17/06/2026
𝗟𝗜𝗧𝗘𝗥𝗔𝗥𝗬 | 𝗞𝘂𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻
Buwan ng hunyo, ginugunita ang "𝗣𝗿𝗶𝗱𝗲 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵" buwan ng mga taong makulay.
𝙈𝙖𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣,
𝙈𝙖𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙬 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮,
𝙈𝙖𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣𝙖𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙,
𝙈𝙖𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙨𝙤.
Ito ay hindi lamang buwan, at ang "𝙥𝙧𝙞𝙙𝙚 𝙢𝙤𝙣𝙩𝙝" ay hindi lamang okasyon o usapin.
Ito ay hindi lamang pagdiriwang ng mga kulay—ito ang tibok at ugong sa pagkilala ng puso sa tunay nitong sinisigaw.
Sa bawat kulay, may kwentong dala.
Mga tinig na noon pa man ay hindi narinig, ngayon ay sabay nang humaharap kasama ang pangarap.
Hindi lang kulay ang taglay ng pride month,
kundi ang mga pusong matagal nang lumalaban.
Kaya kasabay sa pag gunita sa araw ng kalayaan, 𝙠𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙢𝙞𝙡𝙞, 𝙪𝙢𝙞𝙗𝙞𝙜 at mag desisyon para sa iyong kasarinlan.
Kilalanin at ibigin ang sarili,
Dahil 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙮 𝙨𝙖𝙥𝙖𝙩, 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖.
Sundin ang tibok at sigaw ng puso,
Dahil walang mali sa pag pili ng iyong gusto.
Sapagkat sa mundong bukas ang isip,
Bawat isa ay may karapatang umibig.
𝘿𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙜𝙡𝙖𝙮𝙖, 𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙞𝙜𝙞𝙣 𝙠𝙖 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙗𝙖𝙠𝙖.
Pride month, hayaang mamukadkad,
Sarili'y huwag nang itanggi.
Dahil sa mundong mausok at magulo,
Mas maganda kung ikaw ay 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙠𝙖𝙩𝙤𝙩𝙤𝙤.
✍🏻: Xena Jenella Silvosa
🖼️: Eliah Penelope Monterde