Chris write's

  • Home
  • Chris write's

Chris write's ✨welcome to my page croll down to see more stories✨

MY ANNOYING BETA ✍️ CHRIS WRITE'S ❗ VAMPIRE /ROMANCE ❗ 🚫 PLAGIARISM IS A CRIME 🚫 EP-9Tahimik lamang ako habang nakikiram...
07/06/2024

MY ANNOYING BETA
✍️ CHRIS WRITE'S

❗ VAMPIRE /ROMANCE ❗
🚫 PLAGIARISM IS A CRIME 🚫

EP-9

Tahimik lamang ako habang nakikiramdam, naiilang din naman kasi ako sa kamay ng lalaking ito. Para na kasi siyang naka akbay sa akin, kaya marahan akung umusog papalayo sa kanya nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin siya sa gawi ko.

“Uuwi na siguro ako, kailangan ko pang maligo masakit pa kasi ang ulo ko, may pasok pa Ako bukas” mahinang wika ko rito.

“Uuwi kana ka agad? Maaga pa naman eh, mamaya kana umuwi total paniguradong ihahatid karin naman ni Blade” wika ni Valerian hilaw akung napapangiti at marahang sumulyap sa katabi ko.

Seryoso lamang ang mukha nito habang nakatitig sa babasaging baso na kanyang hawak. Pagkatapos ay tinunga nito ang laman niyon, agad na gumapang ang paningin ko sa lalamunan nitong nagtaas baba dahil sa paglunok nito mula sa likido.

Maging ako ay napapalunok din ng Bigla nalang dumapo ang mga mata ko sa mapupula at ma masa-masa nitong mga labi dahil sa alak.

Napalunok ako muli ng bigla nalang sumagi sa isip ko iyong mga panahon na ninakawan ako nito ng halik. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang itong tumingin sa akin habang naka paskil ang isang nakakalokong ngisi.

“ I know what's inside of your mind “ Nakakalokong wika nito na mas Lalong ikinanlaki ng mga mata ko.

“Pinagsasabi mo dyan! Bakit ano ba ang laman ng utak ko?”

Bigla akung kinabahan na may kasamang pang lalaki ng mga mata ng makita ko siyang dahan dahang inilapit sa akin ang kanyang hitsura. Kaya napapa atras ako,

“T-teka! uy! Bakit mo inilapit yang mukha mo! Baka gusto mong upakan ko yang pagmumukha mo! Kung hindi man kita nagawang sapakin nung ninakawan mo ako ng halik baka ngayon sapol na sakin yang nguso mo”

Napa ismid ako ng makita ko siyang ngusmi! Pero agad din akung kinabahan ng makita ko na sa mga labi ko ito naka titig at dinilaan pa ang sariling labi saka yumarok muli ng alak.

“ihahatid na kita,”

Mahinahong wika nito, kaya napapatingin ako sa kanya.

“Wag na, may kotse naman ako diba, “ sagot ko sa kanya.

“Okay, bibisitahin nalang kita ulit mamaya”
Agad na napabaling ang paningin ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

“Anong sinabi mo? teka nga! pwede ba! tigil tigilan muna yang pang aakyat bahay mo sa kwarto ko! kapag ang mga magulang ko ang makakita sayo mas lalo lang akung magkaka problema” wika ko sa kanya.

“I know, but don't worry, they can't saw me hindi Naman sila pumapasok sa kwarto mo hindi ba?”

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito,

“Paano mo nalaman ang tungkol dyan?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

“I told you, I am your stalker, alam ko ang lahat tungkol sayo, maging ang iniisip mo, I already told you to be careful of what you thoughts. Stop thinking nonsense kung ayaw mong malaman ng mga nasa paligid mo kung ano ang iniisip mo.” Mahabang wika nito.

“Teka? ano ba talaga kayo? Naguguluhan ako e, bakit may kakaiba kayong kakayahan na wala kami, may super power kayo e, mga aswang ba kayo, bampira? Ghosts!”

Bigla akung napa aray ng maramdaman ko ang mahinang pag pitik nito sa noo ko kaya hinimas himas ko ito.

“Silly woman,”

Naka ngiti nitong turan sa akin. Kaya napa titig ako sa gwapong mukha nito.

“Kung sasabihin ko bang ang totoong pagkatao ko hindi mo Ako lalayuan?”

Napakurap kurap ako sa sinabi nito, hindi ko iyon inaasahan na ganoon ang sasabihin niya saakin.

“Bakit mo ba iyan sinasabi sa akin, bakit ba kung nakapagsalita ka ay parang matagal na tayong magka kilala at kilalang kilala muna ako?”

