Chika Pinas

Chika Pinas Like and Follow ☺️

Kahit kaliwa’t kanan ang balita ng katiwalian sa gobyerno, nananatiling matatag si comedian Wilma Doesnt sa kanyang pani...
26/09/2025

Kahit kaliwa’t kanan ang balita ng katiwalian sa gobyerno, nananatiling matatag si comedian Wilma Doesnt sa kanyang paninindigan: patuloy siyang magbabayad ng buwis bilang isang responsableng mamamayan.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Wilma ang kanyang pagka-shock sa mga anomalya sa flood control projects. “Grabe! Ang daming involved, ang daming pera ng Pilipinas… pero ang dami ring sakim!” ani Wilma.

Gayunpaman, hindi siya natinag: “Ipagpapatuloy ko ang pagbabayad ng buwis! Kaya sipag pa more!” dagdag niya, sabay plug sa kanyang resto sa Tagaytay na Chicks ni Otit.

Samantala, may ibang celebrities gaya ni Vice Ganda na humihiling ng “pahinga” sa tax payment.

Nag-viral ang post ni Cong. Kiko Barzaga matapos ihayag na hindi na ma-contact si Orly Regala Guteza, ang witness na tum...
26/09/2025

Nag-viral ang post ni Cong. Kiko Barzaga matapos ihayag na hindi na ma-contact si Orly Regala Guteza, ang witness na tumestigo laban kay Romualdez. 😨

“Sana hindi siya pinatahimik ng Marcos Administration,” aniya, na nagdulot ng matinding concern sa publiko.

🤔 Tingin n’yo, may dapat bang panagutin dito? Dapat bang magsagawa ng agarang aksyon para mahanap ang witness?

Mariing umapela si Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy “Zaldy” Co laban sa utos ni House Speaker Faustino Dy na nagbabasur...
26/09/2025

Mariing umapela si Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy “Zaldy” Co laban sa utos ni House Speaker Faustino Dy na nagbabasura sa kaniyang travel clearance at inaatasan siyang bumalik sa bansa sa loob ng 10 araw.

Giit ni Co, nasa Amerika siya para sa mahalagang medical treatment at nakatakda pa rin siyang bumalik para ipagtanggol ang kaniyang pangalan laban sa mga paratang sa flood control projects.

“I have every intention of returning to the Philippines,” ani Co sa kaniyang pahayag.

Samantala, iginiit ni Speaker Dy na ang agarang pagbabalik ni Co ay kinakailangan upang tugunan ang mahahalagang pambansang usapin.

Hindi pa rin makapaniwala ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez matapos niyang masungkit ang kampeonato sa ...
26/09/2025

Hindi pa rin makapaniwala ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez matapos niyang masungkit ang kampeonato sa America’s Got Talent (AGT) Season 20! 😱✨

Sa isang Facebook Live nitong Setyembre 25, todo-pasalamat si Jessica sa lahat ng bumoto at sumuporta sa kanya:

"Oh my goodness. I can’t believe what just happened. This is crazy. I just want to get on here and thank you guys, so much, for everything." 💖

Ayon kay Jessica, halos hindi na niya matandaan ang mga nangyari sa entablado nang ideklara siyang panalo. Pinuri rin niya ang suporta ng mga hurado, lalo na si Sofia Vergara na nagbigay sa kanya ng golden buzzer, at si Simon Cowell na personal pang nag-alok ng tulong kung kailangan niya ito. 🙌

Sa finals, inawit niya ang “Die With A Smile” nina Lady Gaga at Bruno Mars, na nakakuha ng standing ovation at nagpatibay sa kanyang panalo. 🎶🔥

Muli, congratulations Jessica Sanchez! 🎉

Bumulaga sa Senate Blue Ribbon Committee ang pahayag ni Orly Regalaa Guteza, dating Marine at security aide ni Rep. Zald...
26/09/2025

Bumulaga sa Senate Blue Ribbon Committee ang pahayag ni Orly Regalaa Guteza, dating Marine at security aide ni Rep. Zaldy Co, na personal umano siyang kasama sa paghatid ng mga maletang puno ng pera para kina Co at dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon sa kanya, may laman umanong ₱40M–₱50M bawat maleta at minsang umabot sa ₱2.3 bilyon ang kabuuang cash na naideliver.

Mariing pinabulaanan nina Romualdez at ACT-CIS Rep. Eric Yap ang akusasyon at iginiit na “pawang kasinungalingan” lamang ang testimonya ni Guteza.

Naglabas ng pahayag si Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro ngayong Setyembre 25 upang pabulaanan ang mga rekla...
25/09/2025

Naglabas ng pahayag si Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro ngayong Setyembre 25 upang pabulaanan ang mga reklamong acts of lasciviousness at r@pe by s3xual assault na isinampa ng dalawang dating close-in security niya.

