Mikan

Mikan

Wag na wag mong hintayin dumating ang araw na maubos ang pasensya ng asawa mo. Huwag mong gawing huli ang lahat bago mo ...
22/09/2025

Wag na wag mong hintayin dumating ang araw na maubos ang pasensya ng asawa mo.
Huwag mong gawing huli ang lahat bago mo pa siya tunay na pahalagahan. Bago sumuko ang misis mo, matagal siyang nagtiis. Nilunok niya ang lahat ng sakit, pilit iniiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan, at umaasang magbabago ka pa. Lahat ng iyon ay dahil sa pagmamahal at pagnanais na magtagumpay ang iyong relasyon.

Kaya't kung ngayon ay napapansin mo nang parang may layo na siya, o hindi na siya kasing masaya tulad ng dati, baka ito na ang senyales na ang pasensya niya ay nauubos na. Kapag misis ang sumuko, asahan mong hindi lang ang puso niya ang masaktan pati na rin ang buong pamilya.

Mahalaga ang bawat araw na kasama mo siya. Kung nais mong maiwasan ang pagkasira ng pamilya, simulan mong baguhin ang mga bagay na hindi na gumagana. lbalik ang respeto,ang tiwala,at ang pagmamahal.bago Siya tuluyang magdesisyo,sana ay magsimula Kang magbabago.

Kasi,kapag ang misis ang sumuko,tapos na ang laban. at ang pinakamalungkot na bahagi? Wala ka nang magagawa para ibalik ang lahat.

CTTO

17/09/2025

Ang Hinaing ng Misis, Hindi Laging pag iinarte

Madalas, kapag ang isang misis ay naglalabas ng sama ng loob, mabilis siyang mabansagan na .nag-iinarte, masyadong madrama, ohhindi marunong makuntento..Pero ang totoo, sa likod ng bawat hinaing ay isang pusong pagod, damdaming sugatan, at isang katauhang matagal nang hindi pinakikinggan.

Hindi laging simpleng tampo lang kapag sinabi niyang pagod na siya. Baka hindi lang iyon dahil sa gawaing bahay o sa trabaho. Baka pagod na rin siyang maghintay ng kaunting konsiderasyon, ng “kumusta ka?” o kahit simpleng pasasalamat. Baka hindi lang siya naghahanap ng tulong sa mga gawaing bahay, kundi ng katuwang sa buhay.

Kapag ang isang misis ay tahimik na, huwag mong isipin na ayos lang siya. Maaaring napagod na lang siyang magsalita. Maaaring sa bawat sigaw niya noon na tila paulit-ulit, ay may hinanakit na hindi maipaliwanag dahil hindi lang ito tungkol sa labahan, lutuin, o mga bata. Minsan, ito’y sigaw ng isang damdaming nakakalimutang pahalagahan.

Tandaan: Ang bawat misis ay tao rin. May damdamin. May pangarap. May karapatang mapagod, mapansin, at maramdaman na mahalaga siya. Hindi siya robot na programmed para lang magsilbi. Hindi siya laruan na puwedeng i-ignore kapag ayaw na natin sa sinasabi niya.

Kung ang hinaing niya ay parang “arte” sa paningin mo, baka kailangang buksan mo pa ang puso mo. Baka kailangan mong tanungin ang sarili mo: “Kailan ko ba siya huling pinakinggan nang totoo? Kailan ko siya huling niyakap at pinasalamatan?”

Huwag hintaying mawala siya para ma-realize mong hindi pala siya nag-iinarte kundi matagal ka nang hindi naging katuwang niya sa laban ng buhay.

Pakiramdaman. Pakinggan. Mahalin. Huwag maliitin ang hinaing, dahil baka iyon na ang huling lakas na kaya pa niyang ibigay.

ctto

04/09/2025
ctto
17/08/2025

ctto

16/08/2025

Status ko ngayon,
tahimik lang pero pilit nilalabanan lahat ng bigat..

14/08/2025

maging stress na lang yata habang buhay ang role ko sa mundong ito😭

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mikan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share