Tumitig lang sa akin ang lalaki, bagay na ikinailang ko. Kakaiba kasi ang paraan ng pagtitig nito sa akin. Para bang sinusuri ang buo kung pagkatao.

“Sige na ihahatid na kita, ako na ang magmaniho sa kotse mo”

Wika nito at marahang tumayo.

“Aalis na kayo dude! “ Malakas Ang boses ni Valerian habang nagtatanong dahil medyo distansya siya sa amin.habang busy parin sa kanyang ginagawang pag me-mix ng mga inumin.

“yeah, babalik ako mamaya” mahina nitong wika saka lumingon sa akin at inabot ang kamay ko upang igaya sa pagtayo.

Agad naman akung tumayo at pasimpling binawi ang kamay ko na hindi binitawan sa lalaki, Ang init kasi ng pakiramdam ko, pakiramdam korin ay nakukuryente ako.

“Aalis na kami, see nalang next time” naka ngiting wika ko Kay Valerian, malapad naman itong ngumiti sakin at kumaway pa.

“Balik ka nextime ahh, baka sa susunod na pagbalik mo hindi na ako Ang bartender dito at makaka bonding tayo ng mas matagal.” Naka ngiti paring wika nito.

“Saka baka sa susunod na balik mo rito, umuwi na ang bagong kasal ipakilala ka namin sa kanila” dugtong pa nito na mas Lalong ikinangiti ko. Pero nagulat nalang ako ng bigla na'lang itong humalakhak na para bang isang timang.

“Dude! You look like a fool! Stop being jealous man! hindi Sayo bagay mukha kang asong na uulol!”

“Do you want to die!” biglang nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko, ang malamig na boses ni Blade, pero imbis na matakot si Valerian ay mas lalo lang itong humagalpak ng tawa.

“Fvck! I can't believe this! pagmamahal nga naman! don't worry, taga saboy nalang ako ng bulaklak after a months, tapos magiging ninong sa magiging babay niyo-aww f**k! F**k! “

Malakas na mura nito ng bigla nalang lumipad sa ere Ang lalaki, ang kasunod kung nakita ay ang nakatayong si Blade sa likuran nito habang naka ismid na pinagmamasdan ang lalaking hindi alam kung alin ba doon ang masakit.

Napaubo pa nga ito, kaya biglang lumabas ang dalawa pang lalaki,

“Hey! What's going on” takang tanung noong nagpakilala kaninang si Hellarius.

“Oh s**t! What happen dude! Dalawang upuan na naman ang sinira ninyo, may kasamang lamesa pa! Bakit ba nagpapatayan na naman kayo ?” Tanong pa nito.

“Tanungin mo yang sira ulong pinsan muna yan! Mas lumala pa siya kay Blood e! Ang hilig pang halos ng pta! aray ko! lnabali yata ang buto ko sa likod” lukot na lukot ang mukha ni Valerian habang dahan dahang tumayo.

“Let's go”

Napatingin ako sa katabi ko na tila ba walang nangyari, mabilis ako nitong hinigit papunta sa parking area at agad na pinapasok sa kotse ko, kasunod niyon ay siya ang pumasok sa driver seat at agad na pinaharurut Ang sasakyan.

Habang naiwan naman ang mga pinsan nitong iiling iling.

Continue.

Hindi ko Alam kung hanggang kailan ulit Ako makakapag update, dahil nagsusulat ako para sa YouTube .mag stay lang Po Ang gustong mag stay, okay lang din Po kung Mang Iwan kayo hehe. Iyon lamang enjoy reading.

06/06/2024

Big shout out to my newest top fans! Rhiza Gulpane, Junjun Marquez, N Gel Saladaga, Nelie Maneja, Rowena Bentillo, Gellie Tingson, Lovelyn Agbon Ral, Angie Palma Beira, Marian Reyes, Remia Mampang, Rish Sabit Aton, Park Shu Jin, Madel Sombelon Estrella, Maria Rocelyn Orcine, Luvie Jaine, Marjie Soria Cuevas, Christine Fatima Baladjay Aguisando, Di Vhine Dela Fuente, Estrelles Duran, Nenita Baruelo, Gemma Lamud, Generose Taglocop Lake, JuChris Sabusna

04/06/2024

MAID IN DISGUISE
✍️ CHRIS WRITE'S

❗ ACTION/ROMANCE ❗
🚫PLAGIARISM IS A CRIME 🚫

EP 27

Nakita ko ang pag talim ng mga mata nito habang naka titig sa akin ng masama.

