Putaragis ka

Putaragis ka Content Disclaimer:
Opinion, News, Entertainment, Politics. Hindi porke't nagmumura, ay masamang tao na.

Hindi palaging sigawan ang sagot.At hindi ibig sabihin ng pagiging magkasama,ay laging tama at masaya ang pamilya!May mg...
03/07/2025

Hindi palaging sigawan ang sagot.
At hindi ibig sabihin ng pagiging magkasama,
ay laging tama at masaya ang pamilya!

May mga tahanan na kumpleto sa bilang ng miyembro, pero kulang sa katahimikan.
May mga pamilyang buo sa paningin ng iba,
pero basag na basag na sa loob.

*Ang akala ng marami,
hangga’t magkasama, ayos pa.

*Pero paano kung ang bawat
pag-uwi ay may kasamang galit?

*Paano kung bawat umaga
ay may kasunod na sumbatan?

Paano kung sa halip na pagmamahal ang maramdaman mo, ay tensyon at takot na lang?

Hindi sa lahat ng oras, ang pananatili ay katapangan. Minsan, ang paglayo ang mas mapagkumbabang paraan ng pagmamahal lalo na kung may batang nakakakita at nakakakinig madalas sa inyong ipinaglalaban o awayan.

Sabi nila: "Pag may problema, pag-usapan."
Tama naman at maganda yan.

Pero paano kung taon na ang binilang, pero sigawan pa rin ang laging nauuna bago ang pag-uunawaan, mas lumalala pa ang awayan.

Paano kung ang tahanan mo, ay parang maiikumpara mo sa giyera sa araw-araw?
Hindi siya nagiging lugar ng pahinga.

Ang pag-aasawa ay hindi lang pagmamahalan palagi, kundi madalas kailangan ng pang-unawa.
At kung wala na ‘yon, nauubos ang pasensya, nasasaktan ang damdamin, at dumarating sa puntong… mas payapa pa kapag magkalayo o hindi kayo magkasama at nag-uusap.
Siguro o baka may mali na talaga?

Alam mo, hindi ito usapin ng pagsuko.
Hindi rin ito tungkol sa pagkakasala.

Minsan, kahit parehong may pag kukulang,
pareho rin kayong napagod at nagsawa na!
At minsan, mas malalim pa sa sorry ang katahimikan na kailangan ninyong dalawa.

Pero sa isang banda, doon mo makikita ang sign at linaw na hindi mo talaga kaaway ang kabiyak mo, kaso lang ay hindi na rin kayo ang magkasangga sa laban ng buhay.

At para sa kapakanan ng anak, para sa kapayapaan ng isipan, at para sa muling pagbangon ng sarili kailangang mong matutong bitawan ang gulo, at piliin ang lugar kung saan hindi ka tinataboy ng galit, sinusumbatan, sinasabihan na walang silbi!!
"Kundi niyayakap ng katahimikan."

Sa isang tahanan, ang unawaan ay mas mahalaga kaysa pagtatalo. Sino piipili sa pagtatalo?

Hindi mo kailangang manalo sa argumento kung matatalo mo naman ang respeto.

Kung mas madalas na galit ang nararamdaman kaysa pagmamahal? baka hindi na tanong kung dapat pa bang ipaglaban?

Baka sign o tanong na kung kanino ka dapat bumangon at kung saan kayo dapat lumugar para sa ikakabuti at kapakanan ng inyong anak.

Busy pa pala si Mam panunood sa Team niya. Goodluck sa team mo mam. 🏀
02/07/2025

Busy pa pala si Mam panunood sa Team niya.
Goodluck sa team mo mam. 🏀

PNP CHIEF TORRE, BINIGYAN NG 9.9 NA MARKA NG NAPOLCOM: TOTOO BANG PAGPURI ITO O MAY NAKATAGONG AGENDA?Umani ng atensyon ...
02/07/2025

PNP CHIEF TORRE, BINIGYAN NG 9.9 NA MARKA NG NAPOLCOM: TOTOO BANG PAGPURI ITO O MAY NAKATAGONG AGENDA?

Umani ng atensyon sa social media ang naging pahayag ng National Police Commission (NAPOLCOM) matapos bigyan si PNP Chief Police General Nicolas Torre III ng 9.9 sa 10 marka sa kanyang unang buwan sa serbisyo. Ang nasabing rating ay ibinigay ni NAPOLCOM Executive Director Rafael Vicente Calinisan, na agad namang umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko.

