28/11/2025
BBO’s Pride, Only Coco can do that 👏🏼
DAGDAG NA 36 INVESTMENTS, INAASAHAN SA SUSUNOD NA TAON AYON SA BOI-MTIT BARMM
Tuloy tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga potential investors para sa investment leads ng Bureau of Investments o BOI ng Ministry of Trade, Investments and Tourism o MTIT-BARMM.
Ayon kay MTIT-BOI Technical and Regulatory Division, Chief Investment Specialist, Engineer Khominie Tayuan, kasalukuyan pa ring minomonitor ang 18 current investment leads dahil posibleng tataas pa sa 30 investment leads ang huling quarter ng 2025.
Dagdag pa rito, inaasahan din ng Ministeryo na sa taong 2026 ay mahigitan ang dagdag na 30 investment leads nila at mapanatili ang paghihikayat at pagdating ng marami pang potential investors upang makamit ang kanilang naturang target.
Dahil dito, mas madagdagan ang tiwala at sigla ng paglago ng ekonomiya ng rehiyon, ayon pa kay Engr. Tayuan.
-Jhulaica Mala, Immersion Student , Coland Senior High School