23/12/2025
The Landscape of Dusk by JDF
(Disclaimer: Ang kwentong inyong mababasa ay ideya ng manunulat, ang anumang mga karakter, lugar o insidente ang nakapaloob dito na may pagkakahalintulad sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Hindi po layon ng sulatin na ito ang mangopya ng ideya ng iba o manggaya ng mga detalye.)
1. Sunset
"Sa tuwing nasisilayan ko ang paglubog ng araw ay naaalala ko ang mga sandaling ikaw ang kayakap ko sa gitna ng dilim." Ito ang madalas na pumasok sa isip ko sa tuwing nakikita kong lumulubog ang araw at natatanaw ko ang unti unting pagsapit ng gabi. Ako si Xendrick Sean Gomez Dela Fuente, 21 years old and currently studying Bachelor of Public Administration. Ikatlong taon ko na sa kolehiyo sa may Beltran Sergio Polytechnic University. Ang mommy ko ay CEO ng Fuego Construction Company at may ari ng XPD Enterprises at yung daddy ko ay ang may ari ng Caizer Motors Incorporated. Tatlong taon at limang buwan kami ng girlfriend ko na si Crizella Montes Espenido. Siya ay nagtake ng Bachelor of Elementary Education sa kaparehong paaralan subalit nahinto siya. Ang magulang niya ay nasa Japan at siya rin ay nandoon na dahil sinundo siya ng magulang niya. Wala kaming pinag awayan pero once nung nagpaalam siya sa akin sa may airport, nangako siyang babalik siya after 2 years. It's been 3 years since she left all the way to Japan. Yung favorite spot namin ay yung lakeside habang tinatanaw ang sunset. Paborito naming landscape ang ganun dahil doon din sa spot na yon ang place kung saan sinagot niya ako. Di na siya nagrerespond sa messages ko at di rin sinasagot ang tawag ko. Umaasa talaga ako na babalik siya kaya nagtyatyaga ako na maachieve ang pangarap ko. I endured many things and I'm already missing her touch like parang gusto ko siya makapiling, mayakap, mahalikan ngunit hindi ko pa makuha dahil ang layo ng agwat namin sa isa't isa. Unang taon niya sa Japan noon active pa kaming nag uusap thru telegram and messenger at sumapit ang ikalawang taon niya doon, parang nanlalamig na di ko alam yung pag uusap namin. Sobrang busy niya daw kaya di ko siya makausap nang maayos. Kahit active ang status niya sa messenger at sa telegram ay di pa rin siya nagrerespond sa akin kaya matiyaga ko siyang hinintay. Di alintana sa akin ang pag iisip ng kung ano anong mga bagay basta ang importante ay mabasa ko lamang ulit ang message niya sa akin. Nasa school ako nung umaga ng October 12, 2025 at dahil malapit na ang exams namin ay inassign kami na magreview sa mga subjects namin. Tila titig na lang talaga sa malayo ang nagagawa ko habang nagrereview ako dahil sobrang miss ko na si Crizella kaya ginawa ko ang best ko para sa sarili ko. After classes, sinubukan akong ayain ng mga kaibigan ko na sina Frederick Santos, Andersen Gumabao, at ni Alexander Brigada na maggala sa plaza at tanawin ang mga magagandang babae na nandoon pero tumanggi ako.
"Mag iistay ka pa ba sa gf mo na di na nakakapagreply sayo at ni minsan di nakakapagprovide ng oras sayo?" Tanong ni Fred sa akin.
"Oo nga Xend, yung gf mo ngang halos wala nang pake sa iyo yung iniisip mo samantalang kami na inoobserbahan ka na palaging matamlay sa classroom ayaw sumama sa bonding namin eh." Dugtong ni Anders.
"Pasensya na kayo mga pre, kahit na ganun yung girlfriend ko eh syempre love ko yun kaya nag eendure ako kasi nga malayo ang pagitan naming dalawa hanggang ngayon. Maghihintay ako sa kanya kahit anong mangyari. If ever man na may mangyaring di maganda sa pagitan namin at kailangan ko ng tulong niyo, tatawag ako agad sa inyo." Sagot ko sa kanila.
"Oh siya sige pre aalis na kami, ingat ka sa pag uwi. Pag kailangan mo ng tulong namin tinitiyak namin sayo pupunta kami agad." Sambit ni Alex.
"Salamat mga pre." Tugon ko sa kanila.