“ Tama nga si Tita hambog ka parin hanggang ngayon! Kung maka asta ka akala mo naman may ipagmamalaki ka!”

Wika nito sa akin, sininyasan ko si Damon upang lumapit sa akin na agad din naman nitong sinunod,

“Puntahan mo si Vander sa kusina! Wag niyong hayaang may maka takas sa lugar na ito! Do you hear me ?”

“Copy boss! Ikaw na ang bahala sa hambog na yan! Mag iingat ka boss mag ba-bar pa naman tayo mamaya!”

Nakakalokong ngisi nito sa akin at kinindatan pa ako habang papalabas sa kwarto. Napapailing nalang ako, loko talaga ang isang iyon.

“So,”

Napabaling muli ang paningin ko sa lalaking naka ngisi sa akin ng nakakaluko. Napapabuntong hininga nalang ako habang seryoso siyang tiningnan.

“Hindi ko alam na nangungulikta kana pala ng mga lalaki ngayon Cullen! Bakit hindi mo naman agad sinabi sa akin kahit NASA ibang bansa pa ako ay kaya ko namang lumipad papunta rito kung kagaya morin naman ang uuwian ko, lalo na ngayon! Ang ganda na ng katawan mo! Ang laki narin ng ipinagbago, mas Lalo kana ring tumangkad! Paniguradong masarap ka ring magmaniho!”

Nakakalokong wika nito at dahan dahang lumapit sa akin habang naka paskil parin sa mga labi nito ang nakaka insulting ngiti! Aaminin ko, noong bata pa ako ay takot na takot ako sa lalaking ito! Manginginig na agad ako sa takot kapag nakikita ko siya!

Ilang bisis na nga ba akung nabugbug sa lalaking ito, noong mga bata pa kami pariho. Pero ngayon na Malaki na ako, ngayon natin susubukin kung hanggang saan ang kaya sa hinayupak na ito!

Nanatili lang akung nakatayo habang pinakiramdaman kung Ano Ang gagawin niya sa akin, umikot pa ito sa likurang bahagi ko at tila ba para itong isang asong na uulol habang pinag aamoy ang dulo ng buhok ko!

Napa tiim bagang ako ng bigla nitong, sakmalin ang pang upo ko! Pakiramdam ko biglang umakyat ang dugo ko sa toktok ng bumbunan ko. Napa buga ako ng isang mainit na hininga.

“Kapag hindi mo pa tinanggal iyang kamay mo, sisiguraduhin kung pagsisisihan mo kung bakit nagpakita kapa sa akin rito!”

Mahinahong wika ko. Pero ang lalaki ay mas lalo lamang itong ngumisi at ipinag patuloy parin ang ginagawa kaya napikon na ako lalo pa ng bahagya na nitong pinisil ang kabilang pisngi ng pang upo ko.

Kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at pinisil ito ng mahigpit. Narinig ko pa ang mahinang pag igik nito, padaskol ko siyang itinulak,

“Umalis kana rito! Anton! Wag ninyong sasagarin ang pasensya ko! Nananahimik na ako! Pakisabi sa Tita mo, kapag hindi niya parin ako titigilan, pasensyahan tayo’t Hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo!”

Napakunot ang noo ko ng bigla lang itong tumawa ng nakaka loko,

“Pinag babantayan mo ba ako? Kami? Pinag babantaan mo ang nag iisang Madam first Lady ng Pilipinas? Are you serious?”

Wika nito, nagulat pa ako ng bigla nitong tinulak ang noo ko gamit ang hintuturo nito.

“Wag Kang masyadong hambog Cullen! Wag mong kalimutan na utang mo parin ang buhay mo sa amin ng Tita ko! Ano ba ang ipingamamalaki mo! Iyong lalaking, galit na galit sayo ng malaman niyang ikaw Pala ang pumatay sa babaing pinakamamahal niya!”

Bigla akung nanigas sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam pero, biglang nanginig ang buo kung kalamnan! Ng marinig ko ang sinabi sa lalaking ito! K-kung ganun! A-alam na pala niya ang totoo! Kaya ba hindi na siya nagpapakita sa akin?

Napa tiim bagang ako, ng may maramdaman akung kirot sa aking dibdib! Narinig ko muli Ang mala demonyong tawa ni Anton! Kaya dahil sa inis ko ay malakas ko siyang sinapak sa Mukha! Halatang nagulat ito dahil bigla itong natumba at matalim akung tinitigan!

Agad din naman itong bumangon, Saka nito pinahiran ang dugo sa kanyang mga labi.