Ayon kay Teodoro, walang katotohanan ang mga paratang at ito umano’y “politically motivated” para siraan ang kanyang pangalan sa publiko.

“Nananawagan ako ng isang patas, bukas, at malinaw na imbestigasyon para maipakita ang katotohanan at maproteksyunan ang aking reputasyon,” pahayag ng kongresista.

Nanindigan si Teodoro na hindi siya uurong sa laban at haharapin niya ang mga akusasyon nang buong tapang.

📅 Setyembre 25, 2025

Binasag ni Makati City Mayor Nancy Binay ang pananahimik matapos ang pahayag ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na na...
25/09/2025

Binasag ni Makati City Mayor Nancy Binay ang pananahimik matapos ang pahayag ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na nakatanggap umano siya ng ₱37M kickback mula sa flood control projects ng DPWH.

“Walang katotohanan ang mga bintang na ito. My record in public service speaks for itself—malinis at walang bahid,” ani Binay. Dagdag pa niya, ginagamit lang daw ang kanyang pangalan para mailihis ang isyu sa mga dapat managot.

📅 Setyembre 25, 2025

Sumabog ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa lumalabas na anomalya sa flood cont...
25/09/2025

Sumabog ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa lumalabas na anomalya sa flood control projects.

Tinawag ni Lacson na “inside job robbery” ang umano’y paghingi ng 25-30% kickback sa mga contractors para mapaboran ang kanilang proyekto.

Ibinunyag ito ni dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, at pinangalanan sina Senators Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, B**g Revilla, at dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy bilang umano’y tumatanggap ng kickback.

💬 “Kahit ‘corruptionary’ ko, walang salita para sa ganitong klase ng kasakiman,” ani Lacson.

📅 September 25, 2025

Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong Setyembre 25, ibinunyag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo n...
25/09/2025

Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong Setyembre 25, ibinunyag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na may umano’y 25% kickback na hinihingi si Ako Bicol Rep. Zaldy Co mula sa mga flood control projects.

Ayon kay Bernardo, personal siyang tinawagan ni Co para tiyakin ang maayos na pakikipag-usap kay Engr. Henry Alcantara, na umano’y nagde-deliver ng cash. Dagdag pa niya, 2% mula sa halagang iyon ang napupunta umano sa kanya at kay Alcantara.

“Every time may delivery ng cash kay Cong. Co, laging sinasabi ni Alcantara na para ito sa commitment niya,” ayon kay Bernardo.

💬 Dapat bang imbestigahan pa nang mas malalim ang isyung ito? Ibahagi ang inyong opinyon!

Ngayong Setyembre 24, opisyal na hinirang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Brian Keith Hosaka, dating tagap...
24/09/2025

Ngayong Setyembre 24, opisyal na hinirang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Brian Keith Hosaka, dating tagapagsalita ng Korte Suprema, bilang Executive Director ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na tututok sa imbestigasyon ng mga multi-bilyong pisong anomalya sa mga flood control projects sa bansa. 🌊💰

Si Hosaka ay dati na ring nagsilbing commissioner ng Governance Commission for GOCCs bago italaga sa bagong posisyon. 📜

**gbongMarcos

Sumuko na sa mga awtoridad ang 55-anyos na lalaki na umamin sa pananaksak sa isang menor de edad sa naganap na protesta ...
24/09/2025

Sumuko na sa mga awtoridad ang 55-anyos na lalaki na umamin sa pananaksak sa isang menor de edad sa naganap na protesta sa Recto Avenue, Maynila noong Setyembre 21.

Ayon sa pulisya, kusang-loob na nagtungo sa Manila Police Station 14 ang suspek noong Setyembre 22 at ngayo’y nakakulong na habang nahaharap sa kasong homicide.

Sa Facebook post ni Mayor Isko Moreno, kanyang pahayag:

“Malaya kayong magpahayag sa Lungsod ng Maynila. Ngunit pakiusap ko: huwag n’yong idamay ang mga kapwa n’yong lumalaban nang patas.”

Para sa mga biktima ng war on dr*gs, walang alinlangan para sa kanila na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay fit na f...
24/09/2025

Para sa mga biktima ng war on dr*gs, walang alinlangan para sa kanila na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay fit na fit para humarap sa paglilitis sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa ICC-accredited lawyer na si Gilbert Andres, nabanggit pa sa isang panayam ni VP Sara Duterte na nakipag-usap siya sa kanyang ama kamakailan tungkol sa politika, flood control projects, at maging sa personal nitong buhay, patunay umano na malinaw pa sa kanya ang lahat ng bagay.

📅 Setyembre 23, 2025
📍 Pilipinas Today

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chika Pinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share