Habang nagpahayag ng suporta ang ilang netizens, hindi rin nag-atubiling magtanong ang mga kritiko: “Makatarungan ba ang pagbibigay ng ganitong mataas na marka, o may impluwensyang pulitikal na nakaapekto rito?”

Ayon kay Calinisan, “Ibang klase ang ipinapakitang pamumuno ni General Torre — tila bagong sigla para sa buong hanay ng PNP.” Subalit, ayon sa ilang ulat mula sa mga tagaloob ng ahensya, may ilang komisyoner umano na nais magbigay ng mas mababang marka, ngunit na-overrule o hindi pinakinggan.

Ang isyung ito ay lumutang kasabay ng isinasagawang malawakang balasahan sa ilang yunit ng PNP, lalo na sa mga matagal nang pinamumunuan ng mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA). Si Torre ang kauna-unahang hepe ng PNP na nagtapos mula sa Philippine National Police Academy (PNPA), bagay na sinasabing isa sa mga ugat ng tensyon sa loob ng institusyon.

Isang source na humiling ng anonymity ang nagsabi: “Hindi na ito tungkol sa merito. Ang nakikita namin ay pamumulitika sa loob mismo ng hanay ng kapulisan.”

HATI ANG OPINYON NG PUBLIKO:
Suportado si Torre: Para sa mga tagasuporta, ito raw ang uri ng lider na matagal nang hinihintay ng PNP — may aksyon at may malasakit.

May pagdududa: Para sa iba, tila hindi makatarungan ang halos perpektong rating matapos lamang ang isang buwan sa puwesto.

Reaksyon mula sa PMA Alumni: May ilan ding nagsasabing tila ginagamit ang isyu para atakihin ang mga tradisyong matagal nang umiiral sa loob ng PNP.

Mga Tanong ng Taumbayan:
Nararapat ba ang ibinigay na 9.9 na marka kay PGen. Torre?

May kinikilingan nga ba ang NAPOLCOM sa pagbibigay ng rating?

Ano ang masasabi mo dito?



Taragis ka Manny, dami mo alam. 🤦
30/06/2025

Taragis ka Manny, dami mo alam. 🤦

"Hindi laging kailangan ang taong makakaintindi sayo... Minsan, ang mas mahalaga ay ang taong mananatili sa tabi mo kahi...
28/06/2025

"Hindi laging kailangan ang taong makakaintindi sayo... Minsan, ang mas mahalaga ay ang taong mananatili sa tabi mo kahit hindi ka nila lubos na nauunawaan."

Sa buhay, darating talaga 'yung mga panahong ni ikaw mismo, hindi mo maintindihan ang sarili mo. Magulo ang emosyon, walang direksyon ang nararamdaman, at parang wala kang maipaliwanag nang maayos.

Sa mga ganitong sandali, hindi mo kailangan ng kaibigang eksperto sa pag-analyze ng sitwasyon mo. Ang kailangan mo... ay yung tahimik lang na nandyan. Hindi nagtatanong ng marami. Hindi nangungulit. Basta nananatili.

Yung simpleng presensya nila, sapat na para mapawi kahit paano ang bigat ng loob mo. Hindi man nila alam ang pinagdadaanan mo, pero ramdam mo na hindi ka nila kayang talikuran.

Dahil minsan, ang tunay na kaibigan ay hindi palaging may sagot, pero palaging may puwang para sayo.

Ikaw ba? Mayroon ka bang ganyang kaibigan?
Pasalamatan, taragis ka! Kung wala pa, anong klaseng kaibigan ang hinahanap mo sa panahon ng katahimikan mo? Kwento mo sa comments.

JIMMY SANTOS, MULING PINAHANGA ANG NETIZENS  SUMUBOK BILANG TINDERO NG STREET FOOD SA NUEVA ECIJA!Hindi na bago kay Jimm...
03/06/2025

JIMMY SANTOS, MULING PINAHANGA ANG NETIZENS SUMUBOK BILANG TINDERO NG STREET FOOD SA NUEVA ECIJA!

Hindi na bago kay Jimmy Santos ang pagiging sikat sa TV. Pero ang pinakabagong role niya?
Hindi bilang artista, kundi bilang isang simpleng tindero ng tusok-tusok sa kalsada.