“Paano bayan! Iniwan kana sa lalaki mo! Saan kana kukuha ng panibagong ipagmamalaki mo! Palibhasa wala kayong pinagkaiba ng iyong Ina! Makakat- f**k!”

Hindi na nito natapos pa Ang kanyang sasabihin pa sana ng malakas ko muli siyang sinuntok sa mukha! Hindi pa Ako nasiyahan, umikot ako patagilid at binigyan ko siya ng isang malakas na siko sa panga! Rinig na rinig ko Ang malakas na pag daing nito!

Pero wala na akung pakialam dahil biglang nagdilim ang paningin ko ng banggitin niya ang nanay ko!

“Pvtangina mo! Anong karapatan mong insultuhin ang nanay ko! Ano ba ang alam mo!”

Galit na wika ko sa lalaki at malakas na tinuod ang sikmura niya! Dahilan upang mapaluhod ito habang sapo-sapo ang sikmura! Subalit agad itong naka tayo at inundayan ako ng isang malakas na suntok sa sikmura na hindi ko nailagan. Nakita ko ang mala-demonyo nitong mga ngisi.

Agad niya akung sinugod ng panibagong suntok subalit naiilagan ko! Malakas ko siyang sinipa sa sikmura! Pagkatapos ay isang panibagong siko muli sa kanyang mukha! nang maoa atras ito ay doon na ako naka kuha ng tyempo! Sinuntok ko lang siya ng sinuntok pakiramdam ko kasi nagiging Blangko na ang utak ko dahil sa aking nalaman!

Basta naramdaman kuna lang na may mga kamay na pumipigil sa akin, habang ang isa naman ay niyakap ako mula sa likuran.

“Fvck! Boss ! That's enough! Baka mapatay mo siya! Damn it dude! Pigilan mo si Bossing biglang nawala sa sarili!”

“Tvngina! Bakit ako! Ayoko! Baka ako pa ang masapak riyan,ikaw na bahala kay bossing dito na lang ako sa gonggong na ito! Ako naman ang sasapak sa hinayupak na ito! “

“Tumigil ka nga Vander! baka ikaw ang sapakin ko riyan! Hayaan muna ang lalaking iyan, tawagin mo si Yden baka napatay na niya ang isa doon sa kabilang kwarto! Pagkatapos tawagan ninyo si Baldo, sila na ang bahala sa lugar na itong maglinis, babalik tayo sa mansyon ni bossing!

“Oo na! Ikaw na ang masusunod! “

Rinig kung bangayan ng dalawa, nagulat nalang sila ng bigla akung, tumayo,

“Wag niyo na akung hanapin!”

Malamig na wika ko at agad na nilisan ang lugar, sakay sa paborito kung motorsiklo, ay binaybay ko ang kahabaan ng highway, gusto ko munang makapag isip ng mag Isa, malayo sa mga Kaibigan kung magulo.

Habang nag mamaniho ay lumilipad Naman ang diwa ko sa sinabi ni Anton kanina, Isa lang ang ibig sabihin niyon! Alam na niya ang totoo! At higit sa lahat! Hindi malabong bumalik narin ang alaala niya.

Ito naba ang magiging katapusan ko? Ang katapusan sa lahat ng mga paghihirap ko!

Continue

04/06/2024

Big shout out to my newest top fans! Wincel Anciano Angulo, Rhiza Gulpane, Junjun Marquez, N Gel Saladaga, Nelie Maneja, Gia Geor, Rowena Bentillo, Gellie Tingson, Lovelyn Agbon Ral, Marian Reyes, Remia Mampang, Rish Sabit Aton, Park Shu Jin, Madel Sombelon Estrella, Maria Rocelyn Orcine, Luvie Jaine, Marjie Soria Cuevas, Christine Fatima Baladjay Aguisando, Di Vhine Dela Fuente, Estrelles Duran, Nenita Baruelo, Gemma Lamud, Generose Taglocop Lake, JuChris Sabusna

23/05/2024

Big shout out to my newest top fans! Junjun Marquez, N Gel Saladaga, Nelie Maneja, Gia Geor, Rowena Bentillo, Gellie Tingson, Lovelyn Agbon Ral, Angie Palma Beira, Marian Reyes, Remia Mampang, Eleck Placidas, Adela Opella, Rish Sabit Aton, Mech Gempesaw, Park Shu Jin, Madel Sombelon Estrella, Maria Rocelyn Orcine, Marlyn Diolola Mejica, Marjie Soria Cuevas, Anne Alicabo, Yhang Bernal Gallano, Gina Buere, Christine Fatima Baladjay Aguisando, Di Vhine Dela Fuente, Hamsar Hazer Hizam, Estrelles Duran, Nenita Baruelo, Gemma Lamud, Generose Taglocop Lake, Myra Sanchez, JuChris Sabusna

