19/12/2025
Simbang Gabi sa Kapitolyo.
Inaanyayahan ang lahat ng Batangueño na makiisa sa Simbang Gabi sa Kapitolyo, na nagsimula noong ika-15 at magtatapos sa ika-24 ng Disyembre 2025. Idinaraos ito araw-araw ganap na ika-5:00 ng hapon sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.
Sama-sama nating ipagdiwang ang pananampalataya, pag-asa, at diwa ng Pasko sa isang payapang at makahulugang pagsasama.
📸: Batangas PIO | Facebook