25/11/2025
IN PHOTOS:
Isinagawa ngayong araw sa Mt. View Subdivision ang programang Libreng Kapon para sa mga alagang a*o at pusa, isang inisyatibong naglalayong makatulong sa mga pet owners at mabawasan ang pagdami ng mga ligaw na hayop sa komunidad.
Isinagawa ang programa sa tulong ng City Veterinary Office Katuwang ang pamahalaang Barangay Muzon Proper, bilang pakikiisa sa mga proyektong nagtataguyod ng kalinisan, kaligtasan, at kaayusan sa barangay.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, ipinapakita ng pamahalaang barangay ang kanilang pagsuporta sa mga residente at sa pangangalaga ng hayop, habang itinataguyod ang isang malinis, ligtas, at disiplinadong komunidad.
Pinangunahan ito ni Kapitana Beth Valerio, katuwang ang Committee on Animal Welfare na si Kag. Angelito Gojo Cruz, at ang buong Sangguniang Barangay. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Barangay Muzon Proper para sa responsableng pag-aalaga, tamang kalusugan ng mga alaga, at mas maayos na kapaligiran para sa lahat.
Lubos ang pasasalamat ng Barangay Muzon Proper kina Mayor Rida Robes, Cong. Arthur Robes, at Vice Mayor Arlene “Aba” Bartolome sa kanilang suporta at pagtiyak na naihatid ang serbisyong ito sa mga residente.
̃o