MAID IN DISGUISE ✍️ CHRIS WRITE'S ❗ ACTION/ ROMANCE ❗ 🚫 PLAGIARISM IS A CRIME 🚫 EP-26hello gorjas! Sorry kung sa huling ...
08/05/2024

MAID IN DISGUISE
✍️ CHRIS WRITE'S

❗ ACTION/ ROMANCE ❗
🚫 PLAGIARISM IS A CRIME 🚫

EP-26

hello gorjas! Sorry kung sa huling update ko ay Wala kayong maintindihan kahit Ako ay ganun din, busy kasi Ako sa mga time na Yun, pinilit ko lang mag sulat siningit ko Ang time ko, kasi nga may ginawa akung horror, kaya bawi Ako ngayon hahabaan ko Ng kunti ☺️

Ipinag patuloy parin namin Ang aming byahe, doon sa mga taong naka salamuha namin sa daan ay may tinawagan akung mga tao na siyang mag lilinis sa mga Kalat namin doon.

Ako na ngayon Ang nag mamaniho dahil ipinag pahinga ko Muna si Damon, habang si Vander at Yden naman ay Nasa likuran at tulog na tulog.

“narinig ko na nasa iBang bansa daw sila, is that true?”

Sinulyapan ko lang si Damon, na nasa tabi ko, nakatitig lang ito sa harapan Ng kalsada, Isa sa pinaka gusto ko Kay Damon ay seryoso ito sa Buhay, pinapahalagahan nito Ang bawat mga bagay bagay Lalo pa't alam nitong emportante.

“Yea’” Maikling sagot ko sa kanya ,

“So, what are you planning to do now? Hindi ko alam kung Tama ba itong hinala ko, I think they already know something about your past! Lalo na si Vlad! Nalaman ko kasi na nagpapa imbestiga Siya tungkol sa nangyari 11 years ago!”

Doon na biglang kumislot Ang puso ko, napapahigpit Ang pagkakahawak ko sa manubela,

“What if they already know? Kaya Hindi narin nag papakita si Stev Kay Yden?”

Hindi Ako naka sagot sa Tanong niya,

“Are your ready to face the concequences?”

“I don't know, pero kung iyon Ang nararapat why not? I love him more than anything else, kaya ko Naman ginagawa Ang lahat Ng ito ay para sa kanya, wag lang siyang madamay sa gulo na meron Ako!”

Narinig ko Ang pagbuntong hininga sa lalaki, ito ba Ang dahilan kung bakit Hindi Kuna sila nakikita , pero bakit Hindi Siya nagpakita sa akin upang kausapin ako?

Hindi ko alam kung ano nga ba Ang pwede kung maramdaman ngayon, matutuwa ba Ako o masasaktan, sa kadahilanang hanggang dito na lamang Ako.

Lumipas pa Ang mga Oras sa aming naging byahe hanggang narating na namin Ang maynila, Hindi muna Ako umuwi Ng bahay, dahil naisipan kung daanan Ang transformer inc. ko, titingnanl ko lang Ang magiging kalagayan aNg mga bata doon.

“Sa wakas, naka uwi na tayo, bespren nagutom Ako kain muna tayo oh!”

Wika ni Yden habang hinimas himas pa Ang tyan, kaya nag utos na ako Ng iBa upang bumili Ng pagkain,

Hindi Rin Naman kami nag tagal doon Lalo pa't nalaman kung okay Naman sila, Nakita ko kung gaano ka saya Ang mga hitsura nila Lalo pa't binigyan ko sila lahat Ng pang allowance nila upang maka bili sila Ng mga gamit at mga bagay na gugustuhin nila.

habang naka sakay sa kotse ay Kasama ko parin Ang tatlo, para na kasing mga buntot ko Ang mga ito, e ika pa nila kung nasaan Ang ulo dapat nandoon Rin Ang buntot.

Sa condo Ako demeretso , kasi gusto kung magpahinga Ng maayos, Hindi ko nga lang alam kung magagawa ko pa ba iyon Lalo pa't nandito Ang tatlong ito.