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Jimmy ang buhay sa likod ng kariton. Sa kanyang vlog, gumigising umano siya ng madaling araw para maghanda ng paninda. Sa gitna ng init ng araw at panganib ng ulan, nagbibenta siya ng tusok-tusok sa kalye.

“Ang hirap pala ng ganitong trabaho. Pero kailangan mong magtiyaga. Kailangan mong maging tapat. Kasi kung hindi sila magiging honest, paano naman ’yung nagtitinda?”

Maraming Netizens ang humanga at napasaludo kay Jimm Santos.

Sa panahon na maraming gustong "madaliin ang pag-yaman, ipinaalala ni Jimmy na ang tunay na respeto ay hindi nakukuha sa karangyaan, kundi sa marangal na paghahanapbuhay.

Hindi mo kailangang maging sikat para maging dakila. Ang sipag, tiyaga, at katapatan iyan ang tunay na yaman ng isang tao. Ang kariton ng tusok-tusok ay maaaring maliit sa paningin ng iba. Pero sa bawat pawis at ngiting ibinubuhos dito, nandoon ang dangal ng isang tunay na Pilipino. 🇵🇭

Ano ang masasabi niyo sa ipinakitang ito ng dating host ng Eat Bulaga na si Jimmy Santos?

Christian Albert Gaza, bumalik na.Pinag-alala mo kami Mars, 80k na yan matik!
31/05/2025

Christian Albert Gaza, bumalik na.
Pinag-alala mo kami Mars, 80k na yan matik!

Isang buwan na naman ang lumipas.Tapos na ang "May"
31/05/2025

Isang buwan na naman ang lumipas.
Tapos na ang "May"

"LAGING MAGPURSIGE"Sa mundo kung saan madalas sinusukat ang halaga ng tao sa kung anong meron siya, ang sipag at tiyaga ...
29/05/2025

"LAGING MAGPURSIGE"

Sa mundo kung saan madalas sinusukat ang halaga ng tao sa kung anong meron siya, ang sipag at tiyaga ang tanging sandata mo para mabago ang laro. Hindi lang ito tungkol sa pera, kundi tungkol sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan para sa'yo at sa mga mahal mo sa buhay.

Kapag nagsusumikap ka, binabago mo hindi lang ang takbo ng buhay mo kundi pati ang tingin ng iba sa'yo. Hindi lahat ng tao ay maniniwala sa kakayahan mo sa simula, pero tandaan mo: ang respeto ay hindi hinihingi, ito’y pinaghihirapan. At ang tagumpay? Dumadating 'yan sa mga hindi sumusuko.

Oo, minsan pakiramdam mo parang hindi patas ang mundo lalo na kapag wala ka pang nararating o wala kang pera. Pero huwag kang panghinaan ng loob. Ang kwento mo ay hindi pa tapos. Patuloy kang mangarap, magsikap, at ipakita sa mundo na kaya mo. Putaragis ka, makakaraos din tayo!

IVANA ALAWI BENITEZ, NIKKI LOPEZ.Isang malaking kontrobersya ang bumalot kay Mayor Albee Benitez matapos na magbigay ng ...
29/05/2025

IVANA ALAWI BENITEZ, NIKKI LOPEZ.
Isang malaking kontrobersya ang bumalot kay Mayor Albee Benitez matapos na magbigay ng pahayag ang kanyang asawa, si Nikki Lopez, na nag-aakusa sa kanya. Ang sexy actress na si Ivana Alawi ang kanyang binanggit bilang diumano'y mistress.

Sa mga dokumentong kumakalat online, inihain ni Lopez ang isang kaso laban kay Benitez sa ilalim ng Republic Act 9262, na kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ng 2004. Ang kanilang kasal, na umabot na ng higit dalawang dekada at may dalawang anak, ay nahaharap sa matinding pagsubok matapos ianunsyo ni Benitez ang kanyang pagnanais na iannul ang kanilang kasal.

Ayon sa legal na dokumento, nagbigay si Lopez ng detalyadong pahayag: "Nang matanggap ko ang Petisyon para sa Pagdedeklara ng Kawalang-bisa ng Kasal na inihain ng Respondent, at matapos basahin ang kanyang pag-amin tungkol sa pagkakaroon ng dalawang illegitimate na anak, at ang kanyang ipinahiwatig na relasyon kay Ivana Alawi, doon ko nakumpirma ang kanyang panan cheating."

