende sa laki ng suman na gusto mo.
- mejo siksikin ito kapag binalot para siksik din ang kalabasan ng suman mo.
-i fold bawat dulo ng maayos
-pag taklubin o pag yakapin ang 2 piraso ng suman at itali ito gamit ang cooking twine or kahit anong pang tali na pwede gamitin sa pg luluto
- itali ang mag kabilang dulo
- ulitin hanggang sa matapos ang proseso
Lutuin na ang mga suman
-sa isang kaldero ay maglagay ng dahon ng saging
-ilagay ng maayos ang nga suman at isalansan ng maayos
-lagyan ng tubig
-kailangan ay naka lubog ng maayos or naka cover ng tubig ang suman para maging pantay ang luto at nde ito mahilaw
-una ay lutuin ito ng 40 minutes medium heat
- hinaan ang apoy at lutuin pa ng 40 minutes.
Bali ang total cookin time ay 1 hour and 20 minutes
-i check kung ito ay luto na
-alisin na sa kaldero at palamigin
latik sauce
- pag samahin sa isang sauce pan ang 1 and 1/2 cups brown sugar, 2 cups kakang gata
-pakuluan ng 15 minutes
-lagyan ng slurry or 1 tbsp cornstarch na dissolved sa 5 tbsp ng water
-naglalagay aq ng slurry para mas mabilis itong maluto . At lumapot.❤️