04/03/2025
Unfortunately, I'm my family's most unachievable child..." Ako daw yung 'kakaiba...' Ako yung palaging hindi naiintindihan...'Di ako yung bida sa kwento ng pamilya namin, kasi lagi akong 'nasa sarili kong mundo...' Alam mo yung feeling na kahit anong effort mo, wala pa rin silang tiwala sayo? Lahat ng pangarap ko, parang jokes lang sa kanila... Kaya naman, natutunan kong wag nang mag-expect...
Ang hirap palang maging mahirap... Ang sakit din minsan... Pero na-realize ko, okay lang pala... Kasi habang abala sila sa paglalagay ng labels sakin, ako? Patuloy lang...Ginagawa ko 'yung mga bagay na gusto ko at magpapasaya sa sarili q... Pinupush ko 'yung mga pangarap na ayaw nilang tanggapin...
"Believe me when I say I don’t care..." 😂 Pero hindi ito yung tipo ng 'walang pakialam' na bitter... It’s more of I’ve learned to live for myself... Hindi ko na kailangan ng validation ng iba, kahit pa pamilya ko sila... Natutunan kong mahalin 'yung sarili kong journey kahit walang palakpak mula sa kanila...
Kaya para sa mga tulad kong madalas ma-misunderstand, here's my advice: Huwag mong hayaan na ang opinyon ng iba ang humubog ng sarili mong estorya... You owe it to yourself to live freely, unapologetically, and fiercely kahit pa hindi nila makita ang value mo...
At the end of the day, ikaw lang ang dapat naniniwala sa sarili mo...
Laban lang ng laban basta happy ka lang palagi dahil kahit ikutin mo man ang mundo, sarili mo lang din ang laging kasama mo..
😉😉😉