Binanggit ni Lopez na ang mga pagbubunyag na ito ay nagdulot sa kanya ng labis na sakit at emosyonal na pasakit, na nagdulot ng pagkasira sa kanilang pamilya.

Patuloy na umaasa si Lopez na makakamit ang katarungan sa kanyang sitwasyon.


"Balang araw, makakabawi rin tayo sa mga taong hindi nagdamot sa atin, lalo na sa mga panahon ngayon na  dapang-dapa tay...
29/05/2025

"Balang araw, makakabawi rin tayo sa mga taong hindi nagdamot sa atin, lalo na sa mga panahon ngayon na dapang-dapa tayo."

Sila ang mga ilaw na nagbigay liwanag sa ating mga madidilim na sandali, ang mga tunay na may malasakit, na hindi nag-atubiling umalalay sa atin kahit na sila'y may sariling laban din sa buhay.

Huwag nating kalimutan ang mga taong nagbigay ng kanilang oras, lakas, at pagmamahal, kahit sa mga simpleng paraan. Sila ang nagbigay-diin sa ating mga pangarap, ang mga dahilan kung bakit tayo patuloy na bumangon at lumaban.

Sa kabila ng hirap, ang kanilang malasakit ay nagbigay ng lakas at inspirasyon sa ating mga puso, nag-uugnay sa atin sa mga pagkakataong tila nawawalan na tayo ng pag-asa.

Sa bawat hakbang na ating tinatahak, dalhin natin ang kanilang mga alaala at ang pangarap na balang araw, tayo rin ay magiging inspirasyon sa iba kung tayo naman ang magtatagumpay at papalarin, huwag kalimutang ipagpasalamat ang mga taong naging bahagi ng ating kwento.

Kaya’t kung sakaling tayo’y nagtatagumpay, ipaalam natin sa kanila na ang kanilang mga sakripisyo ay hindi kailanman nakalimutan.
Maraming salamat mga kapamilya, kapatid, kaibigan na patuloy na nakasuporta at umaalalay!

Ikaw? Sino ang tumulong at nagbigay ng inspirasyon, lakas sa iyo sa mga panahong nahihirapan ka na?

P331-Million Jackpot sa Grand Lotto, Nakuha ng Taga-Mandaluyong! Kung ikaw ang nanalo ng ₱331 million, anong unang mong ...
28/05/2025

P331-Million Jackpot sa Grand Lotto, Nakuha ng Taga-Mandaluyong! Kung ikaw ang nanalo ng ₱331 million, anong unang mong gagawin?

Isang ordinaryong lotto bettor mula sa Mandaluyong City ang opisyal nang nag-claim ng mahigit ₱331-Million na jackpot prize mula sa Grand Lotto 6/55 draw nitong May 2025!

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nanalong kombinasyon na 30-29-42-28-02-43 ay nakuha sa pamamagitan ng Lucky Pick system, kung saan random na pinipili ng machine ang numbers.

Pero ang mas nakakainspire dito, ang nanalo ay mahigit 10 taon nang tumataya sa lotto. Hindi sumuko, kahit pa madalas ay talo. At ngayon… isang pagkakataon lang ang kailangan, at nagbago ang takbo ng buhay niya.

May mga panalong hindi agad binibigay, kasi may mga taong kailangang pagdaanin muna sa mahabang proseso ng pagtitiyaga at pagtitiis.

Ito ay istorya ng consistency, at pag-asa na kahit sa gitna ng paulit-ulit na pagkatalo. Kapag ito nakalaan para sayo, para talaga ito sayo!

Hindi ito tungkol sa sugal.
Ito ay paalala na minsan, sa buhay, parang tumataya rin tayo araw-araw, sa trabaho, sa pamilya, sa mga pangarap natin para sa mga mahal natin sa buhay!

At kahit ilang beses ka pang madapa, ang mahalaga... hindi ka tumitigil tumaya o magtiwala sa sarili mo.

Dahil kahit minsan parang ang tagal dumating ng "swerte", kapag dumating na ito, lahat ng paghihintay, magiging sulit.

Sana tayo rin palarin balang-araw! 🙏
Mag-iingat po tayong lahat palagi.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Putaragis ka posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Putaragis ka:

Share