Pagkarating namin ay agad na akung nag linis Ng katawan maging Ang tatlo Rin, may mga gamit Naman sila sa condo na ito, maging sa mga condo nilang lahat may gamit Rin Ako , ganito kasi kami share share, Hindi Naman Ako maarte, maliban nalang kung gagamitin Ang mga gamit ko, Yun Ang Hindi Ako papayag.

Pagkatapos kung maligo, ay humiga muna Ako saglit! Pero agad din akung nakatulog, dahil sa subrang pagod.

Nagising nalang ako Bigla Ng maka rinig Ako Ng mga putok Ng baril at mga kalabog , agad akung napabangon, at kinuha ko Ang 25 pistol ko sa ibabaw Ng bedside table ko, pagbukas ko Ng pinto Aya Ng malakas na sigaw ni Yden Ang naririnig ko.

Agad akung napatakbo sa Sala nitong condo, tumambad sa akin Ang napaka gulong lugar, nababasag Ang mga mamahaling vase ko, wasak din Ang mesa .

Nakita ko si Yden na nakipag suntukan sa dalawang lalaki, narinig ko Rin Ang iba't iBang kalabog Mula sa kwarto ni Damon at Vander, agad akung lumapit Kay Yden at walang Sabi sabing binaril ko sa binti Ang isang lalaking akmang papaluin si YdenMula sa likuran sa hawak nitong malaking vase,

Nabitawan nito Ang vase at napa tingin sa gawi ko, agad ko siyang tinakbo , pero bago ko pa Siya tuluyang malapitan tumalon Ako Ng malakas, Mula sa sofa, habang itinukod ko Ang Isa kung braso sa kabila at binigyan Ng isang malakas na sila Ang lalaki, natumba ito, Ang sunod kung nilapitan ay Ang isang lalaki pa,
Tumalon akung muli, kasabay Ng pag apak ko sa sahig ay Siya ring pag Tama sa Mukha Ng lalaki Ang dulo Ng baril na hawak ko, kaya napapa atras ito, agad ko siyang sinipa Ng malakas at Isa pang suntok sa mukha ,kaya agad itong nawalan Ng Malay.

Napa takbo Ako sa kwarto ni Damon, Ng maka rinig Ng mga kalabog Mula doon, Nakita ko siyang nakipag suntukan sa isang lalaki, Napa tiim bagang Ako Ng Makilala ko ito.

Agad na nabaling Ang tingin Ng lalaki sa akin Ng maka pasok Ako, Nakita ko Ang nakaka lokong ngisi nito. Dahilan upang maka hanap Ng tyempo si Damon at malakas na sinipa ito sa sikmura at isang malakas na suntok sa panga, ngunit napapa atras lang Ang lalaki . Hindi man lang ito natinag, sa malakas na suntok ni Damon,

Pero imbis na gumanti ito Ng suntok Kay Damon ay bumaling lang Ang tingin nito sa akin at ginawaran Ako Ng isang mala demonyong ngisi.

“Here you are! Nakita narin kita sa wakas, pinapahirapan mo pa akung puntahan ka dito sa lugar mo!”

Wika pa nito habang naka ngisi, naging blangko Ang hitsura ko, habang naka titig sa lalaking ito, ilang taon Kuna Rin siyang Hindi Nakitang muli, Balita ko kasi nag iBang bansa ito, Ang huli naming pagkikita ay beynte palang Ako, lumaki din Ang katawan nito at mas Lalo pang tumangkad, Puno Rin Ng tattoo Ang katawan nito dahil hatala naman, dahil sa mga tattoo nitong binalot Ang buong mga braso at leeg. May tattoo nga ito sa pisngi at sa noo.

“Ang laki nga Ng ipinag bago mo, Tama si Tita, Ang Ganda muna ngayon at Ang Ganda na Ng katawan mo, Hindi katulad dati Nung huli nating pagkikita”

Naka ngisi ulit na wika nito sa akin. Subalit agad din na nabura Ang nakaka lokong ngisi nito Ng ngisihan ko Rin Siya pa balik, ngising minsan ko lang ginagawa.

Nakita ko na biglang nagbago Ang Mukha nito. Na siyang mas Lalong ikinangisi ko.

“We meet again”

Mahinang sambit s**t ko sa kanya, na siyang ikinatigil nito.

Continue

MY ANNOYING BETA ✍️ CHRIS WRITE'S ❗ VAMPIRE STORY ❗ 🚫 PLAGIARISM IS A CRIME 🚫 EP-8Isang Oras din Ang itinagal sa aming p...
07/05/2024

MY ANNOYING BETA
✍️ CHRIS WRITE'S

❗ VAMPIRE STORY ❗
🚫 PLAGIARISM IS A CRIME 🚫

EP-8

Isang Oras din Ang itinagal sa aming pag ba-byahe, medyo masukal Ang daan sa bahay na iyon Lalo na kapag papalabas , sa subdivision,mukhang napaka private na mga tao Ang nakatira sa lugar na ito.