Umuwi na ako pagkatapos namin mag usap usap at nagpahinga ako saglit. Nakita ko sa dingding ng kwarto ko yung picture namin ni Crizella na magkasama sa favorite spot namin kaya napasarap ang tulog ko. Kinaumagahan, nagmessage sa akin ang magulang ni Crizella na si Mrs. Agatha M. Espenido at naexcite ako bigla dahil magkikita na ulit kami ni Crizella. Sinabihan niya ako na abangan sila sa airport at ako ang maghahatid sa kanila sa kanilang tinitirahan sa may kanto namin. Dali dali akong nagbihis at nag ayos at kaagad akong nagpunta sa airport, gamit ko ang kotse ni dad dahil sa day off niya sa trabaho. Nang makarating ako sa airport, agad akong nilapitan ni Tita Agatha nang may halong saya dahil ilang taon kaming hindi nagkita. Ngunit nang matanaw ko si Crizella ay parang lumundag ang puso ko sa saya kaya't di ko pinalampas ang pagkakataon na makausap siya. Sa kasamaang palad ay di ako pinansin ni Crizella pero ang importante ay nakita ko siya ulit. Humingi ng dispensa sa akin ang mama niya at agaran ko itong tinanggap. Nang makarating kami sa bahay na tinitirhan nila noon, nag ayos kami doon at inabot ako ng gabi sa kanila kaya nang pauwi na ako, pinigilan ako ni tita at doon na ako nagpalipas ng gabi sa kanila. Maaga akong nagising dahil gagamitin ni daddy ang kotse kaya kaagad akong nagpaalam kina tita at kay Crizella. Ang pinagtataka ko ay kung bakit di ako pinapansin ni Crizella at di man lang niya ako niyakap doon sa paliparan. Kaya't umuwi ako ng mga 4 am at noong araw na iyon, papunta sila mommy at daddy sa Baguio para magbakasyon. Gusto ko sana sumama kaso di na nila ako pinayagan dahil may pasok ako kinabukasan. Kaya naiwan akong mag isa sa bahay at nag explore ng mga gawaing bahay. Kaya minabuti kong gumawa sa bahay para naman kahit paano di masayang ang oras ko kakahilata. I realized something na kailangan ko talaga masanay sa ibang gawain para malibang lang ang sarili ko kaya di ko muna inisip yung mga pangyayari noong mga nakaraang araw. After ng gawaing bahay, nagpunta ako ng kasentrohan para maggala kahit kaunting oras. Sila Alexander, Andersen, at Frederick ay nasaktohan kong nasa malapit ng mall at nakatayo sa may bandang kaliwa na para bang may hinihintay. Nilapitan ko sila at sumaya naman sila dahil sa pag aakala nilang sasama na ako sa kanila mangchix pero pass talaga ako sa ganun. Kinwento ko sa kanila yung nangyari kahapon dahil nga umuwi ang gf ko and suddenly natahimik sila bigla nang mabanggit ko na di ako pinapansin ni Crizella after 1 and a half year na walang pag uusap. Kaya bale ang ginawa nila ay isinama nila ako sa may plaza at naupo sa may gilid. Akala ko nun ay mag uusap kami nang masinsinan pero may inabangan palang babae yung tatlo na animo'y binobola lang nila ito. Natawa ako bahagya nang masampal si Fred ng babaeng binobola niya. Nasulit namin yung tawanan dahil sa kanilang tatlo, marami silang gimik pero mukhang di gumana yung taktika nila. Sumapit na naman ang alas 4 ng hapon at saktong malapit yung sentro ng lugar namin sa may lake kaya doon ko pinili ang next stop naming apat. Napansin nila Fred na natulala na ako dahil sa sunset kaya di muna nila ako ginambala dahil alam nila na makakakwento na naman ako ng patungkol sa amin ng gf ko. Madalas nila ako matimingan na nasa lake na mag isa at tinatanaw ang paglubog ng araw kaya alam nila kung ano yung ginagawa ko minsan pag mag isa lang ako. Yung tipong nasanay na ako sa ganung scenery na mag isa pero nagtatawanan pa rin sila kasi panay yung pangtitrip nila kay Fred na nasampal ng babaeng binobola niya. Nang maggagabi na, nagkayayaan kami sa may malapit na kainan at doon na naghapunan. After kumain ay nagpaalam na sila at naiwan na naman akong mag isa na uuwi sa amin. Nang makauwi na ako, nag open ako ng messenger ko at nagtaka ako sa message ni Crizella.
"The sunset is beautiful, isn't it?"
Then I asked her,
"What do you mean?"
Sagot niya "You know what I mean, let's stop this na."
"Bakit? Ano ba ang pagkukulang ko or ginawa ko?" Tanong ko sa kanya.
"We didn't have any communication for the last 1 and a half year and I decided to be more focused on what I must do from now on." Sagot niya sa akin.
"Pwede naman na magfocus ka sa kinakailangan mong gawin habang tayo pa eh, bakit makikipagbreak ka sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya."
Natapos ang palitan namin ng mensahe nang sabihin niya sa akin na "I fell out of love with you Xendrick, I'm sorry.
After that, parang nawalan ako ng gana dahil sa message na iyon. Di ko alam kung ano talaga ang pinalabas niya nung una pero parang nasundan agad ang relasyon namin ng takipsilim dahil ang liwanag sa pagitan ng pagmamahalan namin ay namaalam na.
(-To be continued-)