29/06/2025
Sa mismong harap ng Diyos...doon niya tinapos ang kanyang kwento.
I was there...
Katatapos ko lang mag-alay ng Banal na Misa. 8PM. I was removing my vestments, ready to go home, when I heard a loud thud. Akala ko may bumagsak lang na kneeler. But then, I saw two women screaming, running away from the side altar.
At doon ko siya nakita.
Isang binatilyo.
Walang buhay. May dugo.
Tahimik ang buong simbahan, pero ramdam ko ang dagundong ng sakit at pagkagulat.
At walang takot sa puso ko, nilapitan ko sya.
I prayed.
I entrusted his soul to God. I begged the Lord to embrace him with mercy. At sa gitna ng dasal, sumagi sa isip ko ang mismong mga huling salita ko sa homiliya kanina:
“Your weakness does not disqualify you.
It might just be the doorway through which grace enters your life.
Do not hide your wounds.
Offer them to God.
For His power is made perfect in weakness.”
Masakit. Mabigat. Tahimik.
Sana narinig niya iyon.
Sana, kahit huli na, may nakaabot sa kanyang puso.
Sana, yakap na siya ngayon ng Diyos.
Hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa.
Hindi ko alam kung anong laman ng puso niya sa huling sandali.
Pero alam ko ito — may Diyos na hindi bumibitaw kahit sa pinakamadilim na sandali.
To our young people: kung pagod ka na, kung hindi mo na kaya — lumapit ka. Magsabi ka. Huwag mong sarilinin. You are deeply loved — even in your mess, even in your struggle.
Ipagdasal po natin siya.
Ipagdasal natin ang kanyang pamilya.
Ipagdasal natin ang lahat ng kabataang nawawala sa dilim, naghahanap ng liwanag.
Panginoon, yakapin Mo ang batang ito. Sa Iyong mga bisig, may kapahingahan. Sa Iyong puso, may pag-asa. Sa Iyong awa, may bagong simula.
- ©️ Xavier Amoroso