Kung pinsan ni Blade Ang ikinasal Isa lang Ang ibig sabihin niyon, may super powers din ba Ang pinsan nila kagaya sa lalaking ito.

Ilang minuto pa Ang lumipas subalit nagtataka Ako kung bakit parang naging familiar na sa akin Ang lugar, kaya napatingin Ako sa lalaki.

“Teka bakit dito mo Ako dinala sa bar?”

Takang tanung ko sa kanya na seryoso lang sa pag mamaniho.

“May dadaanan lang Ako, and besides, nandon parin Ang kotse mo Hindi ba?”

Natampal ko nalang Bigla Ang noo ko, dahil bakit naka limutan ko na may kotse Pala akung dala dala.

“Oo nga pala, sige dadaan tayo doon sa bar, wag mo na Lang akung ihatid pauwi dahil baka Makita ka ni kuya tiyak katapusan Kuna talaga”

Hindi na ito nagsalita pa, kaya tumahimik narin Ako, at nakikiramdam, pina pagana Kuna Rin Ang utak ko sa lahat Ng mga nangyayari.

Hanggang sa tuluyan na kaming naka rating sa bar kung saan Ako nag iinom, kahapun.

Agad niyang pinark Ang sasakyan, agad din akung lumabas Ng kotse, tahimik Ang lugar kaya alam kung Wala pang mga customer ngayon dahil maaga pa Naman,

Sumunod agad Ako Kay Blade Ng pumasok na ito, pinaka titigan ko Ang likuran niya, Ang tangkad pala Ng lalaki nag mistula din itong Modelo dahil sa paraan Ng paglalakad nito. Na naka suksuk Ang isang kamay sa bulsa Ng suot na pantalon habang Ang Isa Naman ay nilaro laro Ang susi sa kanyang kotse.

Hindi pa man kami tuluyang naka pasok ay Nakita Kuna ka agad Yung lalaki kahapun, na sinalubong si Blade Ng isang nakaka lokong ngisi at pa simple pa akung sinulyapan.

“ikaw na ba Ang susunod na e kasal pinsan?”

Naka ngising wika nito Kay blade, Saka ito inakbayan pero Ang lalaki ay nalukot lang Ang Mukha nito at agad na binaklas Ang braso Ng lalaki , Saka deretsong umupo sa mahabang sofa Saka bumaling sa akin.

Bigla tuloy akung kinabahan. Itinaas nito Ang kamay habang suminyas sa akin na lalapit, tapos ay tinapik pa nito Ang tabi nitong bakanti na para bang gusto niya akung paupuin sa kanyang tabi.

Marahan kung iginala Ang aking paningin sa kaboo-an Ng bar, wala ngang tao, bukod sa lalaking sumalubong sa Amin, pero agad din akung napa tingin sa entrada Ng bar , Nakita ko Ang pagpasok Ng isang familiar na lalaki at ,Ang Isa pang lalaki na Hindi Naman sa akin familiar,

“Hey guys, himala at nandito kayong dalawa, Saka, hey gorjas! You look familiar to me, “

Wika Nung pang huling pumasok, Napa Tanga Ako sa aking nakikita, totoo ba ito, may mga nagmistulang mga nag go-gwapuhang mga lalaki sa harapan ko.

Napa kurap kurap pa Ako Ng, Makita ko Ang lalaki na kaninang nagsalita na ngayon ay nasa harapan Kuna pala ito habang kinaway kaway Ang kanyang palad sa harapan Ng Mukha ko.

“Alam kung gwapo Ako, Binibini, pero wag mo Naman akung titigan Ng ganyan baka may biglang sumabog na bulcan dito ngayon , “

“Ha,?”

Tanung ko pa dahil Wala Nan akung naiintindihan,sa sinabi niya Saka akung bulcan Ang pinagsasabi nito.

Bigla akung napa atras Ng Makita ko Ang lalaki na bahagyang inilapit Ang Mukha sa akin at pinakatitigan Ako.

“Ang Ganda,”

Wika pa nito sa mahinang boses, na TILA ba namamangha pa. Sasagot na sana Ako Ng Bigla nalang akung nagulat dahil sa isang iglap lang Nakita ko si Blade na nasa tabi na Ng lalaki hinawakan nito Ang damit Ng lalaki at malakas na binalibag kaya ,TILA isang bagay itong tumilapon at tumama sa pader.

Napa sigaw Ako sa subrang pagka gulat! Napa takip pa Ako sa aking bibig habang naka tingin doon sa lalaking binalibag ni Blade, pero mas nagulat Ako Ng Bigla itong bumangon na tila ba walang nangyari,

Pa ika ika ito habang tumayo, na naka hawak sa kanyang bewang, Napa Tanga Ako sa aking Nakita, totoo ba iyon, Hindi man lang Siya napuruhan sa lakas ba Naman na pagka Tama nito sa pader.

Nagulat Ako Ng maka rinig Ng mga nakaka lokong tawa, kasunod kung naramdaman ay Ang kamay ni blade na ngayon ay naka hawak na sa kamay ko habang inalalayan akung maka upo sa tabi niya.

“See, Ang landi kasi!” Wika Nung Isa habang pa tawa tawa

“f**k you!”

Malakas na mura nito, tawanan ulit Ang naririnig ko.

“dude! Masakit ba? Gusto mo Ako Naman Ang babalibag Sayo total, naiinis din Naman Ako Sayo e, isinumbong ba Naman Ako ni veron, na kinain ko Ang niluto nitong cake para sana Kay blood ayun piningot Ako,”

tatawang wika ng lalaki na ngayon ay nag hahalo na Ng inumin,

“F**k you Karin! Magsama kayong lahat! Napaka brutal niyo, e susumbong ko kayo Kay Veronica pag uwi nila humanda kayo,”

Pagmamaktol pa nito na parang bata. Tawanan ulit Ang naririnig ko Mula sa kanya maliban doon sa lalaking hanggang ngayon ay hinimas himas Ang kanyang bewang. Lukot na lukot Ang Mukha nito.

“C'mon man, e sumbong mo! Para e susumbong Karin namin na pinakialam mo Ang mga bulaklak niya, tiyak na sapak na Ang aabutin mo nun napaka brutal pa Naman Ng babaing yun“

Naka ngising wika pa Nila sa lalaki, na mas Lalong ikinalukot Ng Mukha sa huli.

Saka agad itong tumayo at demeretso sa isang silid at malakas na isinarado iyon.

Tawanan ulit Ang naririnig ko.mula sa kanilang lahat maliban dito sa katabi ko, Bigla pa akung kinabahan Ng pagtingin ko sa kanya ay agad na nagtagpo Ang mga mata namin, naka titig Pala ito sa akin Ng mariin na siyang ikina bilis Ng pag tibok Ng puso ko .

Agad akung nag iwas Ng tingin, dahil kinakabahan Ako,

“Hi , you must be, Ceyden right?”

Biglang wika Nung lalaki na Nakita ko sa bahay kanina.

Tumango lang Ako kasi Naman Bigla akung kinabahan, Lalo pa na Hindi ko sila kilalang lahat.

“I'm Hellarius by the way,”

Wika nito, nginitian ko lang Siya

“And I'm Valerian, Yung isang tuliling kanina si Duke Yun , walang lablayp e kaya nasiraan Ng bait”

“Hello sa inyo Ako nga Pala si Ceyden ikinagagalak ko kayong Makilala, “

Ngiting wika ko sa kanila, ngumiti Naman Ang mga ito.

“Mag pinsan ba kayong lahat?” Maya Maya ay tanung ko.

“Yup how did you know?”sagot ni Hellarius

“Wala Naman medyo halata lang kasi dahil magkamuka kayong lahat”

Nagulat Ako Ng biglang mabilaokan si Valerian sa kanyang iniinom na juice!

“F**k!”

Malakas na mura nito, Maya Maya ay narinig ko Ang mahinang tawanan nila habang Pina panuod si Valerian na nag pupunas Ng mata.

“Gago, felling gwapo Ang Loko, gusto lang na Hindi malamangan e”

Iiling iling na wika ni Hellarius Saka umupo narin sa kabilang sofa.

napalingon Ako sa katabi ko Ng Bigla ko nalang naramdaman Ang kamay nitong naka patong sa sofa sa likurang bahagi ko, kaya nag mistula na itong naka akbay sa akin,

Parang baliwala lang Nan nito at nang hingi pa Ng inumin Kay Valerian na agad din naman nitong binigyan, habang sa akin ay juice lang, dahil bakaalasing daw akung muli.

Continue

04/05/2024

Katatapos lang mag laba Ang ferson😁 hirap maging aswangira ginagawang Umaga Ang Gabi😁

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